THE GRADUATION (ONE SHOT STORY #5)

21 2 0
                                    


Hi, Ako nga pala si Precious, magtatapos na as a Grade 12 student mamaya. Nandito ako ngayon sa bench, pinapanood si Adrian, crush ko habang ini-istalk ko ang account ng boyfriend ko sa RPW.

Yes, tama ang pagkakabasa niyo, may bf ako sa RPW as Xelysty at siya si Prince. Hindi naman siya kasi ganoon ka Immatured para palakihin ang bagay na maliit lang, sabi pa nga niya 'okay lang magka-crush ka sa iba, alam ko namang mas lamang ako sa kanila' oh diba? Ang matured niya hindi gaya nung iba diyan.

"Precious, hinahanap ka na ng mga parents mo, aayosan ka na raw!" sigaw ni Melody, best friend ko.

"Sige salamat!" tsaka ako tumayo at nagsimulang maglakad.

Maya-maya lang ay ni chat na ako ni Prince.

[ Hi Love! Good morning! ] pagbati niya kaya napangiti ako.

[ Good morning too love, kumain kana ba? ]

[ Tapos na po, nandito na ako ngayon sa school, excited na ako mamaya love ko! ]

[ Hmm, sige-sige ingat ka diyan ah! Out na ako ] reply niya na ikinataka ko.

"Bakit kaya siya naging cold bigla? Hindi niya na ba ako mahal? At bakit ako naiiyak?" sambit ko sa aking sarili sabay punas ng mga luhang dumaloy sa pisnge ko.

"Baby! You're here na pala, come here. Aayosan ka ni mommy para maganda ka mamaya, huwag ka muna maiyak hindi mo pa hawak diploma mo HAHA!" biglaang sambit ni mommy na hindi ko namalayang nasa gilid ko na pala.

Pilit akong ngumiti at niyakap siya, "I love you Mommy, mahal ko kayo ni dad kahit na late na naman siya ngayon." Malambing kong bulong sa kanya.

"We love you more baby,"

____

"Third Honor, Melody Carstair"

Kaagad namang tumayo at umakyat ang besty ko na may magagandang ngiti sa labi. Kasunod niya ay sina tito at tita na halata namang proud na proud sa bespar ko.

Napangiti ako at sa hindi malamang dahilan, ni open ko ang RP Account ko.

Ang mga ngiti sa labi ko ay napalitan kaagad ng lungkot at pighati,

' Let's break up Xelesty, ayaw ko na sa pekeng mundo na ito. Salamat'

Luhaan, luhaan kong tinanggap ang mga medalya ko na siyang nagpapatunay sa lahat ng sinakripisyo ko.

Patuloy lang sa pagluba ang mga mata ko habang sinasabitan ako ng medalya ng mga magulang ko.

"Congratulations my Princess, you made it!" pagbati ni dad at niyakap ako. Nakisali narin si mommy kaya naman napilitan akong ngumiti.

"Thanks mom, thanks dad," mahinahon kong sambit.

Hindi ako masaya,

Sino bang tangang babae na magdidiwang dahil nakipag-hiwalay ang taong mahal nila?

Wala naman diba?

"And for our Valedictorian this school year 2019-2020. I present to you, Mr. Adrian Sy!"

Bumaba kaagad kami ng entablado habang naiiyak parin ako sa sobrang sakit.

"So hi, Goodmorning everyone! I won't make my speech long. All I have is three things to say." panimula ni Adrian at halos mangisay na sa kilig ang mga kapwa ko babae, umupo na lamang ako at nagkunwaring nakikinig kahit hindi naman.

"First of all, I am so thankful that we've finally made it! Also thank you to our parents and guardians who keep on supporting us financially and emotionally. Also thank you so much to our teachers who guide us in claime our better future." Sambit niya pa at sumaludo sa mga taong ginabayan kami.

"Second I want to motivate you guys with this qoutation I have read on a status in twitter and it says that ' You are the mental architect of your own destiny.'
Hindi ko naman na siguro kailangan e-explain pa diba? Matatalino naman kayo HAHA!" saad niya na nagpatawa sa lahat.

" Lastly, I want to grab this opportunity to make my girl speacial," nakangiti niyang sambit at napatingin sa akin.

"Love I'm sorry kung nasaktan kita, kung natakot akong magpakilala sayo sa totoong mundo kahit na alam kong crush mo ako." Sambit niya at dahan-dahang bumaba sa entablado papalapit sa kinaroroonan ko?
Hindi naman siguro ako yung tinutukoy niya diba?

"Love, alam kong sa oras na ito ay naguguluhan ka kung nagsasabi ba ako ng totoo, pero ako ito." Sambit niya ulit at dahan-dahang pinakita ang birthmark niya na nasa leeg niya banda.

Ang tanging nakikita ko dati sa RPW, sa mundong pwede kong epeke lahat na tungkol sayo.

Napa-iling nalang ako at napaluha ng tuloyan,

Lumuhod siya! Lumuhod siya mismo sa harapan ko!

Totoo ba ito? Kung hindi please lang huwag niyo ako gisingin sa isang magandang panaginip na ito!

" Xelysty Cruz ng RPW, Will you be my girlfriend in real world? Will you be mine too in this world? Will you let me to show my love to you my love? I won't promise anything cause promises are meant to be broken. Pero isa lang ang alam ko, mahal kita mula sa pekeng mundo hanggang sa mundong ito," mahaba niyang lintaya at pinunasan ang kanyang namamasang mukha.

" YES! Yes Prince! I'm yours, I'm all yours from RPW to RW my love! I am-

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko at naramdaman ko nalang ang pagdampi ng aming mga labi.

He kissed me! Not a torrid one but a kiss with full of love!

I closed my eyes and enjoyed the taste of his lips,

" I am selfish Precious Xelysty Salvastre, dito man o kahit sa RPW. Akin lang dapat ang isang kagaya mo," bulong niya at hinalikan ang noo ko.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon