Kabanata III

16 1 0
                                    

Dahil nga dun sa embarassing moment na nangyari sakin nung first day of school, yun! Di na 'ko pumasok after akong pauwiin nung adviser ko. Nakakahiya kaya! Saka alam ko namang mapipilitan lang din akong lumabas gawa nung mga kaklase kong maaarte na pipilitin akong lumabas. Hmp!

2nd day of school ngayon and here I am, mag-isang kumakain ng lunch na pinrepare ni mamita para sakin. Dito ako kumakain sa ilalim ng punong-mangga.

Hashtag picnic! Blanket na lang ang kulang! Hahaha. Nakakalimang subo pa lang ako sa pagkain ko ng…

*swooshhhh*(malakas na hangin yan, wag kayong ano)

Wala na! Nagtalsikan lahat ng gabok sa pagkain ko! Huhuhu.

Para akong batang nagtatantrums mag-isa dito sa may mangga habang pinagsisisipa yung ground. Waaa! Wala na! Ang mahal pa naman ng mga bilihin dito!!! Huhuhu. Sayang 'tong tulingan!! Huhuhu. Kahit na mag-amoy malansa ako, basta tulingan ang ulam, walang lansa-lansa sakin! Huhuhu. Waa!!!!

"Hi. May problema ba?"

"Ay! Kaba…dyosa pala!" Isang magandang babae ang bumulaga sa harapan ko. Ang perfect nya ha. Para syang dyosa. Nanliit tuloy ako. Para tuloy ayaw ko nang paniwalaan yung laging sinasabi sakin ni Mamita na maganda ako.

"I just saw you here under the tree na pinagsisisipa tong ground. Tapos nakasimangot ka pa. Hehe. May problema ka ba?"

"Ah, eh… yung pagkain ko kasi. Natalsikan ng gabok."

"Oh, sorry to hear that. Tara, sama ka na lang sakin. Kakain tayo! My treat!"

"Ah, eh… sabi kasi sakin ni Mamita, wag daw akong sumama sa strangers. Pero, dahil maganda ka naman at sabi nya e wag tumanggi sa grasya! Tara!"

"Funny indeed! Hahaha. Let's go!!"

At yun nga, nagsimula na kaming maglakad nitong Goddess of beauty na ito, pero syempre inayos ko muna yung binalot kong kanin at tulingan na parang nagkaroon ng maraming maraming paminta dahil sa mga pesteng gabok na n9agtalsikan dito! Tinanong pa nga nya ako kung ano raw yung baon kong pagkain, sinabi ko naman na tulingan yun at inexplain ko pa sa kanya kung ano yun, pero di raw talaga nya alam kung ano yun. (Mayaman siguro)

Tinanong nya ako kung saan ko raw gustong kumain at sabi ko naman eh sa carinderia na lang. Hehe. Hashtag pahumble, alanganamang sabihin kong sa restaurant na lang. Parang ang kapal naman ng mukha ko. At saka mas better kung dun kami kakain, para mas feel na feel ko kumain. Pang poor e. Saka may malapit na carinderia rito sa Robins.

Humanap na kami ng pwesto nitong dyosang kasama ko, dun kami pumwesto sa may electric fan.

"Alamoba, first time kong kakain sa ganito." Sabi ni ateng dyosa.

"Talaga? At alam mo ba, kanina pa tayong magkasama di pa natin alam ang pangalan ng isa't isa!"

"Hahaha. Nakakatuwa ka talaga! Oo nga naman no! Hahaha."

"Totoo naman eh! Hehe. What's your name ba Ateng Dyosa?"

"Hm, I'm Zarina Shane Montemayor Montenegro. Shane na lang. You?"

"I'm Stacey Kates Delos Santos Lim! Half-Chinese, pure baklita! Charot! Babae ako. Hahaha. Stace na lang. Nice to know and meet you Shane!"

"And to you too Stace!"

After naming magpakilanlanan, umorder na kami. Syempre ako, ang inorder ko e Sinaing na Tulingan, my all time favourite! Tapos si Shane naman, bistik na tapa lang dahil yun lang daw yung pagkain na alam nya.

Nagumpisa na kaming kumain at gustung-gusto nya naman ang kinakain nya. Nagorder pa nga sya ng extra rice eh, tsaka yung hipon. Favourite nya raw yung shrimp e.

"Stace, try this shrimp! Ang sarap!"

"Naku Shane, gustuhin ko man pero hindi pwede eh. Allergic ako dyan eh."

"Aww, sayang."

"Yang tapa na lang. Hehe."

"Oh sure. Kuha ka na."

"Try my tulingan too! It's so masarap!"

"Kanina pa nga kong curious sa kung anong lasa nyan. Patikim nga."

At yun nga, kumuha na sya ng kapirasong laman ng tulingan at kinain nya.

"Wow, ang sarap din nito ah!"

"Alamoyon! Sinasabi ko sayo! Hehehe."

At yun nga, natapos na kaming kumain. At nagpapahinga na lang kami rito sa carinderia.

"Alamo Stace, you're pretty. Di ka lang nag-aayos."

"Shane naman, maliit na bagay pinapalaki pa! Hahaha, joke! Sus, hindi yan totoo no. Nagkakapimples na nga ako oh. And tingnan mo tong buhok ko, ang dry dry! Kapal pa ng salamin ko. Itim ko pa! Eh exxagerated na yung maitim, hindi kaputian, yun! Kung icocompare ako sayo, ingrown mo lang ako. And okay na ako sa ganito, sanay na ako."

"Grabe ka naman Stace, hindi kaya. Believe me, you're pretty."

*It's 15 minutes before time. Hurry up!*

Wow ha! Ang lakas naman nung speaker ng Robins! Abot hanggang sa labas ng school.

At yun nga, nag-ayos na kami ni Shane at naglakad papuntang school. After 2 years ng existence ko sa Robins, nagkaroon rin ako ng kaibigan!

A/N: Okay ba guys? Ano kaya ang magiging papel ni Shane sa buhay ng ating bida? Comment lang!

#HeartbreakChroniclesShane

Heartbreak ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon