SPECIAL CHAPTER

151 6 6
                                    

-Flashback-

1st Anniversary...

Jungkook's Pov

"Wife, happy first anniversary. Tagal na ren naten noh?" Tanong ko kay Momo, nandito kami sa favorite place namin ngayon, sa park.

Gusto ko'ng baguhin ang mood ng asawa ko. Kanina pa 'to bad mood e.

Parang di masaya na first anniversary namin.

Hindi kasi ako kinakausap kanina pa e.

Tas pag tatanungin ko naman kung anong gusto kainin ang sagot bahala daw ako.

Tinotoyo e.

"Hindi mo pa ko asawa." Oh tamo, bad mood talaga siya e.

"Wife ang tawag ko sa 'yo remember. Makakalimutin talaga 'tong babaeng 'to." Sabi ko at inakbayan siya, nagulat ako kasi irita niyang inalis 'yung kamay ko.

Punyemas, wala naman akong ginagawa dito sa babaeng 'to kanina pa galit.

Nangangamoy away punyeta.

"Ano ba'ng problema mo?" Hindi ko na ren maiwasang mainis dahil kanina pa siya ganyan simula nung sinundo ko siya.

Then kanina ang tagal pa maligo parang tinatamad na makipag kita saken.

"Ikaw nga, ano ba'ng problema mo." Lagi nalang ganito. Binabalik niya saken 'yung tanong.

Para ako nanaman may kasalanan.

Nakakasawa.

"Ayan, ganyanan tayo e. Ibabalik mo saken 'yung problema kahit ikaw naman talaga, kanina mo pa ako hindi kinikibo dito, ni hindi mo nga ako binabati ng happy first anniversary." Sabi ko. Napalingon siya saken at inirapan ako.

Hindi ko maintindihan 'tong babaeng 'to, may toyo na naman.

Magagalit nalang bigla saken ng walang dahilan tapos malalaman ko pag nagkabati na kami na mayroon pala akong nagawa sakanya.

Tsk.

"Tigilan mo ako, naiirita ako." Sabi niya, tignan mo nga naman. Naiirita raw siya.

Naiirita siya?

At baket? Anong dahilan?

Problema ng babaeng 'to masyadong toyoin.

"Ayokong makipag-away Momo, pwede ba tumigil ka nalang?" Huminga ako ng malalim. Napatingin ako sakanya, nakatingin siya saakin ngayon at inis na inis ang hitsura. Tumayo siya at kinuha ang bag niyang hawak ko.

"Uuwi na ko." Sabi niya, maglalakad na sana siya paalis nang hawakan ko ang kamay niya.

Puta, alam ko na kung saan papunta 'tong away na 'to kapag hindi ko 'to inayos ngayon.

Makikipaghiwalay 'to saken.

Inaaway ko 'tong babaeng 'to pero ayokong mawala siya.

Kaya no choice, gagawan ko ng paraan.

Ako naman may kasalanan e.

Lagi naman.

"Bakit ka uuwi?" Tanong ko, pilit niyang inaalis pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Ano ba bumitaw ka nga." Pagpupumilit niya, tumayo ako at niyakap siya, pero tinutulak pa ren ako. "Uuwi na ko ano ba!" Tulak don, tulak dito.

DEAR TADHANA, Bakit hindi ako Crush ng Crush ko?? (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon