Weeeee!! Update :)
Dedicated po kay Miss Denny kasi nainspire ako sa mga stories nya >__< Ang gaganda kasi eh. Ang wish ko mabasa nya tong chapter na toh, kahit eto lang, it's my pleasure kasi na macritic ng isang napakagaling na author >////<
Kung mabasa mo po, sana po magustuhan mo? XD
I... Don't written by ThereYouAre
Chapter 2: Si Frederick
Simon's POV
"Hey Apollo! Gumising ka na dyan. Baka malate ka sa klase mo." Niyugyog ako ng annoying twin ko na si Selena sa balikat ko.
Sarap sarap ng tulog ko istorbo talaga tong babaeng to. Edi sya yung kumilos, paki nya ba sa record ko. Ang aga aga pa eh.
Di ko lang sya pinansin at natulog pa rin ako. Hinayaan ko lang syang magpakahirap gisingin ang taong walang balak magpagising.
"Ang tamad tamad talaga nitong Apollo na toh. Kaya lagi kitang nauunahan eh!" Nyahnyahnyah. Ayan nanaman sya, lagi nyang pinagmamalaki na number 1 sya at number 2 lang ako. Psh.
Di ko sya pinapansin at nagtalukbong lang ng unan para hindi marinig yung nakakairitang boses nung babaeng yun. =___=+++
"Nice talking Apollo ah! Bahala ka nga dyan. Pasalamat ka ginigising pa kita. Psh." Naramdaman kong umalis na sya at padabog na sinara ang pinto ng kwarto ko.
*BLAAAAAAG!!*
Nung narinig kong umalis na sya bumangon na ako.
Nakakainis sila, wala bang privacy dito sa bahay? Lahat kasi kami may duplicate ng susi ng bawat kwarto sa loob ng bahay namin kaya freeng free buksan lahat ng kwarto kahit ano pang ginagawa mo. Psh. Kaya nakakapasok si MAARTEmis sa loob ng kwarto ko eh. Tsk.
Eh paano nalang kung sa paglabas pasok nya sa kwarto ko eh may makita syang ginagawa ng mga lalaki na hindi dapat makita ng mga babae? Tsk.
Tapos nagrereklamo sya pag nakikita nya akong nanunuod ng mga palabas na exclusively for men. Mga babae talaga di marunong mag isip, walang common sense. Kung magrereklamo sya, edi lumayas sya sa kwarto ko. Psh.
Ang kukulit pa nila, eto kasing si ARTEmis, paulit-ulit ko nang sinasabing wag akong tatawaging Apollo kasi Simon ang pangalan ko. Tss.
Niligpit ko yung pinaghigaan ko nang marinig ko ang vibration ng cellphone ko.
*bzzzzzzzzzzzt*
Kinuha ko yung cellphone ko sa side table at saka tiningnan kung sino ang nagtext.
"Oh si Ms. face that can launch a thousand ships." Napangiti ako ng makita ko kung sino ang nagtext kaya binasa ko kaagad yun.
From: Helen
Heyaa Simon! Good Morning Baby. How's your sleep? I missed you. Have you eaten your breakfast? Don't forget to eat, huh?
Fetch me after class, I have a surprise for you. I'm sure that you're gonna enjoy it. Toodles! <3
Si Helen, sya ang nagbibigay ng excitement at thrill sa buhay ko. HAH! Ano kaya yung bagay that I'm gonna enjoy? Nakakaexcite tuloy pumasok.
Napangisi nalang ako at saka naghilamos at nagtoothbrush. Ginawa ko na rin ang dapat gawin tuwing umaga dahil parang pakiramdam ko bigla nalang uminit nung binasa ko yung text nya sakin.
Pagkatapos kong maligo bumaba na ako para kumain ng almusal.
"Good Morning mom. What's for breakfast?" Tanong ko kay mommy sabay upo sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
[DISCONTINUED] I... Don't (HyunZy fanfic)
FantasiaSi Artemis ay isang runaway bride. Isa syang babaeng mapagpanggap dahil ayaw nyang ireveal ang tunay nyang pagkatao sa lahat. Sya ay mayaman, pero sa pagtakas nya, mararamdaman nya ang kahirapan sa buhay. May makikilala syang isang lalaking patapon...