Dear Papa

41 1 0
                                    

Galit ako sayo. Alam mo ba 'yon? Sana naman aware ka.

5 taong gulang pa lang ako nung iniwan mo kami. Tagal mong nawala kasi nadun ka sa kabit mo.

Ni minsan ba, inisip mo man lang na may mga anak ka pa?

Nandun ka, nagpapaka saya kasama ung kabit mo. Habang si mama iniwan mong buntis.

Bakit pa nabuhay ung mga gagong katulad mo?

Sa murang edad, natutunan kong intindihin ung sitwasyon. Tinatak ko sa isip ko na di ka na babalik. Na wala na kong tatay..

Nasasaktan ako..

Pero alam ko na mas nasasaktan sya.

Lagi kong naririnig si mama na umiiyak tuwing gabi. Pero kahit na ganun, lagi nyang sinasabi samin na wag kaming magalit sayo. Kasi kahit ano daw mangyari, tatay pa rin naman daw namin ikaw.

Maswerte ka kasi kahit ganto lang si mama, tinanggap ka parin nya sa kabila ng lahat ng ginawa mo at ng pamilya mo sakanya.

Naaawa na nga ako sakanya eh. Kasi di nya deserve tong lahat na to. She dont deserve a bullshit like you.

Di moko masisisi kung wala na akong respeto sayo ngayon. Bakit, ni minsan ba nirespeto mo kami? Kahit bilang tao man lang?

Bumalik ka lang samin kasi may cancer ka na.

Masaya na nung wala ka eh. Okay na kahit kaming tatlo lang nila mama tsaka nung kapatid ko. Masaya na kami. Nasanay na kaming wala ka.

Pero bakit bumalik ka pa?

Bumalik ka para pahirapan lang ulit si mama. Kami.

Naiinis ako sayo. Kung makautos ka, akala mo kung sino. Pati si mama inuutos utusan mo lang.

Sana naman maisip mo na kapag galing kayo sa biyahe, wag ka nang magpamasahe sakanya. Laging mong dinadahilan na pagod ka. Bakit, sya ba hindi?

Tapos ung kapatid ko, ginagawa mo syang uto uto. Tapos sinisigawan mo pa kapag di ka sinusunod. Okay lang sana kung ako lang eh. Pero dinamay mo pa kapatid ko.

Gusto kong sabihin sayo na Unang una, wala kang karapatan gawin un dahil di ka naman ang nagpalaki samin.

Naalala mo pa ba nung tinapon mo ung mga gamit ko sa labas ng bahay kasi bumaba ang marka ko? Ang sarap mong sagot sagutin noon eh. Gusto kong isumbat sayo lahat. Na wala kang karapatan itapon gamit ko kasi di ka namn bumili nun. Na di ka naman ung nagpaka puyat para lang balutin ung mga libro ko. Na di ka naman makakatulong kung kukurotin, papaluin ng ruler at sisigaw sigawan mo lang ako. Na nagpakahirap si mama magtrabaho para mabilhan kami ng mga gamit dahil wala ka para gawin un.

Kahit na ganyan ka, di ko parin maiwasan na mamiss ung mga araw na ung inaabangan pa kita sa harap ng bahay kasi hinihintay ka galing trabaho. Tapos kakargahin moko habang hinihingi ko sayo ung pasalubong mong laruan at pagkain sakin.

Naalala mo pa ba nung binili moko ng aso nung bata pa ko? Jancy ang pinangalan ko sakanya. Tuwang tuwa ako nun kasi may kalaro nako. Di na nga ako kumakain ng maayos nun kasi tinitira ko para dun sa aso.

Naalala mo rn ba nung nasagasaan si jancy ng tricycle? Inaway mo ung driver nung tricycle noon. Habang ako, iyak ng iyak.

Lagi mo saking sinasabi nun na bibili mo nalang ako ng bago. Nagulat nlang ako nung Umuwi ka nun ng galing sa trabaho na may dalang pusa. Napulot mo lng nga ata un eh. Sabi mo kasi, wala kang budget pang bili ng isa pang aso.

Di pako nakapasok ng ilang araw nun sa school dahil inatake ako ng asthma.

Di ko alam kung anong nangyari sayo. Bigla nalang nagbago lahat. Iniwan mo kami.

Alam mo ba kung ano naramdaman ko? Araw araw sa school, naiinggit ako kasi nakikita ko ung mga estudyante na hinahatid sila ng tatay nila. Buti pa sila, hinahatid sila ng tatay nila. Ako kaya, kailan ko kaya mararanasan yun?

Kapag family day namin sa school, di ko maiwasan tumingin dun sa mga kaklase ko.

Naiinggit ako sakanila kasi kumpleto sila. Kami, hindi. Minsan, di nalang ako pumapasok kapag may okasyon sa school tulad ng family day. Nagdadahilan ako kay mama na masama pakiramdam ko kahit alam ko naman na alam nya ung totoo. Na ayaw ko lang pumasok kasi Maiinggit lang ako.

Natuto akong magtanim ng galit sayo. Naiinis ako sayo. Naiinis ako kapag nakikita kita.

Pero pinilit kong kalimutan lahat ng un. Hindi para sayo, kundi para kay mama.

And now, I hate you. I really hate you.

Okay na eh. Okay na sana. Natanggap na ulit kita.

Pero nagpaka gago ka ulit.

Grabe naman. Pati ung bestfriend ng mama ko, pinatos mo pa? May sakit ka na nga't lahat lahat, nagagawa mo pang lumandi.

Alam mo ba kung ano nararamdaman ko? Nanginginig ako sa galit.

Diba sabi mo, tulungan ka namin? Na mag tulungan tayo na maibalik ang lahat sa dati? Pero anong katangahan nanaman ginawa mo? Mas lalo lang akong nagalit sayo.

Di ko alam kung anong pinakain mo kay mama at pinatawad nya parin ikaw. Di ko alam kung bakit binabale wala nya nlng lahat ng ginawa mo sakanya. Siguro dahil narin sa mahal ka nya.

Masaya ako kasi alam kong masaya na sya ngayon. Ang swerte mo. Sana naman magbago kna. Kahit hindi na para sa saamin. Para nalang sa sarili mo at para narin kay mama.

Mahal ka nya ng sobra kaya nya nakakaya tong lahat ng to. Sana naman mahalin mo rin sya ng tama para naman may magawa kang tama kahit kaunti man lang habang nabubuhay kapa.

Ikaw ung inaasahan kong magpapagaya sa kapatid ko kung pano maging responsable at matinong ama pag laki nya. Pero ano tong ginagawa mo?

Mahal kita papa. To the point na parang gusto ko nalang saktan sarili ko kapag sinasabi nila na kamukha kita. Dejoke lang. Seryoso, mahal kita papa. Pero dahil jan sa mga kagaguhan mo, malayo na nga ang loob ko sayo, nawalan pako ng respeto sayo.

Salamat sa lahat. Alam ko di ako mabubuhay kung wala ka, Kahit minsan iniisip ko na sana di nalang ako nabuhay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear PapaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon