(page 1-i)

199 7 0
                                    

[ Flashback ]

My 12th birthday … five seconds to go … five … four … three … two … one …

Ring ring.

Nag-ring yung telephone dito sa kwarto ko. Inabot ko yun sa right side ng king size bed ko.

"HAPPY BIRTHDAY BIRTHDAY HAPPY to my dearest MARCO.

Wish ko para sa'yo, wag kang magbabago.

Lahat ng sinasabi ko sa'yo, wag mong kakalimutan.

Magpakabait ka at maging matapang.

Wag mo na silang hayaan pa na tawagin kang bakla. Naiinis ako kapag ganun.

Tsaka nga pala, pumayag na ulit sila Mommy at Daddy na maghapon at hanggang mamayang gabi, nandyan ako sa inyo. Dyan ulit ako matutulog hah. Kaya maglinis ka na habang wala pa ko.

Dahil, ako na muli ang magkakalat sa kwarto mo. ~wahahaha~

May gift ako sa'yo.

Kakainin natin yun, mamaya na, kaya wag kang excited.

Sige sige, good night loving Marco.

Wait mo ko hah." - Aiden.

Tooooootttt …

Dial off.

~Naman 'to si Aiden, hindi man lang ako pinagsalita bago nya binaba yung phone.~

Well, masaya naman si ako, tinawagan nya kasi ako, para i-greet ng ganun.

~Don't worry, my lady …

I always remember those things …

Baka ikaw 'tong makalimot. I wish not.

Good night na din. Sweet dreams.

[ End of Flashback ]

 I remember that.

Yung huling birthday ko kasama sya.

That was my 12th birthday.

Maghapon namin ginawa ang lahat ng bagay na magpapasaya saming dalawa.

Ang paglalaro ng play station, wresting match sa computer, pares-pares o unggoy-unggoyan, taguan, habulan, at iba pa.

Sa sobrang dami, hindi ko namalayan na gabing-gabi na at nandun pa rin kaming dalawa sa kwarto ko, nagbi-vidioke.

Pass, one  in the morning ata yun, nung kinakain namin yung gift nya sa'kin.

Chocolate ice cream with mango float. ~hehehe~

And that was my last birthday na kasama ko sya.

Hindi ko alam kung paano nangyari yun.

Basta alam ko, wala na sya paggising ko.

INSTANT GIRLFRIENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon