(page 1-f)

246 7 0
                                    

[ Flashback ]

 PAK!

TUGS!

WAPAK!

SHHH!

TUGS!

BOG!

Ayun, tumba lahat ng batang lalaki.

~Mas mukhang lalaki pa sya kung lumaban sa kanila.~

At yung mga kilos nya, madalas ko lang makita yun kapag naglalaro kami ng play station, with wrestling match.

"Palakpakan!

Ang galing galing talaga ng best friend ko.

BEST na BEST talaga sya.

YEHEY!", masayang-masaya ako at pinagmamalaki ko sa mga batang nasa playground yung best friend kong si Aiden.

Kaya lang …

"Aray!", hinampas pa ako ni Aiden sa ulo, hindi naman masyadong malakas.

Hindi daw kasi ako lumaban sa mga yun.

"Tumayo ka na nga dyan! Umuwi na tayo!" - Aiden.

Sinubukan kong tumayo, pero muntik na akong matumba.

Kaya lang ...

Bigla na lang hinawakan ni Aiden yung braso ko ang pina-ikot sa balikat nya.

Then, inaakay nya na ako pauwi sa bahay.

"Marco, sa susunod nga, lumaban ka naman.

Tsaka, 'wag kang papayag na tawagin ka nilang bakla. Hindi naman yun totoo eh.

Tsaka, hindi sa lahat ng oras nasa tabi mo ko, at handang ipagtanggol ka.

Ano ka ba?!

Kapag nalaman nila Mommy at Tita, na inaaway ka ng mga batang yun, at huwag naman sanang malaman pa nila na …

Inaaway ko, ako mismo ang lumalaban sa mga batang yun. Naku, baka kung ano pa gawin nila.

Buti na nga lang, matalino ako at nakakagawa ako ng mga palusot dahil dyan sa kalagayan mo.

Last year, five years old tayo nun, one year pa lang tayong magkakilala pero ginawa mo na akong bodyguard mo.

Ang sama mo nga eh. After ng ika-5th birthday mo nun, napag-tripan ka na naman awayin ng mga batang kalye. Buti nandun ako, at ako ang umaway sa kanila.

Nakaharang kasi sila sa daan habang nagba-bike tayo eh. Pero anong ginawa mo? Nagpatalisod ka dun, ayan, subsob yan mukha mo sa semento.

Sa inis ko, natadyakan ko yung mga yun, at nasuntok ko pa ata yung iba. Ewan! Basta ang alam lang nila Mommy ko at ng Mommy mo na …" - Aiden.

Napatigil sa pagsasalita si Aiden, nasa harap na kasi kami ng bahay.

Clik.

 Sakto pang may hawak na camera sila Mommy.

Clik.

~Kanina lang, yung mga batang pasaway, ngayon, yung mga matatanda naman. Ngek~

"Ahh … ang sweet nyo naman talaga oh. I take some pictures of you.

Wait, Aiden, what's happen?", sabi ni Mommy kay Aiden.

Bigla kasing umiyak si Aiden.

Hindi nya pa rin ako binibitawan kahit umiiyak na sya. Then, nakita nila Mommy yung sugat ko sa binti.

"Mommy, Tita Rose, may umaway po samin kanina sa playground.

Huhuhu. (T_T)

Pinagtanggol lang po ako ni Marco, kaya po sya nasugatan.

Kasalanan ko po kung bakit nangyari 'to sa kanya. Sorry po. Huhuhu. Sorry po." - Aiden.

"Ai … bakit naman?", binulungan ko lang si Aiden.

[ End of Flashback ]

That was the time, na paulit-ulit na lamang akong pinagtatanggol ng best friend kong babae sa mga batang kalye na umaaway sa'kin. Tampulan kasi ako ng pansin noon, until now ata. Kasi naman, one of the richest family sa subdivision plus may kasama pa akong wonderwoman ng MARAIDENCO playground.

~Namimiss ko ang place na yun, lalo na kung hindi ko sya kasama pagpumupunta ako dun mag-isa.~

Nakakapagtaka kung bakit ganun na naman ulit yung sinabi nya.

Na naman ulit, kasi yung sinasabi nya nung mga bata pa kami na …

Ako yung nagtanggol sa kanya, which is, wrong.

Kaya ako nagkasugat palagi, kasi nilabanan ko yung umaway samin, which is, hindi naman yun yung dahilan ng sugat ko.

Haist. Ewan ko ba?!

That was another, dramatic scene with my BEST FRIEND.

INSTANT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon