Chapter 3

24.3K 861 12
                                    

Chapter 3

Nandito kami ngayon sa assessment room ng school, hindi para i-assess ako. Hindi ko pa nadi-discover kung ano ang charm ko. Sadly, hindi iyon nagpakita o nagparamdam man lang sa akin habang tulog ako kagabi.

"You need to focus on your inner self."

Ang instruction sa akin ng Headmaster is to focus and try to connect my mind and soul. Charm is a part of the soul and it is possible na parang na-hibernate or na-set to sleep mode daw ang charm ko when I was young kaya hindi ko ito magamit.

Pinikit ko ang mga mata ko at nag-concentrate.

"Empty your mind, release your thoughts."

Easier said than done.

Mahirap i-let go ang mga thoughts ko and my mind is still full of questions.

Ini-focus ko ang attention ko sa darkness na nakikita ko.

I inhaled deeply, then let go.

Inulit ko lang ang malalim na paghinga ko hanggang sa naramdaman ko na my consciousness is slowly fading at may something warm na nanggagaling sa core ko. It was soothing at first, pero kalaunan ay umi-init na ito to the point na I feel my inners burning.

Sumigaw ako, I can't help but scream.

Para akong sasabog.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin. Pero nasasaktan ako.

Hindi ko na alam kung ano ang ginagawa ko.

I'm out of control.

Hanggang sa wala na ako halos maramdaman,

My body and mind gave in.

'''

Nagising akong naghahabol ng hininga at uhaw na uhaw.

I'm back here in the infirmary, and according to the Headmaster ay nawalan daw ako ng malay in the midst of my concentration.

I still remember the feeling bago ako mawalan ng malay.

It was unnatural.

Does this mean na may charm ako? I mean, it felt like it.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Aerie habang umiinom ako ng tubig.

She rushed in here after being called by the Headmaster.

Tumango ako, "Yes, pero uhaw na uhaw na uhaw ako!" sagot ko at muling uminom ng tubig.

"Pang apat na pitsel mo na yan," she stated.

I didn't care; I need to relinquish my thirst. Char char lang sa English.

"Nga pala, while you were unconscious the Headmaster told me na ifi-fill up niya na daw assessment form mo and you'll get your ID number and schedule."

"Does it mean"—Yes! You're an official student!" pagpuputol sa akin ni Aerie.

Being an official student isn't what excites me. What excites me is that I have a Charm! Who wouldn't be excited naman diba if you discovered na may magic ka. I mean, everyone wishes they have an extraordinary or super power.

"Ano daw ang Charm ko?" I excitedly asked na ikina-"Ha?" niya.

"Ano daw ang Charm ko? Hindi ba sinabi sa iyo ng Headmaster?" ulit kong tanong.

"What do you mean?"

"Uh. duh?"

"I mean, hindi mo alam?" this time ako naman ang napa-"Ha?"

Archaic World (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon