Chapter 1
Seven years passed at ngayon ay 16 years old na ako and currently studying at Hill Crane Academy as a Junior High student. I was only nine back then when my foster parents saw and saved me. I'm still thankful to them kasi wala ako dito ngayon if not for them. Who knows kung maka-survive ako that night dahil ang kwento sa akin ni Daddy ay sakto after nila ako makuha ay biglang nagkaroon ng malakas na bagyo noong gabing iyon. Surely I won't survive kasi sabi nga nila wala akong malay noong gabing iyon.
So pitong taon na ang nakalilipas simula nung gabing iyon, and sadly, namatay si Mommy three years ago dahil sa sakit sa lungs. Well that was according to the doctor. I, for one ay hindi naniwala doon. I mean, I was with her almost every time maliban na lang kung nasa school ako. And there was nothing wrong with her, bigla na lang bumagsak ang katawan niya one day and she was experiencing a different kind of pain. And then after a month ay sumuko na siya, leaving the two of us. Pero binilin niya na huwag kaming malugmok sa kalungkutan, and up until now, we're trying our best to be happy.
So much about my tragic past, nandito ako ngayon sa school naglalakad papuntang classroom. It's still too early pero nakasanayan ko nang pumasok ng maaga, besides my two best friends are also early birds kaya hindi ako nag-iisa. There's still about one and a half hours before the class starts at nung makarating ako sa classroom naming ay iniwan ko lang ang mga gamit ko sa desk ko at muling lumabas.
I headed to the school garden, at on the way ay may mga nakakasalubong na akong mga fellow students and some teachers na papasok. We greeted each other as we passed by, my father by the way, is one of the executives of this school kaya the ones who knows me shows respect when they see me. Medyo nakaka-ilang pero nasasanay na lang ako, naggi-greet back din naman ako baka kasi sabihin or isipin nila na mayabang ako.
I'm also an over achiever kaya one year ahead ako, meaning I'm the youngest in my class. Hindi talaga pwede yung mag-advance dahil sa age, but since nai-pakita ko naman sa kanila and as I've said that my father is an executive ay nai-lusot at pinayagan akong mag-advance. And there, nakilala ko ang dalawa kong best friends.
Noong nakarating ako sa garden ay dumiretso ako sa usual spot ko. The garden is behind the school at kapag nag-explore ka pa further ay gubat na ito, bawal actually pumunta sa part na iyon, but we have the urge to break rules right? Kaya I'm here. This spot has unusual trees, dalawang puno ito na yung mga sanga ay nag-form na parang arch. May kakapalan ang mga sangang ito and it's climbable.
Nung naka-akyat na ako ay humiga ako sa sanga, the best thing about this spot is wala ka halos maririnig na ingay except sa kaluskos ng mga dahon every time na iihip ang hangin. This is the definition of relaxation for me. And as soon as maka-pwesto ako ng maayos ay agad akong nakaramdam ng antok. I reached for my phone to set an alarm 10 minutes before my first class.
I closed my eyes and felt the cold breeze softly blowing my skin.
'''
Nakaramdam ako ng mahinang pag-alog sa puno kaya ay instantly opened my eyes para tingnan kung ano ang nagca-cause dito. And there I saw two human-like figures, medyo mataas ang puno at nanla-labo pa ang paningin ko dahil medyo naka-tulog ako kaya silhouette lang nila ang naa-aninag ko.
I rubbed my eyes para makita kung kaninong silhouette iyon ay when I did, nakita ko si Aerie at Rexter, they were the best friends I was talking about earlier.
Tatawagin ko sana sila, but I saw that they were arguing. I tried to listen, I know hindi tama ang ginagawa kong pakikinig sa usapan nila. But I have this feeling that I have to. So I tried.
They kept arguing about something na hindi ko maintindihan. They did it for a while, until Aerie started saying some words that seemed from another language, para siyang nagcha-chant ng words.
BINABASA MO ANG
Archaic World (Revising)
FantasyArchaic World~ a world that is filled with magic or so called charm.