Inipon nya ang kanyang tapang para harapin ang unang hamon ngayong gabi. Halos tumindig ang lahat ng kanyang balahibo habang iniisip pa lang ang sunod na dapat nyang gawin. Gayunpaman, humakbang sya pasulong, hinawakan ang makinis na bakal at pinihit ito.
Anlamig puta! Isip ni Jen. March 5 na pero makapangisay buto pa rin ang tubig galing sa shower nya. Na-immune man sya sa araw araw na epekto ng pag-inom ng kape, siguradong gulat at gising agad sya sa bawat unang saboy ng mala-yelong tubig sa kanyang balat.
Pero alam nyang mabuti na rin yung ganon. Yung lamig madaling tiisin-lilipas agad-pero yung papel na matatanggap nya galing HR pag nalate sya, tatlong buwan bago mawala sa record nya. And she can't afford that.
Lalo na ngayon. Bagong lipat sya. Lahat ng mga mata nakabantay sa fresh, new, externally hired Team leader ng Icontact Global. Gotta be a good example, gotta be there for my team, gotta look good for the management, at higit sa lahat, sayang attendance bonus kung mala-late siya.
3k din yun. Di na masama. Malaking tulong ngayong mag-isa na sya sa bahay. Gano na nga ba katagal? Nung umalis sya? Shit... Agad nyang pinreno ang kanyang train of thought. Pinigilan nyang mag-isip at baka umabot pa sa regret station, o sa pain terminal, o pag minalas eh masiraan at tumambay na sa may kanto ng iyakan at broken.
It's too late though. Nakaalis na ang tren. Bawat usad into, isang ala-ala ng tawanan during dinner dates o text ng kabit ni ex. Alin man sa dalawa, siguradong sapat na para padilimin ang paligid ng kanyang paningin, pabilisin ang tibok ng pagod nyang puso at palakasin ang mga boses na ayaw na nyang marinig.
Mas malala pa nga nung mga unang buwan. Halos bangungutin sya ng gising sa sobrang sakit na nadarama nya. Ngayon, sa tulong lang ng isang tableta, pawi agad ang aray.
Kaya nga di sya nagmadali. Kinakapos man sya ng hininga, pakiramdam nya man na lumalapit ang mga pader ng banyo nya at bumubulong sa kanya ang mga anino, kalmado nyang binuksan ang medicine cabinet, kinuha ang isang maliit na orange container, binuksan ito at... Fuck.
Ubos na ang tableta, ang literal nyang happy pill. Yosi na lang, utos nya sa sarili. Umupo sya sa puting trono sabay sindi. Usok na lang ang ipangtataboy nya sa bad vibes, sa parusang dala ng pag-alala sa walang kwentang lalaking yon. Tiis muna, at baka di sya umabot on time pag bumili pa sya ng gamot ngayon.
Kaya't kahit badtrip, sige toothbrush, bihis at makeup agad si Jen matapos maligo. Humarap sya sa salamin para siguraduhing maayos ang kanyang itsura bago pumuntang office. Suot nya, blue dress na may Aztec print. Formal-but flattering-perfect na pang start ng linggo with it's smart yet sexy design. Natuwa sya at kasya na ulit ito sa kanya. Worth it yung diet, she guessed. Isa sa mga kaunting good things na dulot ng breakup nila ay ang pagbalik ng dati nyang hubog.
Ootd, check. No makeup-makeup, check. Sunod, contacts o glasses? Inabot nya ang paborito nyang brown contacts at inilapat ito, sabay project sa salamin. It's his loss not mine, huling bulong nya sa sarili bago umalis papuntang trabaho.
-----
Wala pang isang oras ay nakarating na si Jen sa Makati. Isa sa mga perks ng graveyard shift ay ang maka-iwas sa malubhang traffic sa may EDSA. Saglit na byahe, lalo na't lagi syang naka-Grab. Sana enough na yung saglit para mabura yung badtrip na nakapinta sa mukha ko, hiling nya.
BINABASA MO ANG
Kwento ng mga BROKEN
General FictionAfter a bad breakup, desidido si Jen na ayusin ang kanyang buhay. Halos isang taon na ang lumipas, at para bang kalahati na ng kanyang pagkatao ang nakakapag-move on. Pero, sa ilang mga minsan na sya'y mag-isa, meron pa ring mga anino ng kalungkutan...