ML PLAYER

6 1 0
                                    

"Kentot! ML tayo dali!"

"Ayaw ko nga! Bumaba pa rank ko aba! Hindi ka pa naman marunong!"

"Hoi, mahiya ka nga! Marunong ako aba! Dali na rank tayo please," sambit ko at lumambitin sa kamay niya.

Napatingin naman siya sa 'kin at napabuntong hininga.

"Oo na, lalaro na tayo. Halika doon tayo sa sala," saad niya at hinawakan ako sa kamay sabay hila paupo sa sofa.

Nang makaupo kami ay ka agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisnge, " thank you kenken hihi," saad ko at nauoo na sa tabi niya.

Oo sa tabi at hindi sa kandungan niya haler nakakahiya kaya.

Pareho na kaming nakatutok sa mobile namin ng bigla siyang nagsalita.

"Mag marksman ka, tank ako."

Tumango naman ako at pinili si Wanwan.

Tumitig siya sa 'kin at nginitian ko lang siya.

Napatingin naman ako ulit sa mobile ko at nakita kong si Esmeralda ang pinili niya.

-----

"First blood!"

Pakening kakasimula pa lang patay na ako agad!

Napakagat na lamang ako sa aking labi at tinitigan si ken na nakatingin na pala sa 'kin.

"Alam mo ba kung paano gamitin si Wanwan , Hani?" tanong niya kaya umiling ako.

Napabuntong hininga naman siya at itinuon ulit ang pansin sa laro.

"Sumunod ka sa 'kin, diyan ka sa likod ko palagi," mahinang sambit niya na narinig ko naman at sinunod.

Naging maganda ang laro namin ng biglang-

"You have been slain!"

"Double Kill!"

"Triple Kill!"

"Maniac!"

"Unstoppable!"

Naubos kami lahat at kasalanan ko iyon.

"Bobo!" sigaw ni ken na siyang ikinatingin ko sa kanya.

"Ede sige! Ako na bobo! Sorry ha! Hindi ako marunong e letse!" sigaw ko pabalik sa kanya kaya naman natulala siya.

"Come here," malamig niyang saad.

"Ayaw! Galit ka, galit ri ako tse!" t'saka ako tumalikod.

Napabuntong hininga naman siya at niyakap ako mula sa likuran.

"Sorry, hindi naman ikaw sinasabihan ko na bobo baby ko," mahinahon niyang saad.

Umirap ako at pilit kumawala sa mga yakap niya.

"Ayaw, ayaw! Mag break nalang tayo! Diyan ka sa ML mo!"

"Sorry na, I love you~" bulong niya at hinarap ako paharap sa kanya.

"I love you, sorry hindi naman kasi ikaw 'yun," saad niya at hinalikan ako sa noo at sa tungki ng ilong ko.

Napanguso naman ako na ikinangiti niya.

"Wala ba akong I love you too diyan baby ko?" masuyo niyang tanong t'saka ako dinampian ng halik sa labi.

Namula naman ako at napa-iwas ng tingin, "Wa-wala! Hmpk!"

Bumungisngis naman siya na naging dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay.

"Tinatawa-tawa mo?" mataray kong tanong kaya napatigil siya.

"Wala, sabi ko ang ganda mo kapag ganiyan ka HAHA. I love you hani ko~" sambit niya at niyakap ako.

"Mawala na yung ML acc ko, 'wag lang ang isang ikaw na mahal na mahal ko," saad niya pa at mas hinigpitan ang pagyakap sa 'kin.

"I love you too baby~"

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon