Kabanata 1

420 3 0
                                    

Florismo: Woooohh!!

Sigaw ni Florismo, kinuha nito ang baso sa table at uminom ng alak. Nakipag usap at nakipag tawanan pa ito sa mga kasama nya.

Anong oras na ng mapagpasyahan ni Florismo na umuwi. Dahan dahan syang pumasok sa kanilang pinto, makikita mo ang kanyang tatay na nasa sala habang nagbabasa ng dyaryo.

Tatay: asan ka galing?!

Florismo: Dyan lang sa tabi tabi.

Tumayo ang tatay at lumapit kay Florismo, hinawakan nya ito sa kanyang leeg at tinanong muli.

Tatay: Asan ka galing??!!!

Lumabas ang nanay ni Florismo sa sigaw na narinig, sinubukan nyang pigilan ang tatay ni Florismo ngunit hindi ito nagpapapigil.

Tatay: Kahit kailan hindi ako nagkulang sa pagpapaalala sayo na dapat maging maayos kang anak dahil ang tatay mo ay isang abugado!

Florismo: Do you think i care–

Hindi natuloy ang sasabihin ni florismo nang suntukin ito ng kanyang tatay.

Tatay: Magimpake ka ng gamit mo! Bukas na bukas, ihahatid kita sa lolo mo at doon ka muna titira bilang parusa!

Tinulungan ng kanyang nanay si Florismo tumayo, habang ang tatay nito ay umalis na.

~~

Tatay: Subukan mong magloko sa lolo mo at hindi ko na alam gagawin pa sa iyo! Amin na iyang cellphone at earphones mo, makinig ka!

Tumuloy si Florismo sa loob ng bahay ng kanyang lolo. Ipapakita dito ang mga letratong ikinuha noong silay kasal na ni Edang.

Lolo lading: Apo, Mabuti naman at dumating kana!

Lola edang: Amin na ang mga gamit mo at ilalagay ko na sa kwarto.

Hindi pinansin ni Florismo ang mga saad ng kanyang lola at lolo, dumiretsyo ito sa labas at humipak ng vape.

Lola: Apo... kung may kailangan ka ay andoon lang kami saaming kwarto, ang kwarto mo andoon lang.

Tumango lang si Florismo at naisipang magikot ikot sa bahay nila.

habang nagiikot si florismo sa sala ay may napansin siya sa taas ng maliit na aparador. isang litrato ng dalawang babae at dalawang lalaki, ang dalawa doon ay si lolo lading at lola edang.

Umakyat si florismo sa taas at pumunta sa kwarto ng kayang lolo at lola.

Florismo: la? lo? barkada niyo?

lolo lading: ay iho, nakita mo pala iyan.

lola edang: oo, apo mga kaibigan namin sila. kung sana lang e nagligtas namin sila.

florismo: ano ba nangyare la? natigok?

lolo aladin: pumarito ka muna apo

sabi ni lolo lading habang may hinahanap sakanyang aparador

florismo: ano ho yun lo?

lolo: ang aparador na ito ay naglalaman ng aking mga gamit noong panahon.

florismo: astiig! itago ko nga tong mga sigarilyo ko sa isang kahon tas bubuksan ko ulet pag gurang na ako

lolo: maganda iyon apo. hanggat may itatago ka, itago mo bilang ala ala sa iyong nakaraan. tignan mo ito.

may inilabas si lolo lading na isang libro na medyo punit punit na at maalikabok. hinipan niya ito at pinunasan ng tela. Florante at Laura, iyan ang nakasulat sa pabalat ng libro.

florismo: florante at laura.. ayos ah parang pangalan ko. pero pakiramdam ko mas pogi ako dun sa florante.

lolo: halika apo, hayaan mo ako na ikuwento sa'yo ang pagiibigan nila florante at laura.

lolo: nagsimula ito sa isang lalake na nakagapos sa isang puno sa kagubatan. Labis ang kanyang hinanakit noong mga araw na iyon sapagkat sinaktan siya ng kanyang natatanging mahal. Ang lalaking iyon ay nangangalang Florante.

Florante: Oh, laura aking iniirog. Naging mabuti at mapagmahal naman akong lalaki sa'yo, ano't nagawa mo saakin ito? Hindi ko alam ang aking gagawin kung wala ka saaking piling, mahal ko. Masamang lalaki ang iyong piniling makasama, hindi siya karapat-dapat para saiyo.

Lingid sa kaalaman ni florante, may nakakarinig sa kanyang pananaghoy. Si Aladin, isang moro.

Sinundan ni Aladin ang mga ingay na naririnig nya, at doon natungo sya sa lalakeng nakagapos sa puno. Nung makita niya si Florante roon ay aatakihin na sana siya ng isang mabangis na leon ngunit napatay iyon ni Aladin. Nahimatay na lamang si Florante dahil narin sa pagod at labis na pag-iyak. Inalis ni Aladin ang nakatali sakanya at inihiga sa ilalim ng puno.

Ilang oras rin ang lumipas ay nagising na rin ito.

Florante: Buhay ako? Ngunit.. may umatake sa aking leon bago dumulim ang paligid?

Aladin: oo, at mabuti na lang ay napigilan ko iyon.

Florante: maraming salamat, ginoo.

Aladin: Kung iyong mararapatin, nais kong malaman kung Ano ang nangyare saiyo? Ikaw ba'y ayos lamang?

Florante: Ang aking nararamdaman ay di mapaliwanag, puno ng galit at hinanakit! Ang babaeng akala ko'y totoo saakin, tila bigla nalang akong pinagpalit!

Aladin: Maari ko bang malaman ang pangalan ng babaeng ito, Ginoo?

Florante: Laura... Laura aking iniirog.

Aladin: Hmmm.. Anong ginawa ni Laura sa iyo, Ginoo? Bakas na bakas ang sakit na nadarama mo

florante: sumama siya sa isang lalaking masama ang ugali!

inalalayan ni aladin si florante umupo sa ilalim ng puno.

aladin: ano ang iyong ngalan ginoo?

florante: florante, florante ang aking pangalan.

aladin: heto, florante tanggapin mo ang pinitas kong saging sa isang puno. kumain ka muna para bumalik ang iyong sigla.

florante: salamat, kaibigan.

aladin: kung iyong mararapatin, ano ang kwento ng iyong buhay? saan ka nanggaling?

florante: ako ay galing pa sa albanya. Anak ako ni prinsesa floresca, ang prinsesa ng krotona.

~~

prinsesa floresca: hmm (kinakantahan ang sanggol na si florante)

florante[]: iniwan raw ako noon ng aking ina sa isang duyan sa balkonahe nang isang buwitre ang umatake rito. Mabuti na lamang ay dumating si Menalipo, ang aking pinsan, at inatake ang buwitre

Menalipo: Isang buwitre!!

Floresca: Dyos ko po! maraming salamat sa iyo menalipo, kung hindi mo ito nakita ay malamang wala na ang aking mahal na anak!

Florante at LauraWhere stories live. Discover now