Kabanata 2

5.5K 171 2
                                    

"Jaycelle Cleo Ramirez?" Mula sa pagkakayuko sa aking upuan ay napaangat ako nang marinig ang boses na iyon. "Does anyone know where's Elle?" pag-uulit niya sa pagtanong.

Isang tikhim ang pinakawalan ko nang magsilingunan ang ilan kong kaklase. "What do—." Natigil ako sa pagsasalita nang mapansin ang pagtiim ng kaniyang mga bagang.

"I want to talk to you, in my office." Saglit na kumunot ang noo ko. May kailangan ba kaming pag-usapan?

Tahimik na nilisan ko ang classroom na nagsisimula nang mag-ingay dahil sa hagikhikan ng mga babaeng head over heels kay Indigo.

That guy sucks.

Wala silang mahihita sa lalaking iyon.

Kung pansinin man sila ni Indigo o kaya'y bigyan ng special treatment, I'm very sure that it will be all for fun.

Napapairap na tumapat ako sa harap ng opisina ni Indigo. Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago kumatok ng tatlong beses.

Marahan kong binuksan ang pinto at kunot ang noong pumasok.

"May kailangan po ba kayo sa akin, Sir?" tanong kong binigyang diin ang huling salita.

Napansin ko ang pagdaan ng sari-saring emosyon sa kaniyang mga mata. Pero kaagad rin naman iyong naitago ni Indigo. Napalitan ng seryosong tingin ang mga iyon.

"May kailangan po ba kayo o wala? Nasasayang po ang oras ko." Ayaw ko sanang magtaray dahil nasa school kami, pero di ko mapigilan. Nasasapawan ng inis at galit ang dapat na paggalang ko sa kaniya.

"Rei wants us to have dinner."

"Okay." Walang gana kong sabi bago tumalikod.

Akma na akong lalabas nang muli siyang magsalita. "Hindi ka man lang ba magrereklamo?"

"Hindi..." seryoso kong sabi bago muling tumalikod. "...dahil hindi ako pupunta."

"Elle!"

Hindi ko na pinansin pa ang mababalang tinig ni Indigo. Hindi ako pupunta sa dinner na iyon kahit pa ba kasama namin si Kuya. Hinding-hindi ako papayag na makasamang kumain ang katulad niya.

Malalaki ang hakbang na nilisan ko ang kasumpa-sumpang opisina ni Indigo. Hindi ko yata matatagalan na makasama siya sa iisang silid.

Naaasiwa ako.

Ipinapaalala lang niyon ang mga bagay na dapat ibinabaon na sa limot.

Malakas akong napasinghap nang may malakas na humigit sa braso ko.

Matalim kong tiningnan si Indigo na ngayo'y pinauulanan rin ako ng matatalim na tingin. "What do you want?!" mariin kong angil na lalong ikinatiim ng kaniyang mga bagang.

"Napakatigas ng ulo mo! It was Rei who—."

"I don't care." matigas kong sabi. Malakas kong hinatak ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Pero mali pa lang ginawa ko iyon.

Bigla akong nawalan ng panimbang. Tuloy-tuloy akong napaupo sa lupa. Di ko napigilan ang mapangiwi dahil sa masakit ang pang-upo ko.

"Damn." narinig kong sabi ni Indigo bago ako akmang tutulungan sa pagtayo.

Pero kaagad kong iwinaksi ang kamay niya. Walang ekspresiyong tumayo ako. "I don't need your help." Malamig kong sabi bago taas-noong naglakad paalis.

Mariin akong napapikit nang muling maramdaman ang sakit sa aking balakang.

-

Narito ako sa infirmary.

Wala naman talaga akong balak na pumunta rito. Pero itong si Indigo biglang pumasok sa classroom namin at ipina-excuse ako.

Heartless Sweetheart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon