Enzo boringly followed the two as they bought clothes for the kid na hanggang ngayon hindi nya pa din alam ang pangalan. Sa pang-sampung beses nyang buntong hininga ay finally tumigil na ang dalawa at napagdisisyunang magpahinga sa isang parke.
"Hoy, seryoso ka na ba talaga sa desisyon mo? 'Yung dorm natin hindi atin 'yon, baka nakakalimutan mo."
Ang dorm na tinutukoy ni Enzo ay hindi dorm ng kanilang eskuwelahan na kasalukuyan nilang pinapasukan, kung hindi bigay ng gobyerno bilang premyo sa magaganda nilang nagawa sa bayan. Pero kahit na bigay ito ng gobyerno ay anytime pwedeng mabawi ito sa kanila kapag hindi na nila na-maintain ang good deeds nila, kapag may nailabag silang batas at kapag simpleng gusto lamang ito ng gobyerno.
You see, there is no exception. Kahit na sabihin mo pang Camelot is a land of magic, may corruption pa din.
"Yeah, wala ng bawian 'to. Naibili ko na sya ng mga gamit kaya wala na talagang bawian 'to." Muling bumutong hininga si Enzo na pang-labingisa na nya, tinapik naman nya ang balikat ng kaibigan dahil alam nyang deep inside ay kinakabahan na din ito sa naging disisyon.
Hindi sa disisyon na pagkupkop nito sa bata, kung hindi ang disisyon na bilhan ito ng napakaraming damit at ang disisyon na gamitin ang pera na sana ay pang-date nila ng girlfriend nya. Paniguradong mabubungangaan nanaman ito ng sinisinta.
Pagkarating nila sa kanilang munting tirahan ay agad na sumalampak si Nathan sa sofa habang tahimik namang pinapanood ni Enzo ang bata na tinitingnan ang buong paligid.
"Ano nga palang pangalan nyan?" Tawag pansin ni Enzo kay Nathan at nginuso ang batang tinutukoy.
"Astraea." Simpleg tugon ng kaibigan.
"Sinabi na nya?"
"Hindi. Pinangalan ko lang sa kanya."
"Wala bang pangalan 'yang batang 'yan?"
"Ewan ko, hanggang ngayon kasi hindi nya pa din sinasabi."
"Tss, binalan mo na nga ng gamit tapos kahit isa sa mga tanong mo hindi nya masagot."
"Pabayaan mo na." Muli nanamang bumuntong hininga si Enzo bago tumabi sa binata at ginaya ang pwesto nito.
"Astraea? The Goddess of innocence?" Napa-ayos ng upo si Nathan at bumaling sa batang pinangalanan ni Nathan na Astraea.
"Yeah, pa'no mo nalaman?" Nakangiting tanong ni Nathan sa bata. Nagkibit balikat naman ang bata at bahagyang ngumuso bago sumagot.
"Hmm, sa pagkakatanda ko nabasa ko sya sa isang libro. Sa sobrang boring kasi sa bahay lahat ng libro na nado'n nabasa ko na." Nakanguso pa ding saad ng bata.
"Bakit? Hindi ka ba pwedeng maglaro sa labas?" Unti-unting nawala ang ngiti ni Nathan nang umiling ang bata bilang sagot.
"No, my father forbids me to go outside." Dahil sa narinig ay pati si Enzo na nakikinig lamang ay napa-ayos na ng upo.
"Why?" Magkasabay na tanong ng magkaibigan, ang kaibahan nga lang sa sarili lamang naitanong ni Enzo kung bakit.
"I don't know, basta ang alam ko bawal and everytime I tried to escape I always received a severe punishment." Nagkaroon ng saglit na katahimikan at sa saglit na katahimikang iyon ay may kanya-kanya silang mga tanong sa isipan, hanggang sa basagin ito ni Enzo.
"Then how? Pa'no ka nakatakas?" Kunot noong tanong ni Enzo na napupuno ng kuryosidad, pero imbis na sumagot ang bata ay tinitigan lamang sya at sa pagtititigan nilang dalawa biglang nakaramdam ng pagsisisi si Enzo na tinanong nya pa ito sa bata.
"Nevermind. Don't bother answering it." Naiiling na saad ni Enzo at pumunta sa sariling kwarto.
Pagka-pasok na pagka-pasok nya sa sariling kwarto ay sumalampak sya sa sariling kama at tinanong ang sarili. Anong nangyari sa'yo? Bakit ka biglang nakaramdam ng gano'n? Dapat pinanindigan mo 'yung tanong mo! Kaya bakit binawi mo?! Napabuntong hininga na lamang siya at kahit hindi pa nakakapag-palit ng damit ay pinilit nya ang sarili na matulog.
Samantala isang bata at isang binata naman ay sinundan ng tingin si Enzo hanggang sa makapasok ito sa sariling kwarto. Natawa ng mahina si Nathan dahil sa wirdong asal ng kaibigan at muling ibinaling ang atensyon sa bata.
"We should also go to sleep." Nakangiting saad ni Nathan sa bata pero imbis na sumagot ang ay tiningnan lang din sya nito katulad ng pagtingin nito kay Enzo kanina. "Ahh right, gusto mo muna bang maligo bago matulog?" Napa-kurap ng tatlong beses ang bata na para bang ngayon-ngayon lamang sya nagising sa malalim na iniisip, at dahan-dahang tumango bilang sagot.
"Sige, dito ka lang muna saglit ah? Kukuha ako ng towel mo." Muling tumango ang bata bilang sagot habang pilit na itinatago ang paunti-unting paglukob ng kaba sa buong sistema nya.
Biting her nails is one of her habits kapag kinakabahan sya at hindi alam ang gagawin. All her life the maids were there to help her, kapag kakain sya andyan sila, kapag pinapatulog sya andyan sila, kapag bibihisan sya andyan sila at kapag maliligo sya andyan sila, so in short medyo wala syang alam pagdating sa mga ganitong bagay. Ngayon at tumakas sya sa mala-mansion nilang bahay ay hindi na nya alam ang susunod na gagawin, kung ipapaalam nya ba ito sa taong kumupkop sa kanya, pero kung ipapaalam nya nga paniguradong magtatanong pa ito at ayaw nyang mangyari 'yon.
"Here's your towel tapos eto na rin 'yung mga gagamitin mo." Sa biglaang pagdating at pagsasalita ni Nathan ay napapitlag sa kinapu-pwestuhan ang bata. "Oh an'yare sa'yo? Ba't parang gulat na gulat ka?" Natatawang saad ni Nathan sa bata.
"N-nothing, medyo nagulat lang ako kasi bigla ka nalang sumulpot at nagsalita." Pagdadahilan ng bata.
"I know that you're lying, but since naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo papalampasin ko kita." Napayuko ang bata sa sinabi nya halatang guilty sa pagsisinungaling sa kanya. "Sige na maligo ka na." Tuluyan ng tinanggap ng bata ang towel at toiletries at nagpasalamat pagtapos.
"Ahh right." Paalis na sana ang bata nang maalala nito na hindi nga nya pala alam kung saan ang CR. "Where's the bathroom nga pala?"
"Ando'n sa pinaka-dulo." Sagot ni Nathan. "Akala ko hindi mo na itatanong." Dagdag pa nito.
"Thanks." Nakangiting pagpapasalamat naman ng bata bago tuluyang tumalikod.
"Astraea." Out of nowhere Nathan called the kid using the name he gave to her, for eight seconds hinintay ni Nathan ang pag-lingon ng bata at sa pangatlong hakbang ng bata ay tumigil ang bata. Right, here on land my name is Astraea. She talked to herself for two seconds at sa pang-nine seconds nilingon nya si Nathan ng may ngiti.
"You called me?" Tumango ng nakangiti si Nathan dahil sa naging responde ng bata sa kanya.
"Yeah, tinetesting ko lang kung gagana." Parehong natawa ang dalawa sa kabaliwang taglay ni Nathan nang may maalala ang binata.
"Right! I forgot to tell you. You should always use 'po' at 'opo' kapag mas matanda sa'yo ang kausap mo, you get me?" The girl nod as an answer at tuluyan nang nag-punta sa CR para maligo kahit na hindi nya alam kung paano. Sa paglalakad ng batang si Astraea ay marami agad pumasok sa isip nya, madaming reminders katulad na lamang na dapat na sya ay masanay sa pangalan nyang 'Astraea'.
"Astraea is your name. Astraea is your name. Astraea is your name."
To be Continued
BINABASA MO ANG
Hidden
FantasyLorenzo Daniels together with his childhood bestfriend Nathan Gallagher, found a very cute little girl na walang pangalan at makakasama nila sa buong kwento. Not a love story but an almost love story.