chapter 9

9 0 0
                                    

Tom pov.

Nagising ako na nasa hospital na, masaket parin ang katawan ko...pero naaalala ko parin ang mga nangyari kagabi...

Sino kaya ung babae na tumulong samen , ang galing niya sa labanan..sanay na sanay siya.. sino kaya siya hindi man lang ako nakapagpasalamat..

Nakita ko ang dalawa na tulog na tulog pa. Magkakasama kaming tatlo sa isang kwarto ng hospital. Naririnig ko naman na maingay sa labas... Bumangon ako at sinilip kung sino ang mga un... Mga pamilya pala nameng tatlo... Hinanap ko agad ng paningin ang babaeng tumulong samen ngunit wala siya..

Anak ijo kamusta ang pakiramdam mo!? Anung bang nangyari sa inyo!?tanung agad ni daddy.

Pinagtripan po kami ,pag sisinungaling ko kay daddy

Mga dati namen silang member sa binuo namen gang sempre ang leader ay si miguel.ngunit nasira ang aming gang nung naghiwalay si miguel at trixie , nagkanda lokoloko ang gang at kung ano ano ang mga pinag gagawa ng iba namen member.. hanggang sa mabalitaan namen na si sebastian na ang namumuno nun...

Daddy nakita nyo po ba ang babaeng tumulong samen!? Tanung ko kay dad.

Hindi anak, wala kaming naabutan dito kundi kayo na lang tatlo .. pumunta nga ako sa counter para mag bayad sa kanila pero bayad na daw ung bill nyo tatlo binayaran daw.ng babaeng kasama nyo. Sambit ni daddy saken.

Hindi nga po namen kilala ung babae ehh. Nakatakip ang bibig niya at mata lang ang kita. Pagsasalaysay ko kay daddy.. kumain muna ako tas naglakad lakad ng kaunti para mahiga ulit....

Miguel pov.

Nagising ako sa ingay na nagkwekwentuhan.. nakita ko ang mga pamilya namen.. magkakaibigan ang mga pamilya namen nina tom at tyron.. dahan dahan naman akong kumilos at naupo..

Anak wag kana muna magkikilos , magpahinga kana muna , sabi saken ni mommy..

Mom nasan po ung babae!?

Aling babae anak!?

Ung tumulong po samen !!?

Wala kami naabutan dito kundi kayo lang tatlo... Ni ayaw nga ipakita ng mga nurse sa station ang naghatid sa inyo ultimo pangalan hindi rin sinabi bilin daw un nung babae.
Ni hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Sa pag tulong niya sa inyo.

Pero sino siya ,!? Ung mga kilos niya, pananalita ,at ung mata niya..parang kilala ko siya.. tanda ko rin na may tattoo siya.sambit kuna lang sa isip ko.

Mom, pakikuha naman po ako ng pagkain,nagugutom na po ako,

Oo anak , eto ang lugaw susubuan kita, masarap to niluto ni mommy to..sambit niya saken.

Kumain ako ng kumain para makakuh ulit ng lakas  , kumuha din ako ng prutas at kumain habang naiisip ko parin ung babae..

Anak may problema ba!? Kumakain ka pero tulala ka!? Tanung agad sken ni mommy..

Ahhh wala mom naiisip ko lang po ang nangyari kagabe, nasambit ko na lang ky mommy..

Hayaan muna anak , at balita ko ay nasa hospital na din ang mga karamihan ng nambugbog sa inyo ,naiwika ni mommy.

Tinapos kuna ang pagkain ko, pumunta ako sa banyo para mag ayos ng sarili.. paglabas ko ng banyo andun ang pamilya ni sebastian, kinakausap ang aming mga pamilya nakita ko naman ang dalawa na nakikinig lang.

Pumarito po kami para humingi ng paumanhin sa ginawa ng anak ko , kinukwento niya ang mga ng yari at hindi makapaniwala ang lahat...

Uulitin ko hoh, kami po ay humihingi ng paumanhin. Kami ho ay mag sisipag alis na, sinsirong sabi ng nany ni seb.

Sige hoh, pag galang ni mommy..

Nagsi alisan na namn sila ung mommy at mga grand parent nila pero wala dun ang daddy at sina seb at ash.....

Nagtuloy ako sa paglalakad at dumeretso sa may bintana. Tinanaw ko ang paalis na sasakyan ng pamilya monteverde.

Kaira pov.

Nung nagising ako ,sobrang saket ng katawan ko , nararamdaman ko parin ang hapdi ng aking sugat sa likod ..

Pesteng sebastian un.. sambit ko na lang sa sarili ko.. ang saket tuloy ng katawan ko.. hindi ko akalain na may gang pala ung mga un.. may pa gang gang pa sila ang hihina naman ng katawan, napapangisi kong sambit.

Tumayo na ako at pumunta sa banyo para mag ayos ng sarili , nilinis ko na rin ang sugat ko para hindi mahalata nina nicole at tito , bumaba na rin ako para mag umagahan

Hmmm ang bango ahhh...

Naku ou umupo kana dito at kumain kana tatanghaliin na tayo niyan ehh, sambit ni nicole saken..

Asan si tito!? Tanung ko agad sa kanya..

Wala dito kagabi pa..hindi nga din tumawag ehh ,hindi naman niya ginagawa un ..nag aalala nga ako sa kanya..malumanay niyang sambit.

Wag muna alalahanin un baka may importanteng ginagawa kaya nakalimutan tumawag o magtext man lang..nakangiti kong sabi kay nicole.
Pero ang totoo nag aalala din ako kay tito..

Natapos na kami sa pagkain ni nicole , at nagmadali na kami sa pag pasok. Ilang minuto lang ay nasa parking lot na kami, nakita naman namen ang mga kaibigan niya at sumabay na pagpasok sa loob ng school, habang naglalakad kami panay ang bulungan ng nakakasalubong namen,

Alam nyo na ba ang balita!? Tanung agad ni bianca samen..

Ang alin!? Tanung ko sa kanya.

Ang balita,!?

Ang balita nasa hospital ang tatlo ,sambit naman ni sid,

Bakit inunahan mo ko magsalita, mataray na sabi ni bianca..

Ehhh panu kasi may pabitin bitin ka pa ng kwento dun din naman ang tuloy, sus makapag chismis lang ehh anuh...pagtataray na asar ni sid.

Nagtawanan naman kami lahat...

Uy guys wala naman tayong pasok bukas, bat hindi naten dalawin ang tatlo, sambit naman ni josh...

Ay gusto ko yan, singit agad ni sid..

Oo nga , bibilhan ko ng prutas si tyron.

Ako din kay tom,

Tumingin naman sila saken ng kakaiba,

Ohhh bat kayo nakatingin ng ganyan saken!? Pagtatakang tanung ko..

Hindi mo ba bibilhan ng prutas si miguel!? Tanung ni nicole.

Ohhh bat ko naman bibilhan un!? Close lang ang peg ganun!?... Pagtataray ko sa kanila..

Sus ang bakla nag iinarte na... Hahahaha ...sambit ni sid..

Bilhan muna si miguel , bibilhan namen si tom at tyron, kay miguel.walang magbibigay..

Sige na ,sige na bibilhan ko na..
Pero josh kaw mag dadala nun kaw mag aabot sa kanya at hindi ako... Nasambit ko na lang sa kanila..

Sige sige , para kunyare ako bumili hahahahaha ..... Natatawang sambit ni josh.

Landi!!!!!! Sigaw ni sid..

nagtawanan na lang kami.. nung makapasok kami sa room nagkanya kanya na kami ng upo..
Klase dito ,klase don tas dissmiss.

Ring
Ring
Ring

Uwian na... Naglakad na kami papunta sa parking lot at nagkanya kanya na ng sakay sa sasakyan papunta sa hospital.





See you next week !!! d^_^b
Super thank yoouuuu!!!!❤️❤️
Godbless us all❤️ d^_^b

Please dont forget to
Vote , comment and follow!!!❤️
Thanks a looot! d^_^b

My young lady is an Assassin [ On Going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon