Kassandra's POV
January 1.
nasa byahe na kami pabalik sa manila, comatose pa rin si papa pero kailangan niyang mailipat ng hospital kaya di na nagdalawang isip si mama at um-oo agad.
—
pagkauwi ay dumeretso si Kirby sa kwarto niya, hmm problema nun? he's acting weird, seriously.
ang cold niya sakin nitong mga nakaraang araw, hindi na clingy, hindi na rin niya ako pinipikon.
may problema kaya yung love ko?
"Jack, may problema ba si Kirby?" pagtatanong ko kay Jack na naglalaro ng ps4
"ewan ko di pa kami ganung naguusap these past few days" sabi nito sakin, napanguso naman ako.
maya maya ay bumaba siya tila may kausap sa telepono, nilagpasan lang ako nito at lumabas.
di ako nakatiis ay lumabas ako at sinundan siya, saktong kakapatay lang niya ng tawag.
"love, may problema ba?" pagtatanong ko rito.
"magbreak na tayo, Kassandra." sabi nito sakin, tinitigan ko siya pero di siya nakatingin sakin.
"b-bakit?" pagtatanong ko habang pinipigilan ang mga luha ko
"trip lang kita, di naman talaga kita mahal e." sabi niya at binigyan ako ng malamig na tingin. "pinaglaruan lang kita." sabi nito at iniwan akong nakatulala.
"tangina.." yun na lang ang nasabi ko at napaupo, napahagulgol ako ngunit may brasong yumakap sakin
"Vince?" pagtatanong ko dahil amoy pa lang niya, alam ko na. "tahan na." sabi nito, si Vince nga.
—
Kyle's POV
"i'm gonna be the one that's gonna last, and be the one that got your back~" rinig kong kanta sa phone ko kaya kinuha ko ito at napabangon
pasukan nanaman, nakakatamad talaga.
pagkababa ko ay nakasabay ko si Kassandra, mugto ang mata niya.
"hey" pagtatawag ko sa kanya, napahinto siya at napalingon sakin
"yes, ayuk?" sabi niya sakin
"what happened?" pagtatanong ko sa kanya, sa hagdan talaga kame naguusap, saya saya.
"Kirby and I, broke up.." sabi niya, "pinagtripan niya lang ako, ayuk.." sabi niya ule at pilit na ngumiti. bumaba na siya.
pumunta ako sa kwarto ni Kirby dahil alam kong natutulog pa yun ng gantong oras
pagka pasok ko ay hinila ko ang tshirt niya at kinaladkad siya palabas
"what the fuck, Kyle?!" mura ni Kirby
hinila ko siya pababa ng hagdan at inislide na parang bowling ball, tumama ang ulo niya sa pader, kita ko yung sakit sa mata niya at reaction niya.
"ano yon?!" rinig kong pagtatanong ni Tristan
lumapit ako kay Kirby at tinayo siya, pagkatayo ko sa kanya ay sinuntok ko siya ng ilang beses
nakaharap na ako ngayon kila Tristan at nakatalikod siya sa kanila
sinipa ko si Kirby sa sikmura at akmang sasapakin siya ule kaso inawat na ako ni Tristan at Vincent
tinulungan naman ni Jack tumayo si Kirby
"gago anong problema niyo?!" galit na tugon ni Kristoffer
"ang gago mo. ang gago mo para saktan yung babaeng mahalaga sa buhay ko." sabi ko kay Kirby
"kuya.. tama na.." sabi ni Kassandra habang umiiyak, niyakap ko naman siya.
"ano ba nangyari?" pagtatanong ni Vincent
"pinagtripan niya, pinagtripan niya yung kapatid ko!" sigaw ko
nagkatinginan lang sila, "so alam niyo?"
pagtatanong ko. walang sumagot"TANGINA NIYO ALAM NIYO?" pasigaw kong tanong, halata sa itsura nilang alam nila.
"anong rason?" pagtatanong ko ng mahinahon, "ANONG RASON?!" pagtatanong ko ule dahil walang nasagot.
"pre.. sa labas." sabi ni Kristoffer sakin
"may karapatan si Kassandra malaman yun!" sabi ko sa kanila, tinignan ko sila isa isa at dun ko nalaman, kung bakit.
tangina, kung sino ka man. di kita mapapatawad dahil nagawa kong saktan yung lalaking tinuring kong kapatid at nagawa niyang saktan yung babaeng tinuring niyang prinsesa.
—
The Next Day..
Tristan's POV
"boi may nagpapa bigay, si Jessa sa kabilang section" sabi ni Francis at inabot yung box, kinuha ko na lang at pumasok na ako sa loob ng room.
napakunot noo ko dahil mas dumami yung regalo kesa dati, luh ano meron?
"dami chixx a" sabi ni Kenneth na kakarating lang. nginisian ko lang siya at umupo na sa upuan ko.
tinitigan ko tong box na hawak ko, "Jessa Grace Hauton, quite cute name." sabi ko sa sarili ko. she seems quiet interesting.
inayos ko yung mga regalo at nilagay sa bag ko, buti na lang yung bag ko ngayon is yung ginagamit ng mga basketball player.
yung sinasabit sa leeg, basta malaki. HAHAHAHAHA
pinagkasya ko lahat yun dun, lalagay ko sa locker mamaya bago magpractice
maya maya ay pumasok yung teacher namin at nagturo, nakinig lang ako.
—
uwian na at may practice kami kaya nilagay ko na yun sa locker, pero nilagay ko sa tuktok nun ay yung binigay ni Jessa.
paggkatapos nun ay nilock ko at nagbihis na.
pagkapunta ko sa court ay may mga studyante. wow huh, daming magpapalate makauwi para lang makanood.
pagkalapit ko kay Francis ay may binulong siya
"pre, ayun si Jessa o." sabi ni Francis kaya napalingon ako, nakatingin ito sakin. nginitian ko siya at kumaway, kita ko namang tinusko siya ng mga kasama niya.
hindi siya kagandahan, but she looks cute, chubby face, pero payat, may pimples pero di naman naka salamin, makapal din yung kilay at kulot ang buhok, kung titignan ay nasa 5'2 ang height nito. luh 6'1 ako tapos magiging girlfriend ko 5'2? sige pwede na.
nagumpisa na yung laro namin pero practice lang talaga, may laban kasi kami next month at dadayo sila dito samin, sana'y manalo.
oh diba next month pa yon pero todo practice na? back to fucking back champions kasi.
pinasa sakin ang bola, huminto ako sa 3 points at tinignan si Jessa
"JESSA GRACE HAUTON!!" sigaw ko.
"PAG NASHOOT TO, PAPAYAG KANG MAG DATE TAYO!" sigaw ko ule
"SIGE!" sigaw niya pabalik
tinira ko yung bola at...
BINABASA MO ANG
My Probinsyano Boys
حركة (أكشن)pano kapag ang lalaking minamahal mo ay di mo talaga kilala? pano kapag ang lalaking mga nakaka sama mo ay may tinatago pala sa likod ng ngiti nila? pano kapag ang mga lalaking ito ay may atraso pala? pano kapag nalaman mong nagsisinungaling lang s...