Night 13

28 1 0
                                    

Napakaganda ng naging resulta ng kasal kanina.


Ginanap iyon sa isang private resort. Dahil ang barkada ang naka-assign sa pagdedecorate.Kulay asul ang motif ng kasal. Pinuno namin ng mga kulay puti at asul na rosas ang paligid ng dalawang malalaking swimming pool. Mayroon din kaming mga ginawang DIY decorations. Over-all napakasimple ngunit napakaganda ng kinalabasan. 


Ano kayang feeling ng ikakasal no? Nakita ko pa lamang yung kinalabasan ng ginawa namin ay sobrang nasisiyahan na ko at naeexcite. Minsan lang sa buhay ng isang tao dumating ang kasal. Kaya para sa akin ay dapat pinag-iisipang mabuti at pinaghahandaan. Pero, mararanasan ko pa kaya yun? O baka mag-iintay na lang ako habangbuhay?


Siya nga pala, nanghila lang ako sa mga kaibigan natin ng bagong partner dahil nga wala ka. Dahil naawa siya sakin, kaya pumayag na siya. Kawawa naman ako kung maglalakad lang ako mag-isa sa aisle diba? dapat nga aayaw na lang din ako eh. Kaya lang nakakahiya naman diba?

Nung nakita ko yung bride, mas lalo akong naamaze. Totoo nga ata na kapag ikakasal ang isang babae ay mas gumaganda siya. Kitang-kita sa mukha niya na sobrang saya niya at inlove na inlove siya. Para bang siguradong sigurado na siya sa desisyon na ginawa niya. Ako din kaya ganun kaganda kapag kinasal? HAHAHA! Iniisip ko pa lang natatawa na ko, paano baka hanggang isip na lang ata ako eh.

After ng kasalanan ay doon na din ginanap yung reception. Nag-unahan pa nga ang barkada sa photo booth. Paano ba naman, apat lamang ang kasya sa photo booth pero ito kami at nagsisiksikan. Ang dami ba naman namin sa barkada e.

Tinanong ka na naman nila sakin dahil ang sabi mo daw sa kanila ay hahabol ka. HAHA! buti na lang talaga at di ako umasa na makakahabol ka kanina. MASAKIT NA NAMAN YUN! Kesyo daw bakit hindi kota tinxt. Hello? Matagal ko nang binura ang number mo dahil akala ko makakatulong yun sa pagmomove on ko. Kaso mali na naman ako. At wala na akong balak kunin pa ang number mo.


Ang mas kinagulat ko sa mga pangyayari ngayong araw na ito ay 'nung pag-uwi ko ay nagmessage ka sakin sa facebook. Kinamusta mo sakin kung anong nangyari sa kasal. Noong una nagdadalawang isip ako kung rereplyan ba kita o gagantihan naman kita ng tinatawag nilang "SEENZONED". Pero wala eh, ang lakas mo sakin kaya nireplyan pa din kita. Sinabi mo na naextend ka pa sa pinuntahan mo kaya di ka nakahabol.


Bakit ka ba ganyan? Hindi naman ako nanghihingi ng explanation mo kung bakit hindi ka nakahabol, pero bakit nagpaliwanag ka pa? Wala ka bang pakiramdam? Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo, mas lalo akong naguguluhan! Minsan may pakielam ka sakin, minsan naman parang wala lang ako sayo. Ano ba talaga?

Mas nahihirapan ako. Sobra.


-BitterSweet


Diary of a BitterSweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon