Wrong Move (Tres)

227 20 5
                                    

Labag man sa kalooban niya ay minessage niya parin ang lalakeng yun. Ayaw naman niyang mamatay ang kaibigan niya.

Habang nag-iisip ay bigla nalang may kumakatok sa pinto kasabay nun ay ang pag ring ng phone niya, unknown number na naman. Pero ang mas kinatakot niya ay hindi ang gate ang kinakatok kundi ang mismong pinto ng bahay na.

Kailangan niyang makatakas dahil kung sino mang nasa labas ay siguradong gusto siyang patayin.

Agad niyang ni-lock ang pinto ng kanyang kwarto.Kailangan niyang mag-isip kung papaano makakalabas ng bahay kung hindi ay mamatay siya, kung dito lang siya sa kwarto siguradong mahahanap at mahahanap siya ng mamatay tao na yun. Kung tatalon siya mula dito sa second floor siguradong mababalian siya at baka mas lalo siyang mapalapit sa kamatayan niya. Nagpapanick na siya nang marinig na bukas na ang pinto. Patay siya sa oras na mahanap siya nito, kinuha niya ang kanyang cellphone at hindi niya alam pero automatic na tinahak niya ang pinto at tumakbo pababa. Pero halos mahulog na ang kanyang kaluluwa ng makitang bukas na nga ang main door. At siguradong nasa paligid lang ang killer, agad siyang tumakbo papuntang banyo.

Ni lock niya itong mabuti at napasalampak nalang siya sa floor sa sobrang kaba. Wala siyang marinig na kahit anumang ingay tanging ang kabog ng dibdib niya ang nangingibanaw sa kanyang paligid. Kinuha niya ang kanyang cellphone at dinial ang number nang kanyang mama, pero sa kasamaang palad ay cannot be reach ito. Sinubukan niya rin ang number nang kanyang papa pero ganoon din. Naalala nalang niya na mahina nga pala ang signal sa probinsiya ng lola niya.

Dun na niya naisipang tawagan ang mga police. Habang nagriring ay bigla nalang may bumaong palakol sa pinto at pilit itong sinisira nang kung sino mang tao sa labas. Paulit-ulit itong hinataw ng hinataw ng palakol. Isang ulit pa at malapit nang masira ang pinto.

Doon nalang biglang may pumasok na alala sa isipan niya. Oo, di nga siya nagkakamali ito ang eksenang paulit-ulit niyang napapanaginipan! Bakit ngayon lang naging malinaw sa kanya ang lahat. Ang mga panaginip niya ay isang pangitain nang kanyang nalalapit na kamatayan.

Unti-unti nang nawawalan na nang pag-asa si Camille ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang lalaki "Huli ka!" Bruskong hiyaw nang lalaki at isang kadena ang agad namang ipinulupot nito sa leeg ng dalaga. At imbis na hiyaw ay mga ungol nalang ang lumabas sa kanyang bibig. Kinuha ng lalaki ang palakol at hinataw nang paulit-ulit ang leeg nito hanggang sa mahiwalay na ang ulo ng dalaga sa kanyang katawan.

"Hello?" Tunog ito ng cellphone, at ang nasa kabilang linya ay ang pulis na kanina pang kinokontak ni Camille. "Hello?..... hello?...he.....

Pinalakol na rin ng killer ang cellphone at pagkatapos ay kinuha ang ulo ng dalaga. Bitbit nito sa kaliwang kamay ang ulo samantalang sa kanan naman ang katawan. Binuhat niya ito hanggang sala at dun inilapag ang bangkay ng dalaga.

Nang bigla nalang dumating si Monica, isang gulat na reaksyon ang kanyang pinakawalan ng makita ang killer at ang kagimbal gimbal na sinapit ni Camille.

Ngunit ang gulat at takot ay agad rin naman napalitan ng isang matamis na ngiti. Nag-abot ng pera si Monica sa killer at tuluyan na ngang lumabas ng bahay ang lalaki.

Habang si monica naman ay matamis pa din ang ngiting nakatitig sa kalunos lunos na sinapit ni Camille.

a/n: sana nagustuhan niyo po ang first story ko. Thanks sa pagbabasa :)

Killer XTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon