6

45 1 0
                                    

Miranda: Ginoo, mayroon kayong digmaan mamaya sa Krotona laban sa mga Moro. Kailangan mong maghanda ng mabuti sapagkat ikaw ang itinatag na Heneral ng hukbo ni Haring Linseo.

Felicia: Ginoo, madali lang naman makipaglaban kung ikaw ay tututok ng lubusan. Ayon ang sinabi sa akin ng isa sa mga kawal rito. Mahirap kalabanin si Heneral Osmalik na siyang kalaban mo, Ginoo. Asahan mong babantayan ka namin roon.

Florante: Sige sige, thank you.

Felicia: At saka.. Ayusin niyo ho ang inyong pananalita. Paniguradong sila ay magdududa sa oras na magsalita ka ng ibang lenggwahe at walang pag galang.

Miranda: At baka matuklasan nila ang ating sikreto. Kapag nangyari iyon may posibilidad na hindi mo mabago ang masalimuot na nakaraan ni Florante. Kaya kailangan nating magingat.

~~

(Digmaan)

Florante: Heneral Osmalik, ako ang iyong kalabanin!

Osmalik: Hanga ako sa taglay mong galing sa pakikipag-laban, Heneral Florante. Ngunit, hindi yan uubra sa karanasan at espada ko. HA HA HA HA!!

Florante: Kung gayon, ay ipakita mo, hindi puro salita! (hiyaaaah! naglaban na sila aching ching)

Felicia: Ginoo, sa likod mo! (sinaksak si Osmalik, boom patay)

Menandro: Bueno, Florante! Nagawa mong paslangin ang heneral ng Persiya! Yung iba naman ay tumakas dahil sa takot! Nagtagumpay tayo, Florante!

Florante: (nagtataka kung sino si menandro)

Miranda: Kaibigan niyo siya galing Atenas, Si Menandro. (pa-bulong)

Florante: ahh! Menandro, kaibigan! Maraming salamat sa iyong kontribusyon ngayon! Tayo'y magpar-- magdiwang! Humayo na tayo at iparating ang balita sa hari!

~~

(Samantalang sa Albanya..)

Laura: Hindi ako makikipagisang dibdib saiyo, Emir! Mayroon na akong iniibig!

Emir: Hindi, Laura! Ikaw ay magpapakasal sa akin, tapos!

Laura: (sinampal si emir) Ako'y isang prinsesa at wala kang karapatang pangunahan ako!

Emir: Hindi mo ako alagad, Laura! At dahil sa pagsampal at hindi pagrespeto sa akin, ay dapat ka na ring sumunod sa iyong ama at sa duke!

Laura: Ano ba! Tigilan niyo ako!

Salome: Huwag niyong hawakan ang prinsesa! Isang kapahangasan ang inyong ginagawa!

Celci: Tigilan niyo na ito! Wala kayong mapapala rito sapagkat paparating na si Heneral Florante!

~~

Menandro: Florante? May bandila sa taas! ito ay bandila ng mga Moro!

Florante: Oh ano?

Menandro: Ikaw ba ay nahihibang na?! Marahil sumugod ang mga Moro sa Albanya habang tayo'y nakikipaglaban sa Krotona!

Florante: Ahh-- Ano?!! Mga walang hiya talaga sila!

Kawal 1: Kung di ako nagkakamali ay mayroon silang hawak na binibini!

Florante: Si Laura.. Oo, si Laura nga iyon! Hindi nila ito pwedeng gawin!! Maghanda kayo mga kasama sapagkat mayroon tayong lulusubin ngayon din!

(labanan ulet, pinaslang ni Florante si Emir at ibang nga kawal)

Florante: Oh, Laura! aking minamahal! Kamusta ang iyong kalagayan? Ikaw ba'y nasaktan? Mayroon ka bang galos o malalim na sugat?!

Florante at LauraWhere stories live. Discover now