Chapter 20

2.1K 65 0
                                    

"O bunso san ka nang galing?"-Tanung ni kuya pero ako derederetsyo lang ako sa papuntang kwarto, feeling ko hinang hina ako ngayon

"Jan lang po"-Sabi ko tapos pumasok na ko nang kwarto ko

Napaupo nalang ako sa kama ko, habang na aalala ko yung nakita ko kanina,

(Mahal ko na pala sya yun pala ibig sabihin kaya parang na babaliw ang puso ko tuwing kasama ko sya, pero tapos na, nalaman na nang ex nya na hindi naman talaga kami.. tapos na hindi ko na kelangan pang lumapit sa kanya)

Biglang tumulo ang luho ko

"Bunso"-Sabi ni kuya pag pasok nya nang kwarto, pinunasan ko kaagad yung luha ko para di nya makita

"Wag muna itago sakin bunso, nakita kong umiiyak ka"-Sabi nya tapos tumabi sya sakin nang upo

"Hindi kuya, ano may pumasok lang sa mata ko"-

"Alam mo lokohin muna lahat, wag lang ako, kuya mo ko alam ko kung ano yung totoo, may problema ba?"-

Napatingin ako kay kuya tapos yumakap ako sa kanya, at umiyak ulit ako

"Kuya *snip* bakit ganun? *snip* bakit kelangan ko masaktan muna bago ko marealize na mahal ko na pala sya *snip*"-

"Bunso, tahan na, sinu bayun? Anu bang ginawa nya sayo?"-

"Wala syang ginawa *snip* siguro para sa kanya wala syang ginawa *snip* pero para sakin na makita ko syang masaya sa iba, kuya *snip* kuya sobrang sakit"-

"Sinu ba kasi yun?"-

"Dapat sinunod ko nalang kayo kuya *snip* sana hindi na ko na inlove sa kanya"-

Tinanggal ni kuya yung pag kakayakap ko sa kanya

"Isa sa Handsome 4 ba?"-

Nag nod nalang ako habang nakayuko

"Sabi ko naman sayo, wag ka maiinlove sa kanila kung ayaw mo masaktan, pero nang yari na, ang kelangan mo nalang gawin, layuan sya itigil muna yung nararamdaman mo sa kanya para dika na masaktan pa, layuan mo na sya ok?"-

"Yes kuya"-

"Tama na iyak napanget ka tuloy, matulog kana.. mag pahinga kana"-

"Sige po"-

"Sige lalabas na ko"-Sabi nya tapos nag nod nalang ako at lumabas na sya sa kwarto, ako naman naligo muna tapos natulog

_

_

_

~Kinabukasan~

"Kuya papasok na po ko"-Ako

"Sige ingat ka"-

"Sige po"-Sabi ko tapos lumabas na ko nang bahay at nag pahatid sa driver.

_

_

Pag baba ko nang cotse, lahat nang mata sakin na nakatingin, tapos mag bubulungan sila, ako naman tuloy tuloy lang sa pag lalakad..

"Hindi naman pala sila eh"-

"Masyado kasing nag assume na makukuha nya yung isa sa handsome 4"-

"Hayy naku pilingerang babae"-

Yan ang mga sinasabi nila, nakayuko nalang ako habang nag lalakad, nahihiya na ko..

"Hey flirt"-Sabi nung isa sa tatlong clown, humarang sila sa dadaanan ko

"Hindi naman pala kayo, masyado kasing mataas pangarap mo"-

"Kaya nga, totoong malandi ka talaga"-

"Ayoko nang away"-Sabi ko, maya maya madami nang tao sa paligid napapaligiran na kami, gusto ko nang tumakbo, sobra na nakakahiya na talaga

"Hindi naman kami nakikipag away, sinasabi lang namin yung totoo"-

"Dapat sayo binabato nang papel para matauhan ka, diba guys?"-

"Ou tama batuhin nayan"-

"Tama, para magising sa katotohanan"-

"Anu pang hinihintay nyo batuhin nyo na"-

At sinimulan na nila akong batuhin nang papel, wala nakung nagawa kundi yumuko nalang at takpan ang muka ko, wala na pahiyang pahiya na ko sa campus, wala na kong mukang ihaharap sa kanila, wala na...

Napaiyak nalang ako, habang binabato nila ako..

Nang biglang may yumakap sakin, napatigil ako sa pag iyak.. dahil akala ko si Lance na ang yumakap sakin pero nag kamali ako..

"Nandito na ko, wag kana matakot"-Sabi ni Cedric, at naramdaman kong itinigil na nila yung ginagawa nilang pag bato sakin

Kumalas sya sa pag kakayakap nya sakin..

"Kayo! Wala naba kayong gagawing matino ha! Oras na gawin nyo ulit sa kanya toh! I swear!  May mang yayaring di maganda sa inyong lahat! Mark my word!"-Sabi nya tapos hinila na nya ko paalis sa kanila, dinala nya ko sa garden

_

_

"Salamat ha"-Ako

"Wala yun, ok kana ba?"-

"Ou"-

"Mabuti naman, ah nga pala, tungkol sa bakasyon natin, ah hindi na dalawang bwan ang bakasyon natin, isang bwan na lang, bali December 1 start nang bakasyon tapos January 3 start ulit nang class, pinapasabi ni Jerome"-

"Ok"-Sabi ko, tapos biglang dumating si Lance

"Daina? Ok ka lang? nabalitaan ko yu--"-

"Ok lang ako, Jerome una na ko ha"-Putol ko sa sinabi ni Lance, tapos nag lakad na ko paalis, pero hinabol nya ko, hinawakan nya braso ko

"Teka lang, galit kaba sakin?"-

"Lance pwde bang tama na!! Tapos na alam na nila!! Kaya tigilan muna ko!!"-

"Pero di ko naman kasalanan kung bakit nalaman nila"-

"Ou hindi mo kasalanan! Dahil ako yung may kasalan!! Narinig nang ex gf mo yung pinag uusapan namin!! Kaya pwde bang tama na!! Layuan muna ko!! Hiyang hiya na ko sa nang yayare oh!! please!! Tama na Lance!!"-

"Pero--"

"Bro tama na, hayaan mu muna sya, sige na Daina umalis kana"-Sabi ni Cedric kaya naman tumakbo na ko paalis, lumabas ako nang campus na naiyak .. nag lalakad ako na di ko alam kung saan ako pupunta, malabo ang mga paningin ko dahil sa mga luha.. may natawag sa pangalan ko pero hindi ko alam kung sinu.. wala na ko sa sarili..

(Tama na yung ganto tayo Lance, mas mabuti na yung ganto, dahil baka masaktan lang ako nang husto)

*beeeeeeepppppp*

Biglang busina nang paparating na sasakyan..

Nanlaki ang mga mata ko nung nakita kong papalapit sakin ito..

At biglang bumangga sakin, pag tapos nawalan na ko nang malay..

My Heartthrob Boyfriend |Completed|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon