Pawis na pawis na nagising si Camille mula sa masamang panaginip. Ilang linggo na rin siyang paulit-ulit na ginagambala nito. Pero sa tuwing magigising at babalikan ang mga pangyayari sa panaginip ay magiging malabo naman ang mga detalye sa kanyang isip. Hindi niya maipaliwanag ang takot na kanyang nadarama sa tuwing napapanaginipan ang bangungot na iyon, pero bakit nga ba di niya maalala ang mga pangyayari sa tuwing nagigising siya.
Hindi na niya itinuloy ang pagtulog at tumungo nalang si Camille sa kusina para kumuha ng malamig na maiinom sa refrigerator.
Natatakot na siyang matulog ulit, marahil ay natatakot siyang mapanaginipang muli ang bangungot. Tiningnan niya ang orasan na nakasabit malapit sa refrigerator. Mag aalasingko na pala ng madaling araw. Dun nalang niya naalala na ngayon pala ang alis nang kanyang mga magulang papuntang Tarlac. Kinabukasan kasi ay libing na nang kanyang lola sa probinsiya. Gustuhin man niyang sumama ay di pwede sapagkat malapit na ang kanilang exam.
Imbis na tumunganga ay naghanda na si Camille nang magiging agahan nila mag-anak. Mag-aalasais na nang magising ang kanyang mga magulang. "Good morning ma, pa" masaya niyang binati ang mga ito.
"Good morning din anak" pabalik na bati nang kanyang mga magulang.
Habang naghahain ay naisipan niya mag-umpisa ng conversation sa hapag kainan. "Ma anong oras ang alis niyo?" Pagtatanong ni Camille sa ina.
"Kapag naka-uwi ka na para may maiwan na dito sa bahay nak" sagot naman nang kanyang ina.
"Mga 4:00pm po ang uwi ko ma,gagabihin na kayo niyan sa daan ni papa" nag-aalalang sagot niya sa ina.
"Okay lang mas maganda naman mag biyahe nang gabi kasi mas malamig sa daan".sagot naman ng kanyang mama.
Matapos kumain ay dumeretso na sa banyo si Camille dahil ala siyete pa nang umaga ang first class niya.
Isang normal na araw nanaman sa unibersidad ang natapos. At papauwi na galing sa paaralan si Camille ng mapansing parang may sumusunod sa kanya. Kaba at takot ang bumalot sa kanya nang makumpirmang may sumusunod nga sa kanya.
-----
NEXT chapter --->
BINABASA MO ANG
Killer X
HorrorKiller X Mag-isa lang sa bahay si Camille at binalaan na siya ng kanyang mga magulang na mag-iingat hangga't hindi pa nakaka-uwi ang mga ito galing sa probinsya nila sa Tarlac. Tatlong araw rin kasi silang mawawala, dahil sa biglaang pagkamatay ng k...