Chapter 1

22 0 0
                                    

--Alex's POV--

1st day of school, Halo-Halo special ang emotion ko ngayon. 

Masaya, kasi maraming bagong kaibigan at syempre makikita ko nanaman ang aking poging CRUSH.

Excited, kasi malalandi ko nanaman siya! ayieeee! :"> at baka may transferee na mas POGI pa sa CRUSH ko na ubod ng suplado!

Kinakabahan, kasi baka di niya ako papansinin at baka matra-transfer ako sa ibang section (Star section kasi ako noong 2nd year palang ako)

at syempre dahil 1st day of class ngayon, isusuot ko ang pinakamaganda kong damit! haaay! Excited na talaga ako! Inaayos ko ng mabuti ang aking buhok, syempre maglalagay ako ng Johnson's Baby Powder sa aking mukha at makinis na KILI-KILI! haha.

Pagkatapos kong inayos ang sarili ko, agad-agad akong bumaba at kumain ng breakfast. While eating biglang nagring ang CP ko. ah! si Michelle pala, bestfriend ko. 

*text message - ALEX! nasaan ka na? bakit ang tagal mo? LATE ka nanaman! 1st day na 1st day late ka?! haaay! ikaw talagang babaeng ambisyosa ka! bilisan mo na dyan!*

napatango ako at biglang sumigaw. "AAAAAAAHHHHH! Ayokong Malate! Ayokong Malate!" at biglang may kumalabit sa ulo ko, si MAMA!

"ayaw mo naman palang malate! bilisan mo na dyan! sigaw ka ng sigaw ang ingay mo, natutulog pa ako eh" -- MAMA

"Oo ma, eto na :)". Tumakbo agad ako, uminom ng tubig, nagbeso kay mama at biglang umalis.

--East High University--

Dali-dali akong tumakbo sa gate at biglang hinarang ba naman ako ng guard at natapilok "Ano ba guard, ang sakit ha. bakit di mo ako papasukin? estudyante ako ng paaralang 'to"

"Paano mo naman nasabi, aber. tignan mo nga kung anong kulang sayo" -- Manong Guard

I observed myself and suddenly. "OH MY G!! wala akong ID!!" napasigaw ako ng malakas at lahat ng tao ay nakatingin sa akin. Ang malas malas ko naman ngayon, hiyang hiya na ako na parang ayaw ko nang pumasok.

"Sige pumasok ka na, pero dapat bukas may Identification Card ka na ha!" -- Manong Guard.

"ay echosera ka manong! nosebleed ako sa *Identification Card* mo ah! Di ba pwedeng ID na lang?"

"Ikaw na bata ka! Ayaw mong pumasok?! sige dyan ka na lang sa labas" -- Manong Guard.

"Joke lang manong, eto naman. sige, salamat!! :))" pumasok na ako sa school na late, at punong-puno ng kamalasan! pagdating ko sa linyahan kasi may flag ceremony, ang lahat ng late may ibang LINE! oo na, ako na malas! ako na talga! haaay, buhay nga naman oh! 

pagkatapos ng Flag Ceremony, lahat ng estudyante ay pumunta na sa kani-kanilang rooms. at kaming mga late? naiwan para magpulot ng dahon sa buong university! 

syempre ako, inggit na inggit na ako sa mga kaklase ko kasi sila umuupo na at getting to know each other tapos ako ngayon, naglilinis ng school! habang pumupulot ako ng dahon may nakita akong isang lalaki, actually, GWAPONG LALAKI! binansagan ko siyang Mr. Polo. :"> kinikilig nanaman ang pilingera! sa pagpulot ko ng mga kalat di ko namalayan na palapit na palapit na pala ako sa kanya at biglang naapakan ko ang basang semento at na-slide! buti nalang may nakasalo sakin. 

SI MR. POLO! ang bango bango niya talaga, at nag de-daydream nanaman ako. maporma siya, cute, moreno. naumpog ang pwet ko sa semento kasi pinabayaan na pala ako ni Mr. Polo. nakaalis na pala ang G*go! haaay. ano kayang sinabi niya sakin? di ko kasi narinig! ang malas malas ko naman!

-----

dont forget to VOTE and COMMENT :) 1st time ko po gumawa ng story

Crush: An Unconditional Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon