Kaya naman ang paglalakad niya ay naging takbo na.
Nang makarating sa kanilang bahay ay sobrang pagod at hingal ang inabot niya dahil sa ginawa niyang pagkaripas ng takbo. Pagkapasok niya sa kanilang bahay ay nadatnan na niyang nagsisimula nang mag-empake nang mga gamit ang kanyang mama, kaya naman dumiretso siya agad sa kanyang kwarto para makapag bihis na at nang sa ganoon ay matulungan niya ito sa pag-eempake.
"Ma, ilang araw po ba kayo sa Tarlac?" Pagtatanong ni Camille sa ina.
"Mga tatlong araw lang naman kami dun, lalakarin na rin namin nang papa mo yung mga papeles ng lupa niya roon." sagot naman ng kanyang mama habang nag-aayos ng gamit na dadalhin sa biyahe.
"Ma, baka pwede naman akong magpa excuse nalang sa klase para makadalaw din ako sa libing ni lola" pangungumbinsi niya sa ina habang tinutulungan ito sa pag eempake.
"Diba napag-usapan na natin ito Camille. Sigurado namang maiintindihan nang lola mo kung bakit di ka makakadalaw" medyo iritang sagot ng kanyang mama "At tsaka mas importante ang exams mo, tatlong araw lang naman kami doon anak. Hayaan mo dadalawin nalang natin ulit siya sa bakasyon"
"Pero ma..." pag pupumilit ni Camille, sa totoo lang ay nalulungkot siya lalo na at patay na ang lola niya at hindi manlang siya makasama upang masilayan manlang ito sa huling hantungan. Paborito pa man din siya ng lola niya at ganoon din siya sa kanyang lola.
"Camille, kolehiyo kana at hindi ka na bata sana maintindihan mo naman kami ng mama mo" may pagkainis na sa tono nang pananalita ng tatay niya kapapasok lang nito sa kwarto.
"Opo sorry ma, pa"nalulungkot niyang sagot. "Camille huwag mong kalimutan ang bilin namin sa iyo ng papa mo wag kang magpapasok ng kung sino-sino sa bahay, at ang gate,pinto, at bintana lagi mong i-check at i-lock" Pagbibilin nang kanyang mama
"Aalis na kami ng mama mo at mahaba haba pa ang biyahe namin, mag-iingat ka at huwag na huwag kang magpapapasok ng kung sino-sino. I-lock mo yong gate at pinto pagkalabas namin" Bilin muli nang papa niya bago pa man nito buhatin ng mga bagahe nila.
Nang makaalis na ang mama at papa ni Camille ay diretso na siya sa kwarto niya, sabay open ng kanyang laptop upang mag surf sa internet. Nalulungkot man ay wala na rin naman siyang magagawa, dahil mga magulang na niya mismo ang nagdesisyon.
Pagkatapos mag-internet ay diretso si Camille sa kusina para kumuha ng makakain. Nag grocery na kasi ang mama niya bago man sila umalis, nang sa ganoon ay hindi na siya lumabas at bumili pa nang makakain. Pagkatapos kumain ay bumalik sa kwarto si Camille para mag review, malapit na kasi ang midterms exam nila at puspusang review ang kailangan niya.
Naka Tulugan na niya ang pagrereview at di namalayang gabi na pala. Friday nang hapon kaya't marami pa siyang oras para mag-review dahil wala naman siyang pasok ng weekend.
Pagkagising niya ay chineck niyang muli ang kanyang account sa facebook. Nang makitang may dalawang friend request ay agad niyang tiningnan kung sino man ito.
Ang isa ay hindi niya kilala pero inaccept nalang niya dahil baka di niya lang ito natatandaan. Nagulat siya sa isa pang friend request. Ito ay ang kaibigan niya dati na si Monica na naging kaaway dahil nasaktan ito ng patulan ni Camille ang ex nito na si Karl.
Matapos ma accept ay agad niyang minessage si Monica sa pagbabakasakaling napatawad na siya nito dahil nagawa na siyang iadd uli sa facebook.
Camille: "Hello? gusto ko lang sana mag sorry Monica kung sinagot ko si Karl kahit alam ko namang ex mo siya. Sorry talaga sa lahat ng pagkakamali ko sana mapatawad mo ako"

BINABASA MO ANG
Killer X
HorrorKiller X Mag-isa lang sa bahay si Camille at binalaan na siya ng kanyang mga magulang na mag-iingat hangga't hindi pa nakaka-uwi ang mga ito galing sa probinsya nila sa Tarlac. Tatlong araw rin kasi silang mawawala, dahil sa biglaang pagkamatay ng k...