Untitled Story Part

45 2 0
                                    

Sabi mo ako lang.

Sabi mo walang iwanan.

Bakit bigla kang nawala?

Mahal mo pa ba ako?

Kasi ako, mahal na mahal parin kita.

★★★★★★

Naramdaman niyo na ba yung nararamdaman ko ngayon? Yung feeling na napagiwanan sa ere? Ang emo ko talaga.

[Bes, nandyan ka pa ba?]

"Oo naman, bes." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko.

[Hay naku, bes. Umiiyak ka nanaman noh? Hannah, wake up. Get it over with.]

"Eh sa mahirap, Pearl eh."

[Hay ewan. Basta magpakasaya ka nalang muna. Hindi yung nagdadrama ka dyan. Alam mo, in moving on, you need to find someone better than that Dylan!]

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Hindi naman masama na magpakasaya ako, di ba?

"The best ka talaga, Pearl! Sige bye na!" Paalam ko sabay pindot ng END sa phone.

Bumaba ako sa kusina para magpaalam kay Mama na pumunta munang park.

"Oh sige. Umuwi ka agad bago magalas-diyes ha?" Tumango nalang ako at lumabas na ng bahay.

Pagdating ko sa park, umupo ako sa may bench, sabay tingin sa langit. Puno ng stars ang langit. Ang ganda!

Nang biglang may dumaang shooting star. Di ba sabi nila puwede kang humiling dito? Gusto ko sanang bumalik sakin si Dylan pero iba ang hiniling ko.

"Sana dumating na ang Mr. Right ko." Bulong ko sa hangin.

Habang nakatingin parin sa langit, di ko namalayang may umupo na pala sa tabi ko.

"Ang ganda ng mga stars noh?" Isang guwapong nilalang ang katabi ko ngayon. Siya na ba, shooting star?

Simula nun, parati na kaming nagkikita sa park. Di naglaon, naging kami ni Bryan. Akala ko talaga siya na. Pero nagkamali ako.

(Flashback)

Naglalakad na ako pauwi. Kakatapos lang ng date namin ni Bryan. Sobrang saya. Nag-insist siya na ihatid ako pauwi. Pero nakakahiya naman, kaya tumanggi ako.

Narinig kong may nag-uusap sa isang tagong parte ng kalsada. Di naman siguro mag-eavesdrop ngayon diba?

"Pre, anong gagawin mo sa babae mo, Hannah ba yon?" Tanong nung lalaki. Teka, ako ba yung 'Hannah' na pinag-uusapan nila? Hindi naman siguro. Madaming Hannah sa mundo.

Nagulat ako nung narinig ko ang boses ni Bryan. "Ginagamit ko lang siya, pre. Pinagseselos ko lang si Tricia para makipagbalikan sakin. Bukas, pre, babalik siya sakin." Alam kong ako nga yung 'Hannah'.

Umuwi akong luhaan. Akala ko siya na. Gianagamit lang pala ako.

(End of Flashback)

Kinabukasan, nung pumunta akong park, agad kong hinarap si Bryan.

"Bry, break na tayo." Sabi ko nang nakatungo.

"Okay." Yun lang ang sagot niya at tumalikod na palayo.

Masakit.

First time kong gamitin. Bakit ba ang saklap ng buhay pag-ibig ko? Ganun na ba talaga ako kasama at hindi ako pinagbibigyan?

Nagstay ako dun sa park hanggang pagdilim. Nakatingin nanaman sa langit. Madami nanamang mga bitwin. Haay. Akala ko magiging totoo yung hiling ko. Mukhang hindi naman.

Bigla nanamang may dumaang shooting star. Hihiling pa ba ako? Kahit labag sa loob ko..

"Sana tuparin mo na ang wish ko. Magbigay ka naman ng sign na siya na talaga. Kahit kulay ng damit niya, kulay itim." Bulong ko sabay buntong hininga.

"Uhm, miss?" Nagulat ako nang may lumitaw na nilalang sa harap ko. Nakakulay itim siyang damit.

"A-ano yon?" Tanong ko habang nagiisip. Shooting star, siya na ba talaga?

"Puwedeng makiupo?" Paalam niya sakin.

"P-puwede." Ano ba dila! Umayos ka!

"Uhm. Lance nga pala. Puwede magkuwento muna ako? Kahit wag ka makinig, okay lang. Hindi naman ako masamang tao. Kasi ganito yun, alam mo bang libing ngayon ng tatay ko. Akala ko dati wala siyang pakialam sakin. Pero nung tumawid kami, at muntikan na akong masagasaan, iniligtas niya ako." Hindi niya na napigilan ang mga luha niya. Kawawa naman siya. "Hindi ko alam na huling pagkikita na namin yun. Kasi pagdating namin sa ospital, sabi ng doctor, dead on arrival na siya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa pagliligtas niya sakin." Hindi ko namalayang niyakap ko na pala siya. Ang saklap ng nangyari sa kanya. Mas masaklap pa sa love life ko.

"Iiyak mo lang yan. Andito lang ako. Di kita iiwan." Ang sinabi ko habang hinahagod ang likod niya.

★★★★★

A/N: Sorry kung bitin. Hayaan na. May part two pa yan. Pabasa po ng story kong DISCOVER THE UNKNOWN. Isingit ko lang sa pagpublish to. Ang galing eh noh? Nagawa pang gumawa ng short one shot. Geh. Bye na! Pabasa ah! Vote din and comment! Kansamnida! (Mga K-pop, tama ba? Di ko alam eh.)

Dear Shooting Star [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon