Kabanata 3

4.9K 147 1
                                    

Halos dalawang oras akong naglagi sa infirmary. Makailang beses ko nang nabilang ang mga bulaklak sa dingding ay saka lamang ako sinabihan ni Nurse Melissa na pwede na akong umuwi.

"Thank you..." mahina kong sabi bago isinuot ang sapatos.

Nagmamadaling nilisan ko ang school infirmary. Ayaw kong maabutan ako ni Indigo roon. Dahil alam kong tototohanin niya ang sabing ihahatid ako pauwi.

Ayaw kong magkaroon ng utang na loob sa lalaking iyon. Ayaw kong magkaroon ulit ng kahit na anong relasyon sa kaniya. Tama nang natapos kami sa relasyong hindi naging maganda para sa aming dalawa.

Napabuga ako ng hangin. Mukhang hindi magiging maganda ang mga araw ko. Hayaan na lang, dalawang buwan na lang ay magtatapos na ako.

"Elle!" malakas na tawag ang nagpalingon sa akin. Humahangos na lumapit sa akin si Cassidy.

"Bakit nandito ka pa? Hindi ba't hanggang alas-tres lang ang klase mo?" kunot ang noong tanong ko.

Napapakamot sa ulong tiningnan lang ako ni Cassidy. "Ikaw, kung hindi pa sinabi sa akin ni Sir Indigo na nasa clinic ka hindi ko pa malalaman. Ano bang nangyari sayo?"

"Ayos lang ako, natumba lang, oa lang talaga si Indigo." mahina kong sabi bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Mabuti naman, siya nga pala, mauuna na ako, alam mo namang marami pa akong inaasikaso sa bahay."

"Ang sabihin mo, makikipagharutan ka lang kay Sir Brick. Sige na, umalis ka na, baka magbago pa ang isip ko." pataray kong sabi. Mabilis naman akong hinalikan ni Cassidy sa pisngi bago ito umalis.

Saglit akong huminga ng malalim bago muling naglakad. Gusto ko sanang magpasundo kay Kuya Rei, pero baka pilitin naman ako nitong magdinner kasama ang Indigo na iyon.

No way.

Iyon ang kahuli-hulihang gagawin ko. Hangga't maaari'y iiwas ako. Magalit na silang lahat sa akin, hindi niyon maaalis ang galit ko para kay Indigo.

Isang taxi ang pinara ko. Kaagad akong nagpahatid sa mall. Maaga pa naman, gusto kong bumili ng panibagong libro.

Tahimik na nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Maya-maya'y unti-unting pumatak ang ulan. Wala akong nagawa kundi ang mapapikit. At isang pagkakamaling ginawa ko iyon. Muli na naman akong nilunod ng mga alaalang naging bangungot ko sa loob ng mga taong puro galit at poot ang namamahay sa aking dibdib.

----

"Elle, baby..." mahinang bulong sa akin ni Indigo. Nasa likod bahay ako. Malalim ang gabi at unti-unting bumubuhos ang ulan.

Muli kong tinungga ang bote ng alak. Gusto kong makalimot. Napakasakit na iniwan na kami ni Lola. Ngayon, kami na lang ni Kuya ang magkasama sa bahay. Si Mommy at Daddy kasi ay nasa ibang bansa. Mas pinili ng mga itong doon makalimot.

"Hey, baby..." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Indigo, baka makita tayo ni Kuya." Pagpapaalala ko sa kaniya. Kaagad akong tumayo at naglakad papasok.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagkahilo dahil sa espiritu ng alak. Nilalamig na rin ako dahil sa pagkakabasa ko sa ulan.

Tahimik na pumasok ako sa kuwarto. Wala ang mga katulong namin. Binigyan sila ni Mommy ng bakasyon. Si Kuya naman baka madaling araw na iyong umuwi. Inaabala ang sarili sa mga naiwang negosyo ni Daddy.

Mabuti pa sila may mga pinagkakaabalahan, samantalang ako, heto at nilulunod ang sarili sa alak para makalimot.

"Elle, that's enough, lasing ka na." sabi ni Indigo bago kinuha sa akin ang bote.

Heartless Sweetheart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon