00

429 13 1
                                    

--
"Attention, students please proceed to the gymnasium at building number 5. Again, please proceed to the gymnasium at building number 5."

"Naku, anak. Mag-ingat ka ah? Skype. Facebook. Tawag ka lang kapag may kailangan ka. Text mo rin ako. Ha anak?" sabi ni Mama habang binigay saakin ang duffel bag ko.

"Yes Ma. Oo naman, magiingat ako. Mamimiss kita Ma." sabi ko at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"Kaya mo yan anak. Ipagpatuloy mo ang good grades ha? Palaging itaas ang kamay kapag participation!" natawa naman ako sa sinabi ni Mama.

"Oo naman. Sige na Ma. Bye!" sabi ko at hinalikan ang pisngi niya and then umalis na kasama ang mga ibang estudyante.

Lumingon ulit ako sa likod at nakita ko na kumakaway saakin si Mama. Kaya naman kumaway rin ako. Umalis na rin siya kasama ang driver.

Tinignan ko ang sign kung saan ang building number 5. It turns out, straight lang naman pala. Nagsimula na rin akong maglakad papunta sa gymnasium.

-
"Grabe ang laki ng gymnasium dito!"

"Kaya nga eh! Ang alam ko, every building may gym, library at malalaking rooms pa!"

Seryoso? EVERY building may ganun? Previous school ko nga isang library lang tas ang liit liit pa. Grabe! Ang yaman naman! Idagdag ko pa ang dormitory rooms. Grabeee!

Ang daming estudyante. "Psst!"

Napatingin naman ako sa kanan ko. May isang babae na nakaupo doon. Tinuro ko ang sarili ko. Tumango naman siya kaya lumapit ako sakanya.

"Wag kang humarang sa daan. Baka mabangga mo pa sila." sabi niya at binaba ang bag niya. Umupo ako sa tabi niya. "Bakit? Sinong sila?" tanong ko ng naibaba ko ang bag ko.

"Ang--"

"Ohemgee! Ayan na sila!"

Napatingin naman ako sa gate ng gymnasium. Nagsitakbuhan ang nga babae papunta doon sa gate at nagsigawan ng iba't ibang pangalan.

"--GOT7." napatingin naman ako sa katabi ko. Nakatingin din siya sakanila.

Ano daw?

"Sila yun?" tanong ko at tinuro sila. Tumango naman siya at tumingin saakin pero binalik rin ang tingin sa mga pitong lalake.

Jusko, pwede pala ang mag kulay sa buhok? May dalawang lalake na nag pink hair (yung isa buong buhok, tas yung isa naman parang highlight.)

"Seriously? Pwede ang ear peircing sa boys?" tanong ko. Tumango naman siya. Grabe! Dalawang lalake ang nag-peircing, yung isa puro sa right ear at sa isa naman both ears at may sumbrero (ang swagger naman ni kuya -__-)

"Pati ang buhok ba ng mga lalake hindi nila ginugupitan?" tanong ko at tumango naman ulit siya. May isa kasi sakanila na ang haba nung bangs, di tuloy kita yung half nung mata. Tas naka-cap din siya.

Lastly, may isa sakanila na nag-red hair. Para siyang swagger na di ki ma-explain. Gwapo? Sobra. Psh. Stop! Lumalandi! >___<

"Hindi halatang sikat sila no---eh sino yan?" tanong ko kasi nakita ko ang red hair dude na may kasamang babae. Ang ganda niyaaaa~

"Ah yan? Si Vanessa yan. Vanessa Rodriguez. Girlfriend siya ni Ethan." sabi niya.

"Ethan?" tanong ko. "Yung sinabihan mo ng red hair." sabi niya at ngumiti.

Nakita ko na umupo na rin sila sa mga pwesto nila. Tatanungin ko sana siya kung sino-sino sila pero bigla na rin dumating ang directors at directresses sa gitna ng gym. Nakinig nalang din ako.

Mr. Jerk's my Roommate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon