Part 5

62 1 1
                                    

Tanghali na ng magising ako. Nung una ay akala ko naroon ako sa hospital kasama si mommy ngunit ng gumalaw ako ay naramdaman ko ang pananakit ng buo kong katawan. Mula sa namamaga kong labi hanggang sa ibabang bahagi ng aking katawan. Shit.

Muling nangilid ang luha sa aking mata dahil sa awa at inis sa sarili. Paulit-ulit kong ibinigay ang sarili ko kagabi kay Benedict Krypton bilang kabayaran sa malaking utang ng pamilya ko.

Hindi ko mapigilang humagulgol habang pinagsusuntok ko ang kama sa sobrang inis at galit.

Galit ako kay Benedict dahil siya ang dahilan ng unti-unting pagkasira ng pamilya ko at mas lalong galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong paulit-ulit akong angkinin ng taong dahilan ng pagkalugmok ng pamilya ko.

Wala na ang iniingatan kong dangal at mas lalong wala na akong natitirang respeto para sa sarili ko. Pero wala namang mas mahalaga pa sa buhay ng aking ina at kalayaan ng aking ama kaya kahit ano mang poot mayroon ako ngayon sa puso nangingibabaw pa rin ang pagmamahal sa pamilya ko.

Naiinis pa rin ako sa sarili dahil sa kusa kong pagsuko ng sarili sa demonyo. How can I do that? Ganoon na ba ako ka frustrated mula sa pag-reject sa akin ni Kyle ng muntik ko ng ibigay ang sarili ko dito? Hindi, hindi dapat ganito ang nangyayari, I hated Benedict so much kaya dapat na pinahirapan ko siya sa gustong niyang makuha. Pero hindi iyun ang nangyari.

Dahan-dahan akong tumayo mula sa kama. Tahimik ang buong unit at hinala ko kanina pa nakaalis ang demonyo.

Agad kong hinanap ang damit ko at wala pang sampung minuto ay nakalabas na ako ng unit. Hindi ko kayang manatili sa loob ng ilang segondo pa, pakiramdam ko ay tila sinusunog ako ng konsiyensiya ko.

Pagkalipas ng tatlumpung minuto ay narating ko din ang apartment ni Trixie.

"Anicka!" gulat na sambit ng kaibigan ko ng pagbuksan ako ng pintuan.

Hindi ko pinansin ang gulat sa mukha niya. Dumiritso na ako sa loob ng apartment.

"Puwede ba akong makiligo, Trix? Please."

"Sure. No problem Annie." sagot nito pero nanatiling magkaabot ang dalawang kilay. Puno ng pagtataka ang mata nito.

"Pahiram na din ng damit tsaka bagong underwear." wala sa loob kong sambit at dumiritso na sa banyo.

Hindi ko na narinig ang sagot ni Trixie dahil binuksan ko na ang shower sa banyo.

Paulit-ulit kong sinasabonan ang buo kong katawan, namumula na din ang balat ko sa kakakuskos, gusto kong tanggalin lahat ng alaala kagabi. Gusto kong mawala na sa isip ko ang bawat halik at haplos ng demonyo sa lahat ng parte ng katawan ko.

"Annie, ok ka lang diyan?" nag-alalang katok ni Trixie sa banyo.

"Nandito sa kama ang hinanda kong damit ha. Punta lang ako ng kusina maghahanda ako ng makakain natin."

Hindi pa rin ako sumagot tahimik kong pinatay ang shower at inabot ang tuwalya sa rack. Pagkatapos tuyuin ang sarili ay lumabas na rin ako.

Mabuti nalang at magkasing-katawan lang kami ni Trixie kaya kasyang-kasya sa akin ang pinahiram niyang damit.

Pagkatapos kong magbihis ay dumapa ako sa kama niya. Kusa na namang bumuhos ang luha ko ng maalala ang magulang at si Kyle.

Abala ako sa pagpapahid ng luha kaya hindi ko namalayan ang pagpasok ni Trixie, umupo ito sa tabi ko.

"Are you ok?" Anito sa nag-alalang tinig. Hindi ko na maitago ang luha ko dahil siya na mismo ang nagbigay sa akin ng tissue.

"You want me to call, Kyle?" napabangon naman ako kaagad dahil sa pagbanggit nito sa pangalan ni Kyle.

"No, please dont Trix."

"Bakit nag-aaway ba kayo?" hindi talaga siya nito hihiwalayan ng pagtatanong.

"Wala kaming problema at hindi rin kami nag-aaway." sabi ko at sa wakas tumigil na rin ang luha ko.

"Kung hindi kayo nag-aaway, bakit kagabi ka pa hinahanap sa akin ng fiancee mo? Hindi ka daw makontak."

Fiancee? Muli na namang bumangon ang guilt na kanina ko pa tinitikis. Kaya parang gusto ko na ngang maglaho sa mundong ito ngayon din kong puwede lang sana dahil hindi ko alam kong paano harapin si Kyle pagkatapos ng ginawa kong kataksilan. He don't deserve me anymore but I can't let him go dahil mahal ko siya.

"Ano bang nangyari sayo, Annie at saan ka nanggaling? Hindi ka daw bumalik sa hospital sabi ni Amy simula pa kahapon ng umaga." hindi ako sumagot. Ayokong magka-ediya ito sa pinagagawa ko.

"Saan ka ba nagpunta at ngayon para kang patang-pata? Tingnan mo nga yang mata mo oh, ang lalalim tsaka ang lalaki ng eyebags mo. Nagpapahinga ka pa ba?"

"Trixie, hindi ko na alam ang gagawin ko." tanging lumabas lang sa bibig ko.

Bigla nalang niya akong niyakap at hinagod ang aking likod.

"Be strong Annie, malalagpasan mo din ito. Ang mahalaga ay ligtas na si tita tsaka ang daddy mo balita ko ay makakalabas na ng kulungan."

Oo nga, pero hindi ko naman alam kong ano ang pinaplano ng demonyong si Benedict Krypton. Alam kong hindi sapat ang katawan ko dito para sa 20 million na utang ng pamilya ko. Kaya dapat ko na nga sigurong ihanda ang sarili sa kasunod na panggigipit nito.

"Halika na Annie, kumain na muna tayo at baka maubos na iyang luha mo sa kaiiyak na wala man lang laman ang tiyan mo."

------------

Bandang hapon na ng pumunta ako ng hospital, nakatulog kasi ako ng ilang oras sa apartment ni Trixie.

"Ate, mabuti naman at dumating ka na." Salubong kaagad sa akin ni Amy bigla tuloy akong kinabahan.

"Bakit anong nangyari kay mommy habang wala ako, Amy?" bigla nalang akong sinalakay ng hindi maipaliwanag na takot.

"Wala naman ate, pero kagabi pa kayo hinanap ng mommy niyo." nakahinga ako ng maluwag sa sagot ni Amy.

"Ang daddy niyo pala ate Anicka nandito."

Hindi na ako sumagot dahil eksakto namang pagbukas ko ng pinto ng room ni mommy ay sumalubong sa aking paningin si daddy na mahigpit na nakahawak sa kamay ni mommy.

"Dad." tawag ko sa mahinang tinig ayaw kong gumawa ng ingay dahil baka magising si mommy.

Agad namang nag-angat ng ulo si daddy na agad nagliwanag ang mukha ng makita ako.

"Anicka." niyakap niya ako ng mahigpit habang panay ang pahid sa luha sa mata.

"Im sorry anak. Im so sorry." umiiyak nitong sambit. Mabilis akong umiling-iling at pinigilan siyang umiyak. Ilang beses na bang humingi sa akin ng tawad si daddy? Aaminin ko may galit pa rin ang puso ko dahil sa ginawa niya pero alam ko din ang katotohanang ano mang galit ko ay hindi na,maibabalik sa dati ang lahat.

"Im so sorry anak, sana mapatawad mo ako."

"Dad, napatawad na kita at masaya ako ngayon na kasama ka na ulit namin ni mommy."

Napahagulgol siya sa pagbanggit ko kay mommy. Alam kong sinisisi ni daddy ang sarili dahil sa nangyari kay mommy at wala na akong magawa roon.

""

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Deal with the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon