Part 2

595 12 4
                                    

part 2. VOTE COMMENT :) FOLLOW ME PLEASE??

 --

Nung natapos na din sila maginuman, inihatid ako ni Julia sa bahay. Si Julia yung naghatid sakin, imbes na si Quen, Khalil, Jhake o Joshua. Nakainom na kasi sila eh. Dapat nga ihahatid pa ko ni Daniel, pero naginsist si Julia na siya na lang daw, tutal malapit lang daw yung bahay nila samin.

Kahit ang totoo. Malayo. 

Hindi ko alam kung bakit nasabi ni Julia yun kay Daniel, nagsinungaling siya. Hindi pa kasi siya napupunta samin eh, kaya hindi niya alam ang bahay ko. Kina Julia pa lang, alam niya dahil tumatambay din kami dun ng barkada.

Bago pa ako makapasok ng pinto ng bahay namin eh napatigil na lang ako..

"Ayu.." tawag ni Julia sakin.

"Bakit? Ah, hahah goodnight pala Julia." 12 am na kasi, ngayon lang kami nakauwi. Hindi naman ako papagalitan, kasi nagpaalam ako.

 

"Si Daniel.." Parang sumikip yung dibdib ko nung banggitin palang ni Julia ang pangalan ni Daniel. Kinakabahan na naman ako kung ano man yung itatanong niya.

Lumingon ako sa kanya...tumingin sa mukha niya. May ilaw pa kasi sa terrace namin, kaya nakikita pa namin ang isa't isa.

"Tinawag ka niyang Kath...?" may pagtatanong ang tono ng boses niya. Pero mahinahon ito...

 "Ahh yun ba? Baka mas gusto niya yun, kasi mas maikli diba?" paliwanag ko. Kahit alam kong wala namang kwentang paliwang yun. Bahala na.

"Bakit? Anong meron sa inyo?" Naguluhan ako sa tanong niyang yun, ang pagkakaalam ko , siya ang gusto ni Daniel. Hindi ako. Pero bakit ganito yung tanong niya.

"Wala, ano bang sinasabi mo dyan. Di ba...natuwa ka nga ng sinabi kong may gusto din pala siya sayo, si Quen mismo nagsabi nun."

Ngumisi lang siya.

"Nagsisisnungaling si Quen, dahil gusto ka niya." 

"Alam ko naman yun Julia, gusto niya ko. Pero hindi siya magsisinungaling para lang dun. Pero bakit ganyan ang tanong mo. Wala, walang meron samin ni Dj. " Tumalikod na ko sa direksyon niya.

Ang sakit naman nitong ginagawa ko sa sarili ko. Sinasaktan ko lang sarili ko eh.

Ang hirap mag pretend..

Pumasok na lang ako , at iniwan si Julia sa labas. Nakakainis naman, bakit parang naiiyak ako na ewan. Hanggang sa kwarto ramdam ko ang ngilid ng luha sa mata ko hangganda makatulog na lang ako.

 --

Dumating na yung bagong taon, at nandito kami ng family ko sa terrace ng second floor namin. Bumili lang si Papa ng pailaw, kwitis ba yun? Tapos nanood kami ng fireworks display sa di kalayuan, libre pa nood? Hahah. Mas tipid di ba? Ganun kami tuwing bagong taon, simple lang talaga ang pamilya namin.

 -

Pasukan na naman, at eto may bago akong seatmate, si Jhake. Isa sa mga barkada ni Quen na naging kaibigan ko na din. Wala pa kasi si Julia, ang aga ko rin namang pumasok.

My Lollilove (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon