Aladin: Ama, huwag na tayo sumali sa gulo, parang awa niyo na.
Sultan Ali Adab: Naririning mo ba iyang mga sinasabi mo, Aladin? Isang kaaway ang mga Kristiyano! At hindi magbabago iyon!
Aladin: at dahil sa ginagawa niyo, hindi rin magbabago na lagi tayong talo sa mga Kristiyano! Tignan niyo nalang po si Emir, Si Heneral Osmalik? Anong nangyari sa kanila? sila ay nagapi!
Sultan: Huwag mo akong sigawan!! anak lang kita!! Hindi ka nga talaga bagay maging isang Moro. Wala kang kwenta!! Kristiyano na ang kinakapihan mo ngayon? Sige! pero bago iyon ipapadala ko muna ang ulo mo sa kanila!!
Aladin: A-ama, hindi ho ganyan ang aking isinalaysay.
Sultan: Mga kawal, pugutan ng ulo si Aladin! Isang hamak na prinsipe ng Persiya na umaanib sa kalaban! Kilos!!
Aladin: Ama!!! Ama!!
~~
Flerida: (lumuhod) Parang awa niyo na, Sultan. Pakawalan mo na si Aladin. Ano po bang gusto niyong gawin ko? Gagawin ko ang lahat! Hahalikan ko ang iyong paa kung iyong nanaisin! Basta't pakawalan mo siya!
Sultan: Lahat ba kamo? Sige. Pakasalan mo ako, Flerida. Makipag isang dibdib ka saakin.
Flerida: Tatanggapin ko ang anumang iyong naisin, palayain mo lang ang mahal ko.
~~
(sa kagubatan)
Florante: Tulong!! tulungan niyo ako!! Walang hiya ka, Adolfo!! Walang mas sasama pa saiyo!
Florante: Laura, aking munting kerubin. Bakit 'di mo ako hinintay? Hindi ba tayo'y sabay-sabay maghahapunan? Bakit hindi mo iyong itinatak sa puso at isipan mo?
Florante: Alam ko ito. Si Aladin, dadating si Aladin.
~~
(sa kaharian ng albanya)
Felicia: Nasaan ang prinsesa Laura?
Miranda: Bakit wala siya sa kanyang kulungan?
Salome: Pinatakas namin siya, bakit?
Felicia: Ahh! Nagulat ako sa iyo!
Celci: Marahil ngayon ay hina--
Adolfo: NASAAN SI LAURA?! SINO ANG NAGPATAKAS SA KANYA?!
Miranda: patay na. Kailangan na natin umalis rito.
~~
Felicia: Miranda, si Flerida. Kailangan natin siya patakasin.
Celci: Ano ang inyong mga sinasalaysay? Sino si Flerida?
Miranda: Salome, Celci. Sa tingin niyo saan pumunta si Laura?
~~
(sa kagubatan, Adolfo at Laura)
Laura: Florante! Florante?! Asan ka, Mahal ko?!
Adolfo: Huli ka! Akala mo ba ay makakatakas ka sa akin?! Hinde!!
Laura: Ano ba, Adolfo?! Nahihibang ka na ba?! Hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo!!
Adolfo: Maski ikaw ay inagaw na rin sa akin ng hunghang na Floranteng iyon! Halika dito, alam ko na ang kailangan kong gawin upang ika'y mapaibig ko
Laura: Adolfo, huwag mong gagawin ang iyong iniisip ngayon. Parang awa mo na. Huwaaaaaag!!!!
(nirape si Laura)
~~
Florante: Anong nangyari?