Night 2

56 1 0
                                    

Wala akong pasok ngayon, kaya wala akong ginawa, buong maghapon akong nakatunganga sa bahay at walang ginawa kung di buksan maya't maya ang facebook ko. Tingin sa newsfeed, notifications at makipagchat. Nung wala na talaga akong magawa ay naisipan kong tignan yung albums ko. Nakita ko yung album nung debut ko. Sobrang nahihiya akong tignan yung mga pictures dun dahil ikaw yung escort ko na sapilitan pa dahil pinilit ka lang ng mga kaibigan natin. Kunwari pang ayaw ko nun pero ang totoo pinagpepray ko talaga kay Lord na sana ikaw yung maging escort ko at hindi nga ako binigo ng mga kaibigan ko. Haha!

Naaalala ko pa nun, nagkita tayo 1 week before ng birthday ko para kumain lang. Wala tayong ginawa. As in kumain lang dahil galing akong school nun at gabi na rin. After that day, hindi ka na nagparamdam sakin sa text. Sobrang nag alala ako nun. Pero malaman laman ko nung araw mismo ng debut ko ay nawala mo pala yung cp mo nung araw na nagkita tayo. Natuwa ako at the same time nalungkot. Natuwa ako dahil mali pala yung akala kong iniiwasan mo ko pero nalungkot din dahil wala ka nang cellphone nun. Tawang tawa pa ko sayo nun dahil bago magsimula yung party ay nakadalawang baso ka ng tubig sa sobrang kaba. Yung totoo? Escort lang ba kita nun o ikaw yung magdedebut? Haha

After nung debut ko ay may nagtxt saking unknown number pero dahil sa text format ay nahulaan ko agad kung sino. Lagi mo kong tinitxt at tinatawagan. Hindi ko makakalimutan na sinabihan mo kong ang ganda ko nung debut ko. Hindi mo alam kung gaano ako kinilig nun. :) inaabot tayo ng hating gabi sa pagtetxt at tawag.

Ang saya alalahanin nang nakaraan noh? Sana pala hindi na lang ako nagconfess sayo, baka sakaling ganito pa rin tayo.

P.S.

Mas kinilig ako nung malaman ko sa kaibigan natin na pinuntahan mo pa siya sa bahay nila para kunin yung number ko.

-BitterSweet

Diary of a BitterSweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon