Just a Small Skit

15 1 0
                                    

Napangiti na lang si Stephanie, sabay sunod kay Jovan na naglalaro sa ulanan.

Parang batang paslit pa lamang kung magsayawan sila sa daan. Damang-dama ang kaligayahang kay tagal nang nakaligtaan.

Malapit na sila sa bahay nang mapansin ni Jovan na nilalamig na si Stephanie kaya't niyakap niya ito.

"Ok ka lang, Stephanie?" tanong ni Jovan.

"Ok lang naman ako. Salamat ha." tugon ni Stephanie.

Bigla-bigla na lang ay may nasambit siya sa kanyang isip. Sabay patak ng mga luha ng panghihinayang.

"Bakit kasi ikaw pa? Sana'y araw-araw umuulan para kahit man lang sa ulan ay makasama kita ng walang ilangan. Kung bakit kasi naging asawa ng Daddy mo ang Ate ko! Sayang....sa tuwing umuulan ko na lang ilalabas ang luha ng naunsyaming pag-ibig ko sa'yo."

Hmmmm...bitin ba!? 😝😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon