Nagising si Astraea dahil sa ingay na nanggaling sa kwartong kasalukuyan n'yang tinutulugan, ang kwarto ni Nathan. Papungas-pungas pang bumangon si Astraea sa kama ni Nathan at tahimik na binuksan ang pintuan.
"Dito ka talaga natulog sa sala?" Tanong ni Enzo sa kaibigan na si Nathan.
"Yep, ayaw mo akong patulog katabi s'ya eh." Natatawang sagot naman ni Nathan.
"Bakit hindi mo nalang patulugin 'yang batang 'yan dito sa sala?" Hindi pinansin ni Enzo ang mapang-asar na tanong ng kaibigan at muling nagtanong.
"And why would I?" Nag-angat ng tingin si Nathan sa nakatayong kaibigan na si Enzo habang s'ya naman ay nanatiling nakaupo sa sofa na kan'yang tinulugan.
"'Cause she's an outsider." Napakagat ng labi si Astraea nang makitang tumayo si Nathan at sumeryoso ang mukha.
"She's not an outsider, and by the way her name is Astraea." May diing sambit ni Nathan.
"Seriously dude? Mag-aaway tayo dahil sa batang 'yan? Baka nakakalimutan mo napulot lang natin 'yan."
"P're, ayusin mo salita mo ah, hindi ako natutuwa." Nagkaroon ng matinding katahimikan sa pagitan ng dalawa hanggang sa basagin ito ni Astraea na lumabas na ng kwarto ni Nathan.
"Do you want me to get lost?" Astraea was directly asking Enzo and for some reason Enzo suddenly feel nervous.
"If you would, then why not." Despite the sudden rushing of weird feelings he managed to answer Astraea with a smug face.
"Lorenzo!" Nathan always call him 'Lorenzo' kapag hindi na s'ya natutuwa sa inaakto ng kaibigan and obviously hindi natuwa si Nathan sa inakto ni Enzo.
"Why? The girl asked me and it will be rude kung hindi ko sagutin di'ba?" Enzo kept the smug face. Muntik na ngang masapak ni Nathan ang kaibigan kung hindi lang nagsalita si Astraea.
"Can I ask you a question?" Parehong napalingon ang dalawa kay Astraea nang bigla itong magsalita. "Why do you hate me?"
Enzo couldn't keep his smug face dahil sa hindi n'ya inaasahang tanong ng bata. Bakit nga ba? Bakit nga ba ayaw n'ya dito? Wala naman itong ginagawang masama sa kan'ya, ni hindi nga s'ya kinakausap nito. Kaya bakit?
Imbis na sagutin ay lumabas s'ya ng bahay at iniwan silang dalawa. Sa pag-sara ng pinto na padabog pa ay napaupo sa lapag si Astraea, pakiramdam n'ya kalahati ng enerhiya n'ya ay nawala dahil sa inetensidad na pagtitigan nilang dalawa.
Agad naman rumisponde si Nathan nang makitang napaupo ito sa lapag. "Okay ka lang?" Puno ng pag-aalala na tanong nito sa bata.
"Y-yeah... I mean opo." Tumatangong sagot ni Astraea.
"Namumutla ka, okay ka lang ba talaga?" Muling tanong ni Nathan kay Astraea. "O dahil 'yan kay Enzo?" Dagdag pa nito.
"Okay lang talaga ako... po." Kahit nag-aalala ay nagawa pa ring matawa ni Nathan sa bata, halata naman kasing pinipilit nitong gumamit ng "po" at "opo".
"Are you hungry?" Pag-iiba ng usapan nito, tumango naman ng sunod-sunod si Astraea bilang sagot.
"Yup! I'm famish!" Naglahad ng kamay si Nathan kay Astraea para matulungan itong makatayo, tinanggap naman ito ni Astraea at sumunod kay Nathan sa kusina.
Astraea was playing with her feet while she watch Nathan cook pancakes for her. Sa panonood nito kay Nathan ay hindi n'ya mapigilan ang kaibahan ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Hidden
FantasyLorenzo Daniels together with his childhood bestfriend Nathan Gallagher, found a very cute little girl na walang pangalan at makakasama nila sa buong kwento. Not a love story but an almost love story.