Roommate 02

199 10 1
                                    

"Argh! Kainis tong chicken alarm clock! Grr!" inis na sabi ni Maia at kinuha ang phone niya at pinalitan ang alarm tone niya.

Bumangon na siya mula sa kama niya.

"Wala pa rin roommate ko? Tsssk." sabi niya at kinuha ang twalya at dumiretso sa banyo.

-

Nag-video call si Mama kaya maman binaba ko ang suklay ko at sinagot ang tawag.

"Hi Ma!" bati ko habang inaayos ang necktie ko. Kumaway naman sakin si Mama.

"Anak, musta ka naman diyan? Okay lang ba yang kwarto mo?" tumango naman ako. "Masarap humiga sa kama!" sabi ko naman.

"Eh yung kasama mo diyan sa kwarto? Mabait ba?" tanong niya. Napatigil ako sa pag-aayos ng necktie. Hala patay!

"H-Huh?" tanong ko. "Yung kasama mo diyan sa room? Mabait ba? Ipakilala mo sakin oh." sabi niya.

"A-Ah--eh Ma! 'Di pwede!" sigaw ko. Binigyan naman niya ako ng isang nagtatakang istura. "N-Naliligo pa po kasi--baka matakot sakin yun." sabi ko naman.

"M-ma! Una na ako ah? Baka malate po ako!" sabi ko at tumayo na. Bago pa makasagot si Mama ay na-end ko na ang video call. Hoo. Napatingin ako sa kama nung kasama ko. Dapat kasi andito ka na! Tsk.

Kinuha ko na ang bag ko at cellphone bago ako lumabas sa room ko. Dumiretso na ako sa first class ko. Hay, sana talaga, wala doon yung Vanessa na yun. Mas lalo naman yung Ethan na yun. Tsk.

Nang makarating ako sa labas ng room ay agad ko naman tinignan ang list ng magiging kaklase ko. Napangiti naman ako ng makita ko ang pangalan ni Aileene.

Pumasok agad ako sa classroom at hinanap si Aileene. Nakita ko siyang nakaupo sa may gitna kaya naman nilapitan ko kaagad siya.

Nakatutok siya sa libro na binabasa niya. "Huy!" tawag ko kaya naman napatingin siya saakin.

"Uy! Kaklase pala kita!" sabi niya. "Dapat pala pinuntahn kita sa room mo kanina. Sabay sana tayo papunta dito." sabi naman niya. "Di bale, bukas! Bukas ko na gagawin yun! Oh ano na? Dumating na ba yung roommate mo?" tanong niya. Umupo ako sa tabi niya.

Umiling ako. "Eh paano yan? Ang pagkakaalam ko dapat may kasama tayo sa mga rooms." sabi niya. "Ewan ko ba, tska, okay na rin yun! Di ako mahihirapan sa paglilinis." sabi ko at tumawa.

Habang kinukwento saakin ni Aileene ang kasama niya sa room niya ay bigla naman ako nakarinig ng sigaw.

"Ohmygosh! Kaklase natin sila!" napatingin naman ako sa sumigaw. Nakatingin siya sa may pinto. Tumayo naman ako para makita kung sino ang tinutukoy niya. Nagtakbuhan naman ang mga kaklase ko papunta sa pinto.

"Omg! GOT7! Ang gwapo niyo!"

Tinignan ko naman si Aileene. Pati siya napatayo din. Binalik ko ang atensyon ko sa mga sumisigaw. Saka ko lang nakita ang mga pinagkakaguluhan ng lahat.

HALA. GOT7 nga! Unang pumasok ang lalaking nakapink ang buhok. Ngumiti naman siya at kumaway sa mga kaklase namin. Sumunod naman yung lalaking may blue hair--teka? Hindi ba siya yung may pink highlight? Grabe nagpakulay nanaman ng panibagong kulay!

Tinignan ko si Aileene. Para siyang naiirita na galit. Tinignan ko ulit ang nga lalake. May sumunod na dalawa, parehong chinito! Kaso, mas singkit lang talaga yung mga mata nung isa--yung may dalawang peircing bawat tenga. Yung isa naman yung may emo hair tska maayos siyang manamit.

Umupo nalang ako dahil sa hindi ko naman sila kilala. Ilalabas ko sana ang earphones ko ng may nagsalita sa harapan ko.

"Huy! Ikaw yung babae kahapon ah!" sabi nung nakapink ang buhok. Nagulat nalang ako ng ako pala ang kinakausap at tinutukoy niya. "Bryan diba siya yung babae kahapon!" lumapit naman sakanya yung naka blue hair. Tinignan niya ako at tumango.

Mr. Jerk's my Roommate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon