UST Charity Ward

38 2 0
                                    


Note : Before you proceed, please take time to read the "story info" first for the details of this published story.

***************************************************************************************

Hi Spookify! 

Gusto ko lang mag-share ng creepy story sa page nyo. Actually recently ko lang nalaman itong page na ito. Kakakalikot ko din ng mga pages then voila!  Eto na.

Anyways, yung ikukwento ko ay story ng mama ko. So here it goes. 1999 yata ito nung nangyari. Basta nakalimutan ko na ang exact date. Na-confine kasi yung ate ko nung time yan. Nasalubsob yung ate ko sa kamay, hindi agad nakuha yung object sa palad nya kaya yun naging mas komplikado pa ang lahat. Kinailangan pa siyang operahan non. 

Sa 3rd floor yung ward para sa mga bata. Since sa mga Tomasino naman itong page na ito, oo sa UST Charity Ward yung tinutukoy ko ditong ospital. So ayun na nga, that time isa pa lang yung available na elevator sa charity ward ng ospital. Lumang style pa. Yung ayos nung 3rd floor nasa dulo yung nurse station tas sa gilid non may corridor, don naka-admit yung ate ko. Isang gabi, kinailangan ng antibiotic ng ate ko, so bumili yung mama ko sa labas. 1am ng madaling araw nong time na yun. Nong nakabili na siya, bumalik siya agad kasi walang kasama ang ate ko sa taas. Naghahagdan lang daw talaga sya pag ganong oras kasi nga wala ng tao pero hindi niya daw alam bakit sya nag-elevator. Yun na sumakay na daw siya, di nga siya nagkamali, sya lang mag-isa. Pinindot niya yung 3rd flr. Antok na antok at nagmamadali daw siya ng time na yun. E di umandar na. Nagulat daw siya napunta ng 4th flr. Pindot daw ulit sya ng 3rd flr. E di sumara na. Nagulat daw siya bakit papaakyat.

Pumanik ngayon ng 6th flr. Eh wala namang naka-admit sa 6th flr kasi bodega yun. Ang tagal daw huminto ng elevator don. Kinilabutan na daw siya. Gusto niya na daw tumakbo para gamitin yung hagdan pero bigla daw sumara yung pinto.

Pinindot nya na naman ng 3rd flr, bumaba naman daw sa 5th flr. Mangiyak-ngiyak na daw sya. May mga pasyente na sa 5th flr kaya lang private, kumbaga parang dorm. Extension yata yun ng private ganon. At nagbukas daw yung pinto ng elevator, kalahati lang. Dasal na daw sya ng dasal non, pindot sya ng pindot ng 3rd flr hanggang sa nagsara ulit. Bumaba na. Nagulat na naman sya kasi that time sa basement naman dumiretso yung elevator.

Don sa basement nakalagay yung morgue. Bukas na bukas daw yung pinto ng elevator sa basement. Tatakbo na daw siya palabas kasi may kakilala naman daw syang mga janitor don. Don din kasi quarters ng janitor kaya lang sumara ulit yung elevator. This time pinindot nya na yung 3rd flr. Nagdasal siya ng taimtim na tigilan na sya kung sino man yun at nagbunga yung dasal nya. Bumukas na sa 3rd flr. yung elevator.

Totoo ito, sana lang hindi ako makabasa ng rude comments or else pagdarasal ko na mangyari rin ito sa inyo.

PS. Sana ma-post. Thanks!

PPS. 2 parts 'to. Kwento ko after ma-post.

FutureBioEducator

Hanging StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon