Chapter 10

2.5K 77 0
                                    

Lance POV

Sya pa may gana itigil yung pag papanggap namin, pinoprotektahan ko lang naman sya sa mga mababaw mag isip na tao,

At sige inaamin ko din kaya ayoko itigil para macomfirm kung anu ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya..

"Tol teka lang,"-Sabi ni Cedric nung naabutan nya ko

"O?"-

"Anung problema mo? Bakit ganun ka naman mag salita sa kanya, ikaw lang naman kasi may gusto na mag panggap diba?"-

"Kaya nga pumayag na ko na itigil na namin diba?"-

"Sabihin mo nga sakin yung totoo tol, gusto mo ba sya?"-

"Hindi! Bakit naman ako mag kakagusto sa kanya! Masama bang protektahan ko sya sa iisipin nang iba?!"-

"So anung balak mo?"-

"Wala! Ayaw na nya edi wag"-

.

.

.

.

_________________

Papunta kami ngayon sa court para mag basketball ni Cedric..

Nang saktong makakasalubong namin sila..

Iiwas na sana ako kaso kung saan ako dadaan dun din sya dadaan

Yung pag pupunta ako nang kanan sa kanan din sya pupunta, pag sa kaliwa naman dun din ang punta nya kaya parehas kami napapahinto, para kasi kaming nag papatintero..

"Ah, Daina kami muna dadaan, para kayong nag lalaro eh, tara na tol"-Sabi ni Cedric kaya ayun nakadaan din ako,

"Oy san punta nyo?"-Tanung ni Renzo

"Sa court, mag babasketball"-Cedric

"Sali ako, Pre tara sali tayo"-Aya ni Renzo kay Jerome

"Sige tara, Erika sama muna kayo samin"-Aya naman  ni Jerome kay Erika

"Hmp sige, tara bessy"-Sabi ni Erika, tapos ayun nag lakad na kami papuntang court

Parang di kami mag kakilala ni Daina,

Ang layo kasi namin sa isat isa..

_______________

Daina POV

Anu toh kunwari di kami mag kakilala?

Hayss parang yun lang galit agad sya ..

Sya lang naman kasi may gusto na mag panggap kami, tapos magagalit pa sya sakin :/

"Go Jerome!!"-Sigaw ni Erika, nag babasketball kasi ang Handsome 4,

5 on 5 so ayun may kakampi pa silang isa...

Tapos ang daming nanunuod sa kanila na kala mo may laban talaga..

Pag nakakashoot ang isa sa Handsome 4 yung mga nanunuod grabe mag sigawan..

"Look, diba bf nya si Lance? Pero parang ayaw man lang nya suportahan yung bf nya"-Sabi nung babaeng nasa likod ko

"Bessy, mag cheer ka din kasi"-Bulong ni Erika sakin

"Bessy alam mo naman mag kaaway kami diba?"-Mahina kong sabi kay Erika, mahirap na baka may makarinig machismis na naman ako

"Bahala ka, kung ako sayo makipag bati kana sa kanya, tingnan mo tama sila, dahil sikat si Lance lahat nang mata nang tao na sayo .. hindi ka lang mag cheer para kay Lance kung anu anu na sinasabi sayo, what if malaman pa nila yung totoo"-

My Heartthrob Boyfriend |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon