Racer

15 1 0
                                    


Note : Before you proceed, please take time to read the "story info" first for the details of this published story.

***************************************************************************************

Ilang taon na din ang nakalipas noong mangyari itong kakaibang karanasan namin sa isang daanan sa Tarlac. Kung kayo ay pamilyar o napadaan sa highway na ito sa pagitan ng bayan ng Tarlac, Tarlac at Camiling, Tarlac na kung saan ang kalsada ay sobrang dilim at may mga kalayuan ang kabahayan mula sa highway at ang tanging maamoy mo lamang tuwing umiihip ang hangin ay ang amoy ng dumi ng baboy sa mga karatig na babuyan.

Kami ay pauwi ng Pangasinan ng mga panahong iyon at naabutan na kami ng gabi sa daan galing Pampanga na kung saan kami'y naghatid sa dati kong kasintahan.
Ang mga kasama ko sa sasakyan noon ay ang aking kapatid na lalaki na tawagin nalang nating Tong (driver) at dalawang pinsang babae (they both have third eyes, one is stronger than the other when alone, but having two together in one place influences the others ability), samantalang ako ay malakas makaramdam ng kakaiba sa paligid.

Alas 9 ng gabi Habang palabas palang kami sa bayan ng Tarlac, Tarlac, pagbaba ng tulay sa di kalayuan ay may naaaninagan ang aking pinsang babae na matatakutin na si Cha (weaker third eye) samantalang si Len na mas malakas ang kakayahan ay tahimik lang.

CHA: Magbagal ka at may nagtatrabaho sa center island ng kalsada, naglilinis yata ng damo baka mabangga mo.
Si Tong napatingin sakin ng may halong pagtataka.
AKO: Ha? Saan, wala naman. Pinagloloko mo naman kami
(sa panahong ito medyo umakyat ang kilabot sa aking braso papuntang batok pero patay malisya lang).
Ang dilim-dilim sinong sira ulo ang magbubunot ng damo nang ganitong oras na walang ilaw saka wala namang tao sa sinasabi mong lugar."

Nanahimik si Cha na parang kinakabahan, binalewala nalang namin ang pangyayari at tuloy na binaybay ang daan ng Tarlac papuntang Pangasinan nang mga bandang alas 10 ng gabi nang mapansin kong nandito na pala kami sa lugar na medyo alanganin ako.
Wala kang gaanong maaninag sa labas kundi ang mga magkakasunod at nagsisilakihang puno ng acacia na animo'y mga guwardiyang nakatayo sa gilid ng daan na nakabantay sa mga dumaraang sasakyan.
Sa pagkakataong ito'y kami nalang ang sasakyang bumabagtas sa madilim na daanan. Wari'y may kung anung pakiramdam ang hindi ko maipaliwanag dahil ako'y di mapakali at kabado sa mga oras na yun marahil na rin sa sobrang dilim ng paligid maliban nalang sa ilaw ng aming sasakyan.

Naglalaro sa aking imahinasyon na kung sakaling may maglagay ng malaking kahoy sa daan at kami'y mapilitang huminto, baka biglang may tututok ng baril at magdedeklara mg hold-up at kahit anong sigaw mo ay walang makakarinig sayo sa layo ng mga kabahayan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang biglang nagsalita si Len na paunahin na daw namin ang sasakyang kanina pa nakasunod samin at nakatutok sa likod na sya namang sinang-ayunan ni Cha kasi daw delikado at mukhang nagmamadali at kanina pa nagrerebolusyon ang makina na animo'y naghahamon ng karera.
Napatingin ako sa side mirror at saka ko lamang napansin ang dalawang ilaw na nakatutok sa aming likuran na animo'y ilang dipa na lamang ang layo. Ako'y nagtaka dahil kanina wala naman akong napansing ilaw na nakabuntot pero sinabihan ko na din ang aking kapatid na paunahin nalang.

Napatingin sakin si Tong na may halong pagtataka pero sumunod at nagbagal pa din ito sa pagpapatakbo nang biglang napasigaw si Cha nang "Ayan na sya!" at si Len ay napasigaw at napayuko nalang na animo'y nag-aantay na may babangga sa likuran namin. Samantalang ako napatingin sa kabilang lane nag-aantay ng may mag-o-overtake ngunit walang sasakyang lumampas o ilaw na kanina'y tanaw ko sa side mirror.
Ako'y napaisip baka nasiraan sa daan at ito'y napahinto na lamang at balak ko sanang balikan kasi delikado sa daan na yun lalo na't sobrang dilim at nangangailangan sila ng tulong, ngunit biglang nagsalita si Len na idiretso lang daw ang pagmamaneho.

Nang nakalampas na kami sa madilim na bahagi ng highway, di ko napigilang di magtanong kay Len at Cha kung anong nakita nila at sila'y napasigaw at di halos makausap.
LEN: "Hindi mo ba nakita? Simula palang nung papasok tayo sa madilim na lugar na yun ay bigla nalang sumulpot sa likuran natin yung kotse, akala ko kasabayan lang natin kaso buong daan e hinahamon nya tayo ng karera, magre-rev sabay animo'y oovertake pero hindi, dun na ako nagtaka kasi cool lang kayong dalawa ni Tong na parang wala lang at di nyo pinapansin kaya medyo nagduda na ako at nanahimik nalang kaso itong si Cha di na mapakali at biglang nagsisigaw kasi pagtingin ko sa likuran biglang bumusina ng mahaba at akala ko babanggain na tayo pero biglang tumagos yung sasakyan sa atin at nawala ito bigla pagkalampas."

Nagkatinginan nalang kami ng kapatid ko at nagpasalamat na buti nalang di sya nakakakita at baka malamang naging sanhi pa ito ng aming aksidente sa madilim na parte na iyon ng highway.

P.S. May dagdag kwento ako sa susunod sa highway na ito.

Hanging StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon