Chapter 四

0 0 0
                                    

Claude's PoV

"Kasalanan mo to eh." sisi ko kay Merlin na naka tingin lang sakin.

"Ano?"

"Kasalanan mo kung bakit siya nahimatay at nagkalagnat."

"Nicola alam mo hindi mo alam kasi ako lang ang nakakaalam neto pero kung gusto mong malaman ang alam ko sabihin mo lang."

Da heck. Nagawa pa talaga niyang mag biro sa ganitong sitwasyon. Ano na lang sasabihin ni Vengeance pag nalaman niya to.

"Fine! Kasalanan ko kung bakit siya nawalan siya ng malay pero wag mo namang isisi sakin na nagkalagnat siya. Aalis na ako at bibilhin yung mga pinapabili mo."

Nag iwas ito ng tingin sakin at lumabas na ng kuwarto.

"Uhmm." rinig ko ang munting ungol mula kay Melody at nararamdaman ko ang pag sikip ng pantalon ko.

Damn! How can she make my manhood hard with just a moan.

Unti unti itong nag kamalay at tinignan ako.

"Nasan ako?" mahina nitong sabi.

Sinubukan niyang bumangon pero pinigilan ko ito.

"Don't. Mahina pa ang katawan mo dahil may lagnat ka. Sabihin mo lang sakin kung may kailangan ka."

Inalalayan ko siyang umupo at iniabot ang tubig at gamot.

"Thanks." ani niya at ininom ang gamot.

"I want to go home."

Napatigil ako at tinignan siya ng seryoso. Huminga ako ng malalim. I suddenly felt guilt.

Ngayon ka pa talaga magi-guilty Claude. Eh marami ka ng pinatumbang  tao.

Sabi ng munting tinig sa utak ko. Nababaliw na ata ako.

"I'm afraid you can't."

Napalingon ako sa may pintuan at nandon si Vengeance na nakasandal sa pintuan.

"Can you leave us Claude."

Tumango lang ako at tumayo na. Hinay hinay akong naglakad sa pintuan dahil masakit dun banda.

"And Claude."

Nalingon ko siyang muli at nakating ito sa namimilipit kong mukha.

"Do something about that."

Tumalikod na ako at hindi siya pinansin.

Melody's PoV

Pagkatapos lumabas ni Claude sa pintuan ay umupo ang lalaki sa silya sa gilid ko. Umusog ako ng kaonti dahil sa kanya. My danger radar is off the charts.

"So nag ka lagnat ka?"

Hindi ako umimik.

"Pasensiya na kung tinakot ka ni Merlin kanina. Naikuwento niya sakin ang nangyari."

"When can I go home?" diretsahang tanong ko sa kanya.

"When your dad join forces with us."

"Papi is just a doctor. Anong mapapala niyo sa pagkidnap sakin. Simple lang ang pamumuhay namin."

Umiling ito na para bang nadismaya.

"Hindi mo ba alam kung ano talaga ang trabaho ng Daddy mo. He's a Mafia boss, the Cosa Nostra to be exact. Involve siya sa maraming illegal transaction at kakompitensya din namin sila sa negosyo. He killed many of my subordinates nung nakialam sila sa transaction namin.At sa pagkakatanda ko, may nakatatanda kang kapatid diba." pumukit ito  na para  bang may inaalala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mafioso Series 1: Claude Nicola Rousseau Where stories live. Discover now