Kassandra's POV
"uyyy pre alam mo ba parang nakita ko kanina si ayuk Kyle sa kotse ni papa" kwento ko kila Noreen
"nahihibang ka na ghorl?" naka kunot noong tanong ni Jecille
"hindiii!"sabi ko naman at inalog siya
"hoy Kass ano bang ginagawa mo?" rinig kong tanong ni Ashraf kaya napalingon ako
"hi ashyy!" sabi ko at niyakap siya
"sabi kasi ni Jecille nahihibang na raw akooo!" pagsusumbong ko kay Ashraf
"mukhang totoo sinabi niya" sabi ni Ashraf at napa iling, hinampas ko naman agad siya sa braso
"ano ba yan, aga aga naghahampasan" sabi ni Nadine na kakarating lang
"tanghali na kaya" sabay sabay naming sabi
"che, asan na yung iba?" tanong niya samin
"kita mong kami lang yung andito e" sagot ni Noreen
"hintayin na lang natin sila sa canteen, magkwentuhan muna tayo" sabi ko sa kanila
pumunta kami sa canteen at kinuwentuhan ko sila tungkol sa nangyari samin
dumating na yung iba naming kaibigan kaya sabay sabay na kaming nag enroll
nagkwentuhan pa kami ng onti at umuwi na.
—-
"hoy panget gumising ka na!" rinig kong sigaw ni kuya habang niyuyugyog ako
"ano ba" sabi ko at sinipa siya
hinampas naman niya ako ng unan
"maligo ka na pinapasabi nung Dominic sabay raw kayo pasok" sabi ni kuya at lumabas na ng kwarto ko
"Dominic?!" tanong ko sa sarili ko at napabangon
pagtingin ko sa phone ko ay 10:30
"halaaa!" sigaw ko at pumasok na sa cr para maligo
pagkalabas ko ng cr ay nakita kong kaka ayos lang ni kuya sa uniform kong siya ang nagplantsa at lumabas na
"labyu kuya!" sigaw ko
"ge!" sigaw niya pabalik
nagbihis na ako at nagayos ng gamit
nagmadali rin akong bumaba at andun n si Dominic
"kumain ka muna naglalaro pa si Jacob ar Dominic ng ps4" sabi ni kuya at hinainan ako
"si nanay?" tanong ko habang kumakain
"natutulog" sagot ni kuya habang nanonood kila Dominic
"si mama at papa?" tanong ko ule
"sa trabaho malamang, anong oras na Dominic. hatid ko na lang kayo" sabi ni kuya kaya tumango si Dominic
pagkatapos ko kumain ay lumabas na ako kasi naghihintay sila kuya
sumakay na ako sa kotse at agad namang pinaandar ni kuya
—
"waaaah Dominic bilisan mooo!" sigaw ko sa kanya dahil wala na masyadong estudyante sa court namin
mga pang umaga na lang at pauwi na sila
"3rd floor pa tayo kupal baka hingalin ka masyado" sabi ni Dominic
"di yan" sabi ko at tumakbo na paakyat
pagkarating ko sa room ay ang tahimik kaya mas kinabahan ako
sumilip ako sa pintuan sa likod
"hoy ano sinisilip mo dyan?" tanong ng lalaki kaya napalingon ako
naka poker face lang siyang nakatingin sakin at pumasok na sa room
"lika na" sabi ni Dominic at hinila ako
"dito Kassandra" sabi ni Pat at tinuro yung katabi niyang upuan
nagkukwentuhan kami ni pat ng ibang mag vibrate phone ko
tinignan ko ito, si papa. nagtext
from: popsicle stick
nak, comeback home as early as you can, i have a big surprise for you.
"ayan na si maam" sabi ni Kurt kaya umayos na ako ng upo at tinago ang phone ko.
anong surprise kaya yun?
—
"paaaa andito na kooo!" sigaw ko pagkapasok ko pa lang ng bahay
"wala pa ang papa mo Kassandra, umalis kasama yung kuya mo, may susunduin daw" sabi ni nanay eve
"ano ba yan nagsacrifice pa ako na maagang uuwi kasi may surprise raw" sabi ko at nagdabog
"teka bat andami atang hapunan?" nagtatakang kong tanong dahil kita ko ang adobo, fried chicken, omg fish fillet!
"may bisita raw kasi kayo" sabi ni nanay eve
"magbihis ka na, yung maayos at puro lalaki raw yun" sabi ni nanay eve habang naghahanda
umakyat ako at nagbihis
pagkababa ko ay nakarinig ako ng kotse
familiar. bukod sa kotse ni papa.
katunong nung wrangler nila ayuk Tristan.
umupo ako sa sofa habang nagaabang sa papasok sa pinto
bumukas ito at bumungad ang imahe ng familiar na lalaki
"kirby?!" gulat kong saad.
BINABASA MO ANG
My Probinsyano Boys
Actionpano kapag ang lalaking minamahal mo ay di mo talaga kilala? pano kapag ang lalaking mga nakaka sama mo ay may tinatago pala sa likod ng ngiti nila? pano kapag ang mga lalaking ito ay may atraso pala? pano kapag nalaman mong nagsisinungaling lang s...