chapter 13

10 0 0
                                    


Sa sobrang himbing ng tulog ko, tinanghali na ako ng gising , napabalikwas ako ng higa nung makita ko na past 8 am na ..

Anak ng ,damn bat hindi ako ginising ni mommy....patakbo akong pumunta sa banyo para maligo at magsepilyo. Pagkatapos ko agad akong nagbihis ,mabuti na lang may extra akong uniform , agad akong bumaba at hinanap si mommy.

Mom!! , mom !! Sigaw ko.

Ohh ija bat nakabihis ka ? Lumapit ka dito ng malinis yang sugat mo ,utos saken ni mommy. , Dali dali ako lumapit at nilinis niya ang sugat ko...

Mom bat naman hindi nyo ako ginising? My pasok po ako , lunes na lunes pa ,patay na naman ako sa mga teror kong prof. Iiling iling kong sambit..

Susssss, anung magagawa nila sayo!?

Mom hindi nila alam na ako ang nagmamay-ari ng school ,sambit ko .

Nagulat si mommy sa sinabi ko ,
oo hindi ko pinapaalam sa lahat na ako ang may -ari ng school ,para maranasan ko  ang pagiging simpleng estudyante.

Sige mom alis na ako , salamat sa pang gagamot ,nakangiti kong sambit.

Hahaha basta ikaw anak😁😅 ,takot ko na lang sayo😅😉 ,natatawang sambit niya..

Agad akong sumakay ng sasakyan at pinaharurut hanggang sa parking lot ng school , patakbo akong pumasok at derederetso sa locker kinuha ko ang mga gamit ko at pumunta na sa room.ng pag bukas ko sa pinto andun na ang prof.

Aba aba ms.rodriguez , ano ba naman yang pinag gagawa mo at tinanghali ka!?  Siguro'y inuuna ang pakikipagdate ano , sarkastikong tinig niya saken ....

Wala akong panahon makipag asaran ,pasensya na, tugon ko na lang..

Aba at ikaw pa ang may ganang magsalita ng ganyan , asar na tinig ni prof.clemenco.

Tinignan ko na lang siya ng masama , na kina gulat niya ,dumeretso na ako sa aking upuan pero ang paningin ng lahat ay nasa aking pati si miguel ..

Hoy bat tinanghali ka? Tanung ni nicole...

Napasarap ang tulog ko , tas hindi naman ako ginising agad ni mommy ,tsk hindi tuloy ako naka pag agahan , inis kong sambit.
Habang nagdidisscuss si prof.clemenco , naghalungkat ako sa bag na baka meron pang mga choco choco , at hindi nga ako nagkamali , meron pa akong dalawang balot ,kumuha ako ng isa at kinain ko ,hindi pa ako nakuntento kumuha pa ako...hanggang sa maubos ko ang isang balot...

Hoy ms.rodriguez ,tanghali kana nga, hindi ka pa nakikinig, at ano naman yang kinukutkot mo sa bag mo.. naaasar na tinig ni mr.clemenco.

Pinakita ko naman sa kanya ang hawak ko , at nagtawanan ang mga kaklase ko..

Anak ka ng choco choco!!! Galit na tinig niya..

Nagugutom na ako sir ,hindi po ako nakapag umagahan , gusto nyo !?
Pang aasar ko kay sir.

Ms.rodriguez!!!!!!?!!get out!!!! Galit na galit na tinig ni sir ... kayo na nga tong inaalok kayo pang galit,Naka ngisi kong sambit

Gusto kong makausap ang mga magulang mo ,sigaw niya ......

Matagal na walang paki alam ang magulang ko saken ,kaya wala kang makakausap , seryoso kong sambit .

Dahil dyan sa ugali mo kaya pati magulang mo hindi makatagal sayo!!! Sarkastikong pasigaw na sambit niya ....

Nginisihan ko lang siya at iiling iling na umalis , dumaan muna ako sa canteen para kumain , pumunta ako sa may malapit sa field at dun tumambay , wala kasing masyadong tao dun , naglabas ako ng sigarilyo at dun ako nagyosi ,. Habang nagyoyosi ako naramdaman ko naman na may nakatayo sa likuran ko...

My young lady is an Assassin [ On Going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon