Grace, para sayo oh, salo!
I... Don't written by ThereYouAre
Selena’s POV
I get my make up kit then started to put some make-up on my face.
Naglagay ako ng mapulang lipstick sa labi, ng blush on sa pisngi at eye shadow sa mata. Sapat na to para hindi ako makilala ng mga tao. Dito ko tinatago ang pagkatao ko. Sa make-up na to nagiging totoo ako sa sarili ko. Oo, tama ang sinasabi ni Simon. I’m just hiding the real me.
Kinuha ko yung face paint at saka ginuhitan ang kalahati ng mukha ko ng star, isang malaking star na sapat na para itago ang mukha ko sa kanilang lahat.
Sinuot ko ang isang fitted na leather black pants, white sleeveless na blouse at isang kwintas na may malaking star na pendant.
Sinuot ko rin ang black killer heels ko at nagkulot ng buhok.
Tuwing madaling araw ganito ang ginagawa ko. Sinasamantala kong tulog na ang mga kasama ko sa bahay saka lang ako aalis para pumunta sa bar na pinagkakantahan ng banda namin.
Sa bandang ‘Byul’, kilala ako bilang Missy ng mga tao. Hindi nila alam ang tunay kong pangalan. Minsan tinatawag nila akong Mysterious girl at minsan may naririnig akong nagsasabing kaya raw naging Missy ang pangalan ko kasi napakamisteryosa ko.
Missy came from my second name which is ‘ArteMIS’
Sinanay ko ang mga kaibigan kong tawagin akong Missy instead na Selena just to protect my real image.
Sa tuwing ako si Missy, I can do everything. Kaya kong manabunot, kaya kong manampal, kaya kong manipa, manakit ng tao, maging plastic sa mga tao. Kabaliktaran ni Missy si Selena na kilala ng lahat. Si Selena, marami ang nagkakagusto pero hindi nya pinapansin kasi puro aral ang inaatupag, sikat although sikat din si Missy.
*bzzzzzzzzzt*
From: Juno
Hey Missy, where art thou? Kanina pa kami nandito. Ikaw na lang ang kulang.
Napailing na lang ako at napangiti.
I have my own circle of friends. Sila yung tinuturing kong tunay na kaibigan. Sa tuwing maglalasing ako dahil sa inis kay Simon, sa kanila ako pupunta at sasamahan nila ako sa bar. Hahayaan lang nila akong mag-inom tapos magsalita at maglabas ng sama ng loob. Kaya gusto ko sila kasi pare-pareho kami ng ugali at pinagdadaanan.
We call our band Byul. Byul is a Korean word which means star.
Sa tuwing kakanta kami, kami lang ang tinitingnan, kami ang pinapakinggan, kami ang hinahangaan at tinitingala.
Ako si Selena Artemis ‘Missy’ Gozum, ako ang main vocalist ng banda. I’m the great prentender of the group.
Ria Violet Sta. Maria, keyboard ang hawak nya and sya ang 2nd voice. Masungit pero magaling syang magkeyboard. Ayaw nya sa mga love songs kasi korni raw. Iniisip nga naming baka tomboy sya tapos may gusto sya saming lahat kasi since birth hindi pa sya nagkakaboyfriend.
BINABASA MO ANG
[DISCONTINUED] I... Don't (HyunZy fanfic)
FantasySi Artemis ay isang runaway bride. Isa syang babaeng mapagpanggap dahil ayaw nyang ireveal ang tunay nyang pagkatao sa lahat. Sya ay mayaman, pero sa pagtakas nya, mararamdaman nya ang kahirapan sa buhay. May makikilala syang isang lalaking patapon...