"Em!" Agad siyang napalingon sa pinagmulan ng pamilyar na boses na iyon.
She saw Kaden standing next to her father. Napatakbo siya palapit sa mga ito. She quickly gave her father a kiss on his cheek before she hugged the younger man beside Killian tightly. Natawa ang makisig na binata at niyakap din siya nito pabalik nang mahigpit.
"I missed you, baby girl. Ang laki mo na!" natatawang saad nito bago humiwalay ng yakap. Sinipat siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa habang may kontentong ngiti sa labi.
Kaden was her older cousin. He was busy running their family business at the country side that was why his appearance was always limited. Ngayon lang ulit sila nagkita pagkatapos ng maraming taon.
"Hindi na nga ako baby girl, kuya!" aniya at napalabi. "At dahil diyan ay hindi kita na-miss!" pabirong palatak niya pagkatapos.
Natawa ang kaniyang ama at pinsan.
"But your hug was telling me otherwise," he teased. Napaingos at napairap siya dahil doon.
"Kids, maiwan ko na kayo rito, ha? You need more catching up," her dad excused himself.
Sinundad niya ng tingin ang ama at agad niyang nakita ang paglapit nito kay River na kabababa lang ng hagdan. Inakbayan nito ang huli at inakay patungo sa direksyon kung saan kaunti lang ang mga tao.
A part of her wanted to pull her father away from her cheater ex-boyfriend but she did not want to draw attention from the people around them.
Nawala ang atensyon niya sa dalawa nang tumikhim si Kaden sa tabi niya. Nakatingin din ang binata sa kung saan siya nakatingin kanina.
"I've heard the news about you and River. Kamusta naman ang puso mo?" tanong nito kaya napakunot ang kaniyang noo habang tinitingnan ito.
"Kanino mo narinig?" Pinaningkitan niya ng mga mata ang pinsan.
Hindi siya nagkwento ng kahit ano sa kaniyang ama na kasama nito kanina lang. Ang nakaaalam lang ng nangyari ay ang tatlo niyang kaibigang babae, mga kaibigan ni River na kaibigan niya rin, at si Rym.
Nagkibit-balikat ang kaniyang nakatatandang pinsan.
"Baby girl, may pakpak ang balita at may tainga ang lupa. Just answer me. How's your heart?"
Inakbayan siya ng binata at tinapik-tapik ang balikat niya. That time, she wanted to cry, again. Sa totoo lang ay hindi niya rin alam kung kamusta ba ang puso niya.
She was trying so hard to be okay but sometimes, she could not help but feel the pain. Kahit anong pagpapaka-busy niya ay hindi niya pa rin maiwasang masaktan.
She sighed before he answered him.
"Not good. But surely, I'll get through it and move on," sagot niya na sa tono na para bang wala lang sa kaniya ang nangyari.
Humigpit ang pagkakaakbay sa kaniya ni Kaden.
"Just be strong, Em. Be strong." Kahit papaano ay nakatulong ang mga katagang iyon para patatagin ang kaniyang kalooban
A text from her sister made them all go inside the dining hall where everything was set up for her brother-in-law's surprise birthday party.
Panandalian niyang kinalimutan ang sariling problema at tumulong sa pag-aasikaso ng party dahil sa kanilang tatlo nina River at Niana humingi ng tulong ang kanilang ate para maisakatuparan ang surprise party na ito.
Buong duration ng party ay hindi mabilang kung ilang beses siyang umirap kay River. Sumakit na ang kaniyang ulo sa kaiirap ngunit hindi pa rin noon naibsan ang nararamdaman kaya naman lumabas siya noong masayado nang abala ang lahat sa pagkakasiyahan.
She needed air to breathe. Ang presensya ni River ay masyadong mabigat para sa kaniya—hindi siya makahinga. Iyon talaga ang dahilan kaya siya umalis sa puder ng mga Ybarra.
Nang makalabas siya sa garden ay agad siyang nagtungo sa isang wooden bench para maupo. Ipinikit niya ang mga mata at saka tumingala. Umihip ang malakas na hangin, dahilan upang magulo noon ang kaniyang buhok ngunit wala na siyang pakialam.
"This is what I need now—air..." saad niya habang dinadama ang bawat hampas ng hangin sa balat niya.
Nang muli siyang dumilat ay napansin niya ang langit. Madilim na ngunit kakaunti lang ang mga bituing nakikita niya roon dahil sa kapal ng polusyon sa ka-Maynilaan.
"I'm tired of all the shit. Kailan ba ako pwedeng magpahinga?" tanong niya habang nakatingala pa rin sa langit—na para bang naroon ang kasagutan sa tanong niya.
Hindi pa natatapos ang unang taon niya sa kolehiyo ngunit pakiramdam niya ay napakarami nang nangyari. Sa sobrang dami ay nakaramdam na siya ng kapaguran.
Hindi niya alam kung hanggang kailan siya masasaktan at kung kailan siya muling makababangon. What River did really break her heart big time.
The man taught her everything about love. He was her world. He was her everything but boys would be boys—River cheated on her.
Ipinapangako niya na kung makababangon man siya mula sa pagkawasak ay hindi na siya muli pang lalapit sa apoy na alam niyang tutupok sa kaniya nang buo. Hindi na siya babalik pang muli sa mga bisig ng isang River Sanders.
***

BINABASA MO ANG
The Politician 2: River Sanders
Chick-LitEmpress Cervantes knows what she wants in life--she would excel in her studies and would not let any distractions get in her way, love life included. But things get complicated when she meets the cold and rebellious River Sanders, her half-sister's...
Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte