PBTYML (season 2) - Episode 18

2.9K 74 5
                                    

~Evelyn Eva Kyla's POV~

"Klya apo!"napabangon ako ng wala sa oras ng marinig ko na may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Anlakas talaga ng boses ni lola Bidang ko dinaeg pa ang lakas na tunog ng alarm clock ko.

Hindi ako nagising sa alarm clock ko kundi sa boses at sa lakas ng katok ng pintuan ko, ganun na talaga ang lola ko.

Papikit-pikit pa ako habang napakamot sa magulo kung buhok at pinahid kupa ang matutuyong laway sa bibig ko.

"La naman eh, ke aga-aga naman"tamad kung salita habang nakapikit with matching kamot ulo, dahil makati na naman ang buhok kung may drundraf, ito kasi ang epikto sa paiba-iba ang ginamit na shampo.

"Apo! bumangon kana dyan at ikay maligo na, late ka na sa school, kapag di kapa bumangon dyan ako mismo magpapaligo sayo bata ka"sermon na naman ng lola ko.

"Oo na po la, maliligo na"tinatamad kung sagot at humiga ulit at natulog, matagal kasi akong natulog kagabi, mga 2:am akong natulog dahil nagtetext at natawagan kami ng babe ko hehe.

*TokTok*

Napalbalingkawas ulit ako ng bangon ng kumatok ulit si Lola kaya agad kung kinuha ang tuwalya at tumakbo patungo sa banyo dahil ayokong si Lola ang magligo sa akin, nako baka hubot hubad akong paliguan ni Lola at walang alinlangang lugurin ang lahat ng dumi sa katawan.

Nagsimula na akong maligo habang nakapikit, ramdam ko na malaki ang eyebags ko sa mata, bukod kasi sa pagtetext sa nobyo ko at pagtetext sa mylabs ko ay nagrereview din ako para kung merong quiz mamaya sa school ay reading ready ako, mahigit isang linggo din kasi akong hindi pumasok dahil sa balikat ko na natamaan ng baril nong muntik na akong kiddnapin, ayaw kasi akong papasukin sa eakwela ng Lolo Erning at Lola Bidang ko dahil delikado pa raw sa kalagayan ko ganun din naman sa kapatid kung epal na si William, pero doon siya sa mansion ng mga Fernando nagpapagaling, ewan ko sa epal nayon nagpapasosyal sa buhay, nandoon kasi ang nanay dahil nagtatrabaho ang nanay ko doon sa mansion ng mga Fernando ganun din ang tatay ko, siya muna daw ang naging assistant/bodyguard ni lord Carlo pansamantala dahil isang buwan na ng file ng leave so tito Hanson at ang dahilan ay hindi ko pa alam, hindi pa ako naka hagalap ng tsismis tungkol sa tito Hanson ko na yun at kapag nakita ko yung taong yun ay sisingilin ko dahil marami na yung utang sa akin, isa din kasi saga ninong ko.

Isang linggo narin ang nakalipas simula nong nasa bar kami kasama ang apat na sina Keven mylabs, kuya Samuel, ate Abigail at pareng Anthon. Enjoy na enjoy ako sa gabing yun dahil kumanta ako sa karaoke at masaya ako dahil maraming natuwa sa akin nong kumanta ako sa harapan ng mga tao, naging back up singer kupa si pareng Anthon ng gabing yun hehe.

Isang linggo rin akong nakakulong sa bahay nato dahil mahigpit ang Lola at Lolo ko, kahit nong sa labas lang ng bahay ay bawal at kapag lalabag ako sa gusto nila ay kakawa ang pwet ko dahil tsetsenilasin nila ako dahil matigas ang ulo ko.

Natapos na akong nagbihis ng uniform, bumaba ako ng hagdan habang nakapikit parin ang mga mata ko kalat pa ang buhok dahil tinamad akong magsuklay.

"Oh apo baka mahulog ka dyan sa hagdan"napamulat ako ng mata nong nagsalita si Lolo, napakamot ako sa buhok ko dahil makati at pumikit ulit.

"Morning Lola Erning, ang gwapo talaga ng Lolo ko"walang gana kung bati sa Lolo ko, inaantok pa talaga ako.

Naramdaman kung may umalalay sa akin pababa ng hagdan kaya napamulat ako.

Obsession Of The Young Mafia Boss (PBTYML-season2 'Keven Gregory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon