I… Don’t written by ThereYouAre
Chapter 6
Simon’s POV
“Hoy Selena! Gising na kapag ako nalate kasalanan mo!” Kinalabog ko yung pinto nya. Kung anu-ano kasing ginagawa eh kaya napupuyat. Psh. Kung di ko lang to kapatid hindi ako magtitiis sa ugali nya.
“Huling katok ko na ‘to sa’yo. Pagkabilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumalabas dyan iiwan na kita.” Banta ko sa kanya. Hanggang ngayon kasi eh tulog pa, anong oras na. 5:30 na ng umaga at hindi pa sya naliligo o nagmumumog manlang.
“ISA!!”
“DALAWA!!”
“DALAWA’T KALAHATI!!”
“TATL—!!”
“Oo na! Ang ingay ingay naman neto eh! Inaantok pa po ako.” Sabi nya habang nakapout.
“Eh kung ang nirereklamo mo dyan, sinisimulan mo na ang pagligo nang mabilis edi nababawasan yung oras ng paghihintay ko sa’yo. Bilisan mo nga dyan.” Masungit kong sabi sa kanya. Araw-araw na lang talaga.
“Haay. Edi sana iniwan mo na ako. Eh kung yung sinasayang mo na laway kakasigaw sa’kin eh nilalakad mo na edi sana kanina ka pang nasa school. Mag-iisip din Apollo.” Sabi nya habang papungas-pungas ng mata.
“Sh*t naman Artemis, ako na nga ‘tong nagmamagandang loob gaganyanin mo pa ako. At ilang beses ko bang kailangang paulit-ulitin sa’yo na ayoko ng Apollo ha? Panira ka ng umaga!” I said in gritted teeth.
“Eh kasi lagi ka na lang PMS sa’kin. Ano bang kasalanan ko sa’yo ha?! Hmp.” Sabay cross arms nya.
Huminga ako nang malalim bago ko sya sinagot. Pinipigilan ko pa yung sarili ko baka kasi kung anong magawa ko sa kanya.
“Kumilos ka na. Ayoko nang makipag-away sa’yo. Kapag 10 mins wala ka pa sa baba at hindi ka pa kumakain iiwanan na kita.” Sabi ko tapos umalis na sa harapan nya at saka bumaba at binuksan ang T.V.
Narinig ko pa sya na sumigaw sa taas.
“Sh*t 10 mins? Are you kidding me Apollo?! AGHHHH!!” Naiiritang sabi nya sabay kalabog ng pinto ng kwarto nya pero ngumisi na lang ako.
Habang nanunuod ako tinabihan ako ni Mom.
“Hey Simon, how’s school? Ayos naman ba? Kamusta ang performance ni Selena? Natalo mo na ba sya?” Tanong sa’kin ni Mom at saka umupo sa tabi ko.
“Well Mom, pagsabihan nyo nga yang si Selena. Naiinis ako sa kanya nitong mga nakaraang araw. Napakabagal kumilos..” Sagot ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa T.V.
“Ganun talaga ang babae anak, pagtiisan mo na lang. She’s your sister at maglaan ka pa ng mas mahabang pasensya para sa baby natin.” Napatingin ako kay Mom nung narinig ko yung salitang ‘baby’
BINABASA MO ANG
[DISCONTINUED] I... Don't (HyunZy fanfic)
FantasíaSi Artemis ay isang runaway bride. Isa syang babaeng mapagpanggap dahil ayaw nyang ireveal ang tunay nyang pagkatao sa lahat. Sya ay mayaman, pero sa pagtakas nya, mararamdaman nya ang kahirapan sa buhay. May makikilala syang isang lalaking patapon...