Mag-isang nilalaro ni Astraea ang sariling paa habang nakaupo sa stoll ng kusina, sa loob ng tahimik na bahay. Inilibot n'ya ang paningin sa tahimik na bahay at napaisip kung asan na nga ba ang mga taong nakatira rito kanina, hanggang sa naalala n'ya ang sinabi sa kan'ya ni Enzo kahapon.
Sa pagbaba ni Enzo ng hagdan matapos nitong isalpak ang kaibigan sa sariling kama ay dumeretso s'ya sa kusina upang uminom ng tubig. Bahagya namang natigil sa pagkain si Astraea nang makita si Enzo papasok ng kusina. Pansin ni Enzo ang mala-pusang tingin ng bata sa kan'ya pero ipinagkibit balikat n'ya lamang ito at tuluyang ginawa ang pakay sa loob ng kusina. Pinanood ni Astraea si Enzo na uminom ng tubig at feeling n'ya nakita n'ya ang scene na ito sa TV, ang kaso nga lang ay hindi n'ya ito mapangalanan.
"Aalis kaming dalawa bukas ng umaga." Pagkausap ni Enzo sa bata matapos nitong uminom. "And you're gonna stay here. Ayokong madadatnan kong magula ang bahay so behave well." Tango lamang ang tanging nai-sagot ni Astraea at pinanood ang mabilisang pag-exit ni Enzo.
"He said behave well and it means don't touch anything so you could avoid destruction." Pagkausap ni Astraea sa kan'yang sarili habang nililibot na n'ya nang tuluyan ang buong bahay.
Noong unang apak n'ya dito sa bahay na'to ay hindi s'ya nakakuha ng tyansa na tuluyang libutin ang buong bahay kaya naman ngayon n'ya ito gagawin. Wala namang masyado sa baba, sala, kusina at onting lakad pa ay cr na, sa taas naman ay ang dalawang kwarto ng magkaibigan at since napuntahan na n'ya ang kwarto ni Nathan ay balak naman n'yang puntahan ang kwarto ni Enzo.
Kahit kinakabahan ay unti-unti n'yang inilapat ang kamay sa doorknob at sa saglit na iyon ay na-imagine n'ya ang mangyayari sa kan'ya kapag tuluyan n'yang pinasok ang kwarto ni Enzo. Puno ng kaba at takot ang puso ni Astraea nang ma-imagine n'yang pinapalayas s'ya ni Enzo dahil lang sa pumasok ito sa kwarto ng walang paalam, habang si Nathan naman ay walang nagawa dahil iyon na raw ang pinaka-dulo ng pasensya ni Enzo para sa bata. Kaya naman ay agad n'yang binitawan ang doorknob at mabilis na tumakbo pababa ng hagdan dahil sa takot.
Sa huli ay napunta s'ya sa maliit na bakuran ng bahay at nakangusong pinag-lalaruan ang mga maliliit na bato sa lapag.
BINABASA MO ANG
Hidden
FantasyLorenzo Daniels together with his childhood bestfriend Nathan Gallagher, found a very cute little girl na walang pangalan at makakasama nila sa buong kwento. Not a love story but an almost love story.