Parang May Mali Sa Apartment Mo Kuya (Part 1)

21 1 0
                                    


Note : Before you proceed, please take time to read the "story info" first for the details of this published story.

***************************************************************************************

Part 1

Hello everyone. Kumustasa kalabasa? Hahaha.

Ang kwentong ito ay hindi sa akin kundi sa pinsan kong si Aya at ang apartment ng kuya niyang tawagin nalang nating si Kuya Makki. Si Aya ang bunso sa tatlong magkakapatid, si Kuya Makki ay 24 years old, ang panganay nagtatrabaho bilang isang Call Center Agent sa loob ng dalawang taon, graduate siya ng cum laude sa kursong Mass Media at gusto niyang maging isang sikat na reporter balang araw, habang naghihintay siya ng tawag mula sa isang tv station kung saan siya ni-recommend ng mama niya (tita ko)  sa ibang bansa ay nagpasya muna siyang mag-apply bilang Call Center Agent dito sa Pilipinas para na rin makaipon ng konti at para may panggastos kapag aalis na siya. Dahil malayo ang bahay nila sa lugar na kung saan siya nagtatrabaho (hindi ko alam ang eksaktong lugar basta malayo siya sa subdivision nila sa Antipolo), walang sariling sasakyan si Kuya Makki pero kung gugustuhin e kaya naman niya sanang bumili ng motor or kotse kasi yun din naman ang gusto ng parents niya (tita at tito ko) pero ayaw daw ni kuya ng sasakyan, kahit marunong siyang mag-drive. Ayaw niyang kumuha ng sasakyan dahil dagdag gastos lang daw kaya nag-decide nalang siyang kumuha ng apartment na malapit sa work niya para naman convenient daw at sa tingin ko e para na rin makapagdala siya ng babae (maraming chikababes si kuya). Sa totoo lang gwapo naman talaga si Kuya Makki, matangkad, maputi at may hawig siya kay Mark Herras yata yun yung artista sa GMA (totoo yan promise), kaya maraming nagkakagusto sa kanya mula nung high school, hanggang college at hanggang ngayon. Kahit ako bilang pinsan niya ay nagkakagusto rin sa kanya kaya lang marami siyang babae (hahahah sorry po kuya).

AYA'S POV:
Ff. Nakahanap si Kuya Makki ng apartment malapit sa work at mura lang kaya naman ginrab niya na ang opportunity na ito para di na siya maunahan pa ng iba. Sabi ng landlord ng apartment na yon e marami raw sanang gustong tumira dun yun nga lang e pagkalipas ng isa o dalawang linggo ay umaalis din agad ang mga ito nang wala man lang dahilan. Ang sinasabi lang daw nila e maingay daw ang kapitbahay at hindi nila kinakaya ang rules sa loob ng apartment. Si Kuya Makki maingay din yun kung tutuusin kahit lalaki siya masyado siyang madaldal (kaya siguro maraming chicks hahaha) okay lang naman kay kuya kung maingay ang kapitbahay, gusto niya rin daw subukan kung sinong mas maingay sa kanila. Pero sa totoo lang, hindi pala alam ni kuya kung anong klaseng ingay ang tinutukoy ng landlord. Wala din namang problema kay Kuya Makki ang pag-memorize at pagsunod sa rules name-memorize nga niya lahat ng pangalan ng chicks niya e (hahahah char!) Bago ibigay ng landlord kay Kuya Makki ang susi ng apartment niya ay binigyan siya ng list ng rules na dapat sundin natatawa nga raw siya habang binabasa yung mga rules kasi napaka-OA naman daw. Ito ang list ng rules:

Sa oras na pumasok o lumabas ka na sa apartment ay i-lock mo agad ang pinto HUWAG KALILIMUTAN.
Huwag magbubukas ng bintana.
Huwag magbubukas ng gripo sa hatinggabi.
Huwag titingin sa loob ng closet na may nakasulat na "KEEP OUT" kapag hatinggabi na.
Kapag may nahulog kang gamit sa ilalim ng kama ay kunin mo ito ng hindi gumagamit ng flashlight.
Kapag hatinggabi at may kumatok sa pinto ng tatlong beses HUWAG NA HUWAG ITONG BUBUKSAN.
Pwedeng magdala ng kahit sinong bisita siguraduhing lang na hindi gagabihin. Bawal ang sleepover kung may mag-sleepover man siguraduhing susunod din sa rules.
Ang pinakahuli huwag gagalawin ang mga stuffed toys na nasa cabinet na may pintong salamin, huwag bubuksan ang pinto ng cabinet na ito. HUWAG KAKALIMUTAN.

To be continued...

- Ally

Hanging StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon