chapter 11

8 0 0
                                    


8:00 am na ako nagising... Naririnig ko na lang ang bunganga ni nicole...

Grabeng bunganga talaga ng babaeng to....iiling iling ko namang sambit.

Dumeretso ako sa banyo para magsepilyo , naligo at nag ayos ng sarili.. nag suot lang ako ng sando at isang jerseng pambabae , kinuha ko naman ang bola ko na nakatago sa ilalim ng higaan..

Ohhh bat ganyan ang suot mo!? Tanung ni nicole...

Hinagis ko lang sa kanya ang bola, at nasambot naman niya agad..

Laro tayo , sambit ko sa kanya.

Hindi ako marunong maglaro ng basketball... Sambit naman ni nicole.

Ganun.. ehh anung alam mo!?

Volleyball, nakangisi niyang sambit..

Kinuha ko na lang ang bola at nagpaalam na maglalaro muna sa court..

Habang naglalakad ako papuntang court , dinidribol ko naman ang bola... Nung makarating ako dun ,marami naglalaro na mga kabataan.. napatingin naman saken ang isang naglalaro..

Oy miss baka nagkakamali ka ng pinuntahan , basketball court to.. natatawang sambit saken nung isang naglalaro.

Hinagis ko ang bola ko sa kanya at niyaya maglaro..

Miss hindi ako naglalaro ng walang pusta,nakangising sambit niya saken.

Sige .... Nakatingin kong tugon.

Tapang ahhh.... Sige miss pag ako nanalo dito ,makikipagdate ka saken.. nakangising sambit niya..

pagnanalo ako!? Tanung ko.

Ikaw kahit ano,tugon saken..

Nginisihan ko siya at sabay sambit na
"Buhay mo kukunin ko"

Yabang mo ahhh ,sige nga tignan naten kung hanggang san ang yabang mo..

Hinagis niya saken ang bola...,pinatalbog ko ang bola at nagdribol papalapit sa court... Nung akmang haharang siya nagfake ako tas ikot sabay  lapag sa ring ng
Blag.. shoooot... 1 point..

Nasa kanya na ang bola nagdridribol , habang binabasa ko ang mukha at pagkilos ng kamay niya ,tumakbo ako papalapit sa kanya binantayan ko bawat kilos ng kamay niya hindi siya makapunta kahit sa malapit sa ring.. ng steal .. naagaw ko ang bola at mabilis na itinakbo sa kabilang ring at  shoooottttttttt...

Ahhh galing mo sigaw nung isang kasama nung lalaki.

Nasa kanya na ulit ang bola at nagdribol. Tumakbo agad siya at naka puntos ng isa...

Ganun ang ginawa namen palitan ng puntos hanggang sa nasa akin ang bola, isang puntos na lang,,,' akin na ang buhay mo' nakangisi kong sambit...

Un ehhh kung makakashoot ka ,nakangisi niyang sambit
Nagdribol ako ,sabay sugod tas balik tas tumira ng fade away  at shoooottttt..

Pano ba yan!? Maangas kong sambit..

Edi sayo na ako!? Tanung niya saken..

Hindi , ang gusto ko lang umalis kayo pag maglalaro ako... Nakangisi kong sambit..

Its a nice game for me ....
Salamat at pinaunlakan mo, nakangisi niyang sambit...

Kinuha ko ang 25k na iniabot saken naglakad na ako papalayo sa kanila.
Kumaway naman ako ng nakatalikod sabay sabing 'SALamat dito ,'
Dumeretso na ako pauwi ...

Dito na ako..sigaw ko.

Nagulat naman si nicole sa dala kong pera.

Ohhhh san galing yan!? Takang tanung nya.

Nakipag pustahan ehh , un natalo..hahaha ako pa ang kinalaban ehh varsity to sa U.S , natatawa kong sambit

Galing naman shopping tayo dali..

Sige mag aayos lang ako..pawis na pawis ako ehh..

Tumaas na ako papunta sa kwarto ,naligo at nag ayos ulit ng sarili. Naka pants  ako na itim na hapit na hapit at nakasando na red..
Pagbaba ko nandun si tito..

Ohhhh san ang punta nyo..!? Tanung niya saken...
Nagyaya po magshopping si nicole..

Ganun ba , ay siya sige mag iingat kayo nakangiting sambit ni tito..

Sige po tito mauna na kami..

Bye dad..sigaw ni nicole.

Sabay na kami sumakay ni nicole.ke pony

Hapit muna tayo pony huh... Sambit ko sa aking kotse..

Pinaandar kuna ang kotse at pinaharurut hanggang sa makarating kami sa isang malapit na mall. Nagtingin tingin ako ng damit at sapatos ,ganun din si nicole nagpasya naman ako na mamili na rin ng groceries namen..nung nakatapos na kami mamili.nagpasya muna kami ng kumain sa isang resto.. umorder lang kami ng isang steak ,salad at juice..
Habang kumakain kami , nahagip naman ng mata ko ang isang babae..

Siya ba yun? Bat nandito siya ? Bulong ko sa sarili , sinundan ko lang naman siya ng tingin hanggang sa makalabas siya sa mall..

Bakit ata hindi niya kasama ang boyfriend niya...pagtataka kong sambit sa isip.

Napagpasyahan na nameng umuwi ni nicole, sandali lang nameng binayahe ang pauwi, nung makarating kami sa bahay  agad naman kinuha ni nicole.ang kanyang mga pinamili at umakyan sa kanyang kwarto , nag aayos ako ng pinamili kong groceries, lumapit saken si tito...

Kaira ija,panimulang sambit ni tito,

Bakit po tito!? Tanung ko sa kanya.

Ija , tumawag ang daddy mo wala ka daw binabalita sa kanya miski na anong information.

Napa buntong hininga na lang ako sabay tingin sa kwarto ni nicole..

Tito!?

Hmmm??

Pano kung sabihin kong ayoko na!?

Anung ayaw muna!? Tanung ni tito.

Tito ayoko ng sundin si daddy , nasasawa na ako sa ganitong buhay... Naluluha kong sambit.

Ija , kilala mo naman ang daddy mo ,masyadong nakakatakot.. at alam mo na tungkulin mo yan ,

Tito hindi ko tungkuling pumatay!? Mahinahon pero may diin na bigkas ko kay tito .. ayoko ng ganitong buhay ,gusto ko lang na simpleng tao lang ako , ung walang ginawa kundi ang magsaya ,makipag kaibigan ,pumasok at magmahal .un lang ang gusto ko tito, naluha kong bigkas sa kanya.

Alam kong nahihirapan ka ija, kami rin ng mommy mo nahihirapan sa sitwasyon mo.. kung maaari nga lang na kunin kana lang ng mommy mo ,kinuha kana niya. Pero alam niya na kapag nagalit ang daddy mo, pati ikaw nasa peligro..naluluhang sambit ni tito..

Ano pa bang magagawa ko , eto ang buhay na binigay saken ehhh , napapailing kong sambit , kumuha naman ako ng sigarilyo at nag sindi ng isa.lumabas muna ako sa bahay para magpahangin....


See you next week !!! d^_^b
Super thank yoouuuu!!!!❤️❤️
Godbless us all❤️ d^_^b

Please dont forget to
Vote , comment and follow!!!❤️
Thanks a looot! d^_^b

My young lady is an Assassin [ On Going ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon