Roommate 05

126 6 0
                                    

Keith's POV

"Keith, mas maganda kung wag mo na i-falsetto ang sa part mo.." sabi nung music producer namin na si Jaden. Siya din ang isa sa mga directors ng school namin. May recording session kasi kami ngayon, irerelease namin ngayon ang acoustic version ng kanta namin, Forever Young.

"I'll be back. Aysuin mo Keith ah?" sabi naman ni Jaden at lumabas na sa studio.

Tumango nalang ako at isinuot ulit ang headphones ang nag-start na ulit yung kanta. Kakanta na sana ako ng may narinig akong isang malakas na tunog. Pagtingin ko ay si Wryne. Mukhang nabad trip siya ah. Ibinaba ko ang headphones ko.

"Ah, Ate, umuwi ka na. Magaalala ang pamilya mo sayo. Sige na, sabihan ko nalang si Sir Jaden." sabi ko ng makalabas ako sa recording room.

"Naku, kailangan na nating tapusin ito. Baka magalit pa si Sir. Mawalan pa ako ng trabaho.." sabi niya pero inunahan ko siya.

"Delikado na kapag umuwi ka ng late. Baka may mangyari pa sayo na masama. Sige na, ako na bahala sayo at kay Sir Jaden." sabi ko at ngumiti sakanya. Ngumiti naman siya at tumayo na para kunin ang bag niya.

 "Bye!" sabi ko at kumaway sakanya. Kumaway naman siya at umalis na sa studio. Kahit magka-edad kami ay ate parin tawag ko kasi nagsisilbi siyang Ate dito sa aming lahat. Oo, nagta-trabahao na siya sa ganyang edad. Kaya nga pinauwi ko na kasi babae, tapos mag-e-eight na, tska magaalala rin ang pamilya niya sakanya.

Umupo naman ako sa sofa na malapit kay Wryne. Nakahiga siya. Napatingin naman ako sa may pinto dahil sunod sunod na pumasok sila JB, Enzo, Nate, Bryan at si Ethan.

As usual, nasa snack bar nanaman sila Nate at Bryan. Sumama naman ako sakanila dahil sa nakaramdam ako ng gutom. Habang kumuha ako ng chips, narinig ko naman si JB na nagsalita.

"Bad trip ka ata, Wryne?" napatingin naman ako kela JB. Umupo ulit ako sa may sofa at nagsalita, "Oo nga. Simula nung dumating ka dito. Yang mukha mo parang nakakamatay na." sabi ko at kumuha ng chips.

"AISH! You know that stupid show? We Are A Couple?—"


"SINAMA KA NILA?!" sabay sabay na tinanong naming lima maliban kay Ethan na nasa dance room, malapit lang din kasi ang dance room namin dito sa music studio. Tumango naman si Wryne na ikinatuwa namin.

"Naks! Hahaha! Ayiie. Kasama ka!" pangasar ko.

"Sino ba partner mo? Chicks ba? As in chicks na chicks?" tanong naman ni Nate at tumawa kaya agad siyang nakakuha ng isang sapak galing kay Wryne.

"Look, I don't care kung cute, o hot pa yang magiging kapartner ko. I will never fall for her kahit anong gawin niya..." sabi niya at nag-walk out sa studio.

Napailing nalang si JB, "Mukhang hindi pa nakaka-move on itong si Wryne ah?" sabi niya na nakangiti. Ininom niya ang hawak niyang bote ng tubig at tumayo na.

"Aalis na ako, pupuntahan ko pa ang tarinee department. Hayst.." sabi niya at kinuha ang bag niya at umalis na sa studio.

"Alright, tara na. Kumain na muna tayo bago umuwi. Bryan, puntahan mo na si Ethan sa dance room. Sabihin mo na aalis na tayo." sabi ni Enzo kaya agad naman sumunod si Bryan. 

**

Maia's POV 

"Ampanget parin nitong Ethan na'toh. Tsk." sabi ko na nakatingin sa mga pictures niya. I really don't understand ano ba ang nakita nila dito kay Ethan. Siguro maiintindihan ko pa kung si Keith o Wryne ito eh. Takte, pero si Ethan?! Mga bulag sila eh. 

Oo, gwapo si Wryne. Inaamin ko. Pero di ko siya gusto noh. Gusto ko siya, pero bilang kaibigan. Yun lang naman eh. 

Nagtataka kayo kung bakit imbis nagbubuklat ako ng mga libro para magaral, ay andito ako kaharap ang computer, right? Wala pa nga kasi kaming mga lesson kaya ayun. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo para mag bubble bath. 

Mr. Jerk's my Roommate?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon