QUADRO (ONE SHOT STORY #1)

27 1 0
                                    

"Hoy Joshua na bakla, gawan mo nga ako ng assignment!" sambit ni Kathy girlfriend ni Angelo.

"Ako rin bakla!" sabay tapon ni Jhasmin ng kanyang kuwaderno sa akin.

"Aray! Magdahan-dahan naman kayo," pasigaw na tugon ko at napahawak sa noo ko.

"Hoy Joshua! Huwag mo nga masigaw-sigawan ang mga chikababes ko! Baka maluto kita ng wala sa oras!"

Kaagad ko namang tinignan ang reaction ni Kathy at OO, nasasaktan siya tsk, tsk.

"Ulol! tsupain kita diyan e, makikitamo," ganting patol ko habang nanunukat ng tingin kay Angelo, ang pasimuno ng lahat ng haka-haka sa kasarian ko.

"Sige nga!" ganting hamon naman nung ugok.

"Mamaya," may halong pananakot kong sagot sabay talikod papasok ng bahay.

___

"Woi Joshuang bakla! Magluto ka mamaya ng masarap ah!" biglang sambit ni Kathy na nasa likuran ko na pala.

Nilingon ko siya," Osige ba! Akong bahala, lulutoin ko muna itong kanin," tsaka na siya lumakad palabas. May pupuntahan yata siya.

Ano kayang lulutoin ko na masarap?
Nang matapos na ako sa kusina ay umakyat na ako papunta sa kwarto ng-

"Ughmm... harder Angelo! Malapit na ako ahh ahh~"

"Yes babe! Shit! Mas masarap ka pa yata kay Kathy, Jhasmin! Ohhhuhmm fuck! Lalaspagin kita!"

"Oh shit! Faster Angelo~ fa-faster! Ghad ang sarap mo ahhhh ohhhhh~"

Masarap? Napangiti ako.

Lumapit ako sa kwarto nina Kathy at pinihit ang doorknob.

"Ang sarap mo talaga Jhasmin! Ah shit! Ayan na ako!" Nababaliw na sambit ni Angelo habang binabayo ng mabilis ang pagkababae ni Jhasmin.

Sa isang iglap ay bumalik ako sa kusina.

Hinanap ko kaagad ang patalim na ninakaw ko pa sa kapitbahay, nang mahanap ko ito ay kaagad ko itong hinasa.

Ngumiti ako ng maloko, ngayon may maipapakain na ako sa taong mahal ko.

___

"Jo-Joshua? A-anong ginagawa mo rito? Ba't may hawak kang patalim?" takot na takot na sambit ni Angelo.

"Wala lang, naghahanap lang ako ng uulaming masarap mamaya," naka-ngisi kong tugon sa tanong niya at tsaka ko sinaksak sa puso niya ang patalim ko.

Umagos naman ang pula niyang dugo sa maputing kumot na nasa kama.

"Ma-maawa ka Joshua, huwag mo akong patayin," natatakot na sambit nito.

Mas lalo akong napangisi, nakatayo sa likuran ko si Jhasmin na namumutla.

Kaagad kong ginilitan ang leeg ni Angelo na nagsanhi ng pagkamatay nito.

"Jo-Joshua, a-anong ginagawa mo?" naiiyak na sambit ni Jhasmin.

Napangiti ako at tsaka siya nilingon, "Akala ko ba'y Bakla ang tawag mo sa 'kin Jhasmin?" tsaka ako tumayo galing sa kama.

"Hu-huwag kang lalapit," nanginginig na sabi nito habang umaatras.

"I'm sorry Jhasmin, pero kailangan makakain ng masarap na putahe ang aking mahal," mahina kong tugon sa kanya at tsaka ko siya sinaksak kaagad sa dibdib.

"Jo-joshua"

Mas lalo kong diniinan ang pagkakasaksak ko sa kanya hanggang sa mawala ito sa kanyang ulirat.

Pinagsasaksak ko kaaga ang buo niyang katawan at hiniwa ito. Nahagilap ng aking mga mata ang kanyang kamay at mga daliri. Sa labis na galit ay tinadtad ko ng pinong-pino ang mga ito at tsaka tumawa ng malakas.

Maraming dugong kumalat sa kwarto ngunit 'di ko ito pinansin.

Napatingin ako sa walang malay na si Angelo, nilapitan ko ito at pinagsasaksak ng walang tigil.

"Ngayon mo sabihing bakla ako Angelo! Ngayon! Whahahahahhaha!"

Pinutol ko ang kanyang ari at ulo. Hiniwa ko rin siya at tinadtad ng pino. "Ngayon wala na akong kaagaw sa mahal ko. Mamahalin niya na ako ng totoo."

Kinuha ko ang isang katam-tamang laki na basurahan sa gilid ng kama at tsaka pinasok ang pino na nilang karne.

Nagbihis muna ako at nilagay ang ulo nilang dalawa sa kama na tila naghahalikan.

___

"Ang sarap mo talaga magluto Joshua," usal ni Kathy habang nasasarapan sa Adobong ulam ko na niluto.

"Syempre! Masarap kasi yung karne HAHA!"

"HAHA oo nga naman," sabi pa niya at nagpatuloy na sa pagkain.

Nakakalimang plato na siya sa sobrang sarap ng luto ko.

Napangiti ako, "Hindi nga ako nagkamali, masarap nga kayo Angelo at Jhasmin."

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon