Night 1

106 1 0
                                    

Hindi na naman ako makatulog, ano na namang dahilan? Naiisip kita eh. Or should I say namimiss? Ano na kayang ginagawa mo? Kamusta ka na? Ako din kaya namimiss mo?

Nakakainis diba? It's been 9 months nung sinabi mo saking wala kang gusto pero ito pa din ako, umaasa na baka nabigla ka lang ng sinabi sakin. Hahaha! At the same time natatawa ako sa sarili ko. Bakit? Eh kase sinasaktan ko lang ang sarili ko. Naghihintay ako sa taong wala namang gusto sakin.

Eh sino ba namang hindi aasa, you treated me special unlike any other girls. We have the same circle of friends, they told me that may be, may be you have the same feeling as me.

9 months ago, nagulat ako kase tinanong mo ko kung may gusto ba ko sayo. Naisip ko na kaya mo tinanong yun kase gusto mong maconfirmed sakin mismo kung totoo ba yung sinasabi ng mga kaibigan natin. I answered your question and tell the truth. Totoo, may gusto ako sayo. High school pa lang, pero di mo ko mapansin noon kahit anong gawin ko. Kaya nagsumikap akong magbago nung college, pero ewan ko, wala pa ring nangyari eh. Habang hinihintay ko ung reply mo sa sagot ko ay sobrang kinakabahan ako. I don't know what am I really feeling that time. Dumating yung message mo at agad kong binasa. Nasaktan ako dahil tinanong mo pa kung sure ba ko sa nararamdaman ko o baka infatuation lang naman yun. Dahil dun sinabi ko sayo na matagal na kitang gusto. But you replied only the word "Sorry" for my confession. Hahaha! Then you said that I'm okay for you but you don't want to make the same mistake again. Malaking palaisipan sakin kung anong pagkakamali ba yun? Bakit hindi mo pwedeng sabihin sakin? Baka pwede kitang matulungan?

Just so you know, I really miss you.

-BitterSweet

Diary of a BitterSweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon