Kabanata I

32 2 0
                                    

*I said 'Oh my! What a marvelous tune, it was the best night never would forget how we moved...*

Ang ingay naman! Natutulog pa 'tong tao eh! Istorbo. Tsk.

*The whole place, was dressed to the nines and we were dancing, dancing...*

Ahhh! Di ko na kaya! Iyamot kong kinuha yung iPhone kong dual sim (atleast, kahit papano may cellphone ako) at pinatay yung alarm.

"Nak, kakain na."

"Opo mamita."

Dumiretso na ko sa kusina para kumain na. Oo, di na ko nagmumog. Hahaha. Eh baka malate ako eh!

Sus, palusot mo. Di ka naman talaga nagmumumog.

Shut up conscience! Hahaha. Wag mong ipagkalat!

Ayun nga, dahil matagal-tagal na rin akong hindi naligo ng ganito kaaga, medyo nakakapanibago. 6 am pa lang no. Ay wait, di ko pa pala nababanggit sa inyo na first day ng klase ngayon. Third year highschool na ako!! Wheee!!

Nagdiretso na ko sa CR para maligo. Then naghubad na 'ko. Oops... censored na ito.

At, ito na! Magbubuhos na ko ng tubig! Sobrang lamig na tubig! Wala naman kasi kaming heater! Sakto pang naubusan kami ng gas kaya hindi nakapagpainit, yung kinain ko nga kanina yung kagabi pa.

Ito na siya, moment of truth...

Ito na! Aaah! Oopss... daplis, sa sahig ko muna binuhos. Para di masyadong feel ang lamig. Anong connect?! Hahaha.

Okay, moment of...

"HOOO!! ANG LAMEEGGGG! HOOO!" with matching talon talon pa. Hahaha.

Oo, nagbuhos na 'ko. Hahaha! Grabe. Sobrang lamig.

After ng ritwal ko, nagbihis na ko at naghanda para pumuntang school.

"Mamita! I gotta go. Oh wait, where's my eyeglasses?"

"Ay nako bata ka, wag mo kong maingles-ingles dyan ha! Ito oh, muntik mo pang makalimutan. Sige, ingat ka ha."

"Hahaha. Joke lang! Sige mamita. Byeeiiii."

At yun nga, nagfly-away na ako at nagsimula ng maglakad papunta ng Robins University. Sounds rich, right? Hahaha. Eh di naman kami mayaman. Paano, nagkaron sila ng scholarship exam eh isa ko sa mga nagexam at nakapasa, kaya ito! Dun ako napasok. Pero di ako mayaman ha.

Kanina pa pala ako dada ng dada dito, di nyo pa pala ako kilala.

I'm Stacey Kates Delos Santos Lim. Yes, half-chinese. Pure maldita! Avah lang? Avah? Joke. Half-chinese ako, chinese raw kasi yung Tatay ko e. Tapos si Nanay, Pilipina. Ay, sumalangit nawa ang mga kaluluwa nila.

Yess, unfortunately. I wasn't able to meet them. Haayy... namatay daw sila sa aksidente e. Baby pa lang daw ako noon, Sabi ni Mamita.

Kaya yun, kay Mamita na ako nakatira ngayon. Sya yung katulong daw dati nina Nanay at Tatay, inampon nya na lang ako. Mamita ang tawag ko para Mommy na, Tita pa! Hehe. Third year highschool na 'ko at this very momet! NBSB. Well... at hihi, I'm virgin pa. Hahaha! Eh sino ba namang magtatangka sakin eh ang chaka ko!

*peep! peep!*

"Ay, kabayo!!"

Shocks! Muntik na akong masagasaan nung kotse ahh! Tsk, tsk.

"Wag kasing paharang-harang sa daan! Hahaha!"

Grrr! Nakakaasar talaga yang Bradley na yan! Ayan ang number 1 bully ng Robins University! Paniguradong inutusan nyan yung driver nya na ilapit sakin yung kotse nila! Hello?! Nasa tabing-tabi na kaya ako nung kalsada! Tsk tsk. Yung driver naman, uto-uto! Hmp.

Ito na nga, nasa Robins University na ako. Walking distance lang naman sya eh.

Ang Robins University ang school ng mayayaman, anak ng mga business tycoons, artistahin, magaganda, pogi. Mga ganern! So what do you expect? Edi hindi ako masyado pansinin dito! Hahaha. Ako na yata pinakachaka rito. Pati yung classmate kong lalaki na mukhang mentally retarded! Kaazaaarr nga, lagi kaming inaasar. Tsk!

Syempre, dahil nga chaka ako. May mga nang-aapi sakin, pero konti lang! Yung iba kasi nandidiri akong awayin dahil poorita naman daw ako. Sus! Arte nila. Hahaha.

So here I am, walking in the school campus with my head down. Mahirap na, baka pagkaguluhan ako! Charaught!

Nakatingin lang ako sa doll shoes ko ng may nakita akong something sa tip ng doll shoes ko.

Color brown. Mukhang malambot. At higit sa lahat, mabaho.

NAKAAPAK AKONG TAE!!!!!!!!

A/N: Ayos ba? Hahahaha.

-Bellaincognito

Heartbreak ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon